Chapter Eleven

68.2K 3.1K 360
                                    

Everything changes

Tyron Jaime Crisostomo's

"ARE you alright?"

Si Ave Maria ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko ngayon. Nilingon ko siya at saka inalayan siya ng ngiti. Hindi kasi ako makatulog nang gabing iyon matapos nang naganap sa pagitan namin ni Senyora Gracita. Hindi ko alam kung ano pang kailangan kong gawin para tigilan na niya ako.

Wala akong ginawang masama sa kanya. Kahit halos araw – araw ng buhay ko ay tinatapakan niya ang buong pagkatao ko ay hindi ako nag-isip ng masama sa kanya. Ang ginusto ko lang noon ay mapabuti ako para naman maiahon ko sa kinalalagyan niya si Nanay. Iyon lang naman ang gusto ko – ang maibigay kay Nanay ang buhay na nararapat para sa kanya. Gusto ko siyang gawing reyna. Gusto ko siyang gawing pinakamasayang babae sa buong mundo, pero hindi na siya nakapaghintay. Kahit na ganoon ay handa pa rin naman akong gawin ang lahat para mapasaya ang nag-iisang babae ngayon sa buhay ko at si Ave iyon.

Lumapit siya sa akin at yumakap mula sa likod ko. Inakbayan ko naman siya at hinalikan sa noo.

"Are you alright?" She asked me again.

"Okay na ako ngayon." Kinindatan ko siya. Tumawa naman si Ave. Naisip ko bigla kung ano – ano iyong mga bagay na nawala sa kanya mula nang magkakilala kaming dalawa. Iyong tatay niya noong isang araw, malinaw na malinaw na galit sa kanya dahil sa pagpunta ni Ave rito sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero kailangan ko rin siyang kausapin, isa sa mga araw na ito. Muli ko siyang haharapinpara patunayan na hindi pera ang habol ko kay Ave Maria.

Mahal ko siya. Alam kong mahal ko siya. Hindi naman kasi kailangan ng matagal na panahon para malaman na mahal ang isang tao – alam ko, sa ngayon, ay mahal ko si Ave at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Siya ngayon ang aking mutya.

"Parang ang hirap – hirap magsimula muli." Bigla kong naiusal. Tumingin si Ave Maria sa akin. "Ang daming hadlang. Si Senyorita Gracita, pagkatapos iyong tatay mo – na kailangan pa natin kausapin dahil kailangan ko siyang makumbinsi na mahal kita at kaya kitang buhayin sa pagsisikap ko."

"Hindi muna siguro sa ngayon. Galit pa si Papa." Malungkot na wika niya. Hinaplos ko nang makailang ulit ang mukha ni Ave. Napakaganda niya, hindi lamang sa mukha kundi pati na rin ang kanyang kalooban. Bibihira ang taong ganoon, kaya nga ngayong nakita ko na siya, hindi ko na siya pakakawalan. I will do everything to keep her.

"Magiging okay rin tayong dalawa." Sabi ko pa sa kanya. "Siguro nakatadhana talaga tayo sa isa't isa kasi o, ang dami nating struggles, daig pa natin si Angelo at Ina sa Pangako sa'yo! At least tayong dalawa, magkasama na at habang nandito tayo para sa isa't isa, kakayanin natin ang lahat. Diba?"

"Oo naman, Tyrone." Wika niya sa akin. Siya naman ang humahaplos sa mukha ko. May kung ano akong nabasa sa mga mata niya, pakiramdam ko kasi ay may nais siyang sabihin sa akin. Napapabuntong – hininga si Ave. Kinakabahan naman ako.

"May problema ba?" Tanong kong muli. She shook her head.

"You are so fragile, Tyrone." Sabi pa niya. "And I am willing to do everything to protect you." Niyakap niya ako. I hugged her back kahit naman nagtataka ako. Kung anuman ang iniisip ni Ave, sigurp ay sasabihin niya rin iyon sa akin sa mga susunod na panahon. Naniniwala kasi akong kaming daawa ang magiging magkasama habambuhay.

"Matulog na nga tayo, baka mamaya magkaiyakan pa tayong dalawa dito." Sabi ni Ave habang tatawa – tawa. Kinuha niya ang kamay ko at pumasok na kami sa silid ko. Sa kama pa rin siya, ako naman sa lapag. Hinalikan ko siya sa labi saka ako nag-goodnight. Natatawa ako sa kanya kas inga kapag hinahalikan ko siya ay nabibigla pa rin siya.

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon