Chapter Nine

72.4K 3.5K 738
                                    

Awkward

Tyron Jaime Crisostomo's

"Pasensya ka na, Ave, maliit lang itong kwarto ko, matigas iyong kama saka walang aircon. Hindi pa kasi namin nababawi sa nilabas naming pera sa talyer pero once na makabawi na ako, bibili ako ng mas malambot na kama at aircon."

Nakatingin lang si Doc Ave sa akin habang pinapagpagan ko iyong kamang gagamitin niya sa gabing iyon. Wala akong ideya sa kung anong nangyari sa kanya. Gusto kong magtanong pero wala naman akong karapatan. Nanliligaw ako sa kanya pero hindi pa naman kami dumarating sa puntong may karapatan akong makialam sa buhay niya.

"Naku, Tyron, okay lang naman. You don't need to do that. Pwede nga na sa labas na lang ako. Ako iyong nagpapaampon."

"Hindi naman pwede iyon." I said. "Dito ka sa kwarto ko, ako ang matutulog sa labas. Itapat mo itong electricfan sa'yo ha. Tapos magpapasok pa ako ng isa para naman malamig."


"Tyron, h'wag na. Okay na ako dito. Hindi naman ako magtatagal, bukas na bukas, uuwi ako sa Pangasinan. May pinsan ako roon, doon na lang muna ako tutuloy."

Nakaramdam naman ako ng kalungkutan. Akala ko pa naman dito siya titira sa akin. Kunsabagay, sino nga ba naman ako para umasa ng ganoon.

"I see." Bigla ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Tinapos ko na lang iyong pagpag sa higaan tapos ay lumabas na ako. She said goodnight, I just smiled at her. Naupo ako sa sala na nakababa ang balikat. Okay lang naman na aalis na siya. Hindi naman siya dapat nandito lalo na kung ayaw niya. Pero nakakalungkot lang talaga. Akala ko kasi...

Napabuntong – hininga na lang ako.

Nitong mga nakaraang linggo ay palagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba talagang nararadaman ko para kay Ave. Alam kong gusto ko siya. Kaya nga niligawan ko siya pero gaano na nga ba kalalim iyon?

I smiled at myself, I get excited everytime I think of her – that's a point right? Nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita kaya gumagawa ako ng paraan para makita siya. Everything seemed to be lighter whenever she's around at dahil sa mga iyon, alam kong kailangan ko siya sa buhay ko – masaya kasi ako kapag nasa malapit siya and the fact that she's going away tomorrow, saddens me.

"Gising ka pa?"

Napabangon ako nang marinig ko si Anita. Kararating niya lang yata. Hindi naman siya dito sa bahay na ito nakatira. Sa kabilang bahay siya, mga tatlong bahay ang layo mula rito kaya nagulat ako na dito siya dumiretso. Ang nakatira lang dito ay ako, si Boo at si Babsi – magkapatid si Boo at Babsi. Kamag-anakan kasi ni Nanay ang Tatay ni Boo kaya magpinsan kami at halos sabay nang lumaki.

"Bakit dito ka natutulog?" Tanong niya sa akin. Naupo ako at ngumiti sa kanya. She sat beside me. "Bakit nga dito ka natutulog? Maini tba sa kwarto mo?" Tanong muli niya.

"Hindi, nandyan kasi si Doc." Sinagot ko naman siya. Napatitig siya sa akin at biglang tumayo. Walang pasabing umalis siya. Sa mga panahon ngayon, hindi ko na naiintindihan si Anita, para bang napakarami niyang iniisip at hindi sinasabi sa akin.

"Bakit nag-walk out iyon?" Bulong ko sa sarili ko. Bumalik na ako sa paghiga pero muli akong napatayo nang makita kong naroon si Ave sa may pinto ng silid ko at nakasandal. She was looking at me in a very funny way. "Doc, kanina ka pa diyan?"

Nagbuntong – hininga siya saka lumapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko at pinakatitigan ako.

"Tyron, naka-ilang jowa ka na? Except noong mga gigolo days mo ha, iyong totoong jowa. Iyong mahal mo."

Tell me you love meWhere stories live. Discover now