Chapter Seven

71.4K 3.3K 293
                                    


Tyron Jaime Crisostomo's

Umalis si Senyora Gracita nang masama ang loob. Hindi ko na talaga hahayaang hamakin niya ang pagkatao ko. I realized that I was only letting her to that because my mother felt like she owes that family – samantalang ang totoo, wala naman kaming utang sa pamilyang iyon na kahit na ano. Buong buhay ko, lumaki ako na nagpapakumbaba kami sa kanila dahil pakiramdam ni Nanay napakalaki ng kasalanan niya dahil nagkaroon sila ng relasyon ng ama ko – oo kasalanan iyon. Naging kabit si Nanay at ako ang naging bunga niyon pero hanggang kailan ba namin dadamdamin ang pagkakamaling iyon? I guess this is the time to be free from all of those things.

"Tyrone, okay ka lang ba?" Napansin kong nakatayo na pala si Anita sa may pinto ng tinutuluyan namin. Ngumiti ako sa kanya. Kasalukuyan akong umiinom ng gin noon. Naupo siya sa tabi ko at saka nagbuntong – hininga.


"Oh, anong iniisip mo?" I asked her.

"Paalisin na naman ba tayo ni Senyora Gracita dito? Nakapag – unpack na kasi ako tapos on going na iyong pag-aayos ng permit paano kapag na-approve iyon? Tapos paalisin na naman tayo dito. Sa totoo lang. Tyrone, gusto kong umuwi sa Bats. Doon kasi talaga ang buhay natin."

Inakbayan ko si Anita. "H'wag kang mag-aalala. Babawiin natin ang compound." Tumitig siya sa akin.

"Paano? May plano ka ba?"

"Oh, I will have a plan soon pero sa ngayon, h'wag mon ang isipin si Senyora. Kung may plano man siya, mapipigilan ko iyon. Kung paano, h'wag ka na munang magtanong." Kinindatan ko siya. Ngintian ako ni Anita na para bang ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla kong naalala si Ave Maria. Hindi na siya nakapagpaalam kaninang umalis siya. Naisip kong puntahan siya sa ospital bukas para makapagpasalamat sa pakikiramay niya sa akin at sa pagdadala niya ng pasta.

Sa totoo lang. natutuwa naman ako sa atensyong binibigay niya sa akin. Kay Ave, nakakita ako ng isang kaibigan.

Hindi man maayos ang naging pakikitungo niya sa akin noong una, bawing – bawi na iyon ngayon.

"Gusto mo ba iyong doctor?" Tanong pa ni Anita sa akin.

"Ano?" Dama kong namula ang pisngi ko. "Wala pa kami sa ganoon, ito naman parang ano." I laughed. Matapos kong ubusin ang laman ng baso ko ay nagpaalam na ako sa kanyang magpapahinga na. Habang nakahiga ay pinakaiisip ko si Ave Maria.

Napakaganda ng mga ngiti niya kasing ganda ng mga bituin sa kalangitan.

xxxx

Maaga akong nagising kinabukasan. Sinadya ko iyon dahil mamamalengke ako. Naisip ko kasing dalawin nga si Ave Maria sa ospital nang araw na iyon. Wala naman rin kasi akong gagawin – actually, marami kaming gagawin pero sa tingin ko maiintindihan naman ako ng mga kaibigan ko kung pupuntahan ko muna si Ave, alam naman nila na may utang na loob ako roon sa tao.

Ipagluluto ko siya ng paksiw na pata. Mayaman si Ave kaya hindi ko sigurado kung kumakain siya noon, feeling ko naman kahit ano kinakain niya kasi mukhang pagdating sa kanya ay food is life.

Matapos kong mabili ang lahat ng kailangan ay umuwi ako sa bahay, nagluto na ako. Doon ako nadatnan ni Anita at ni Boo. Si Boo iyong isa pa naming kasosyo, mga kababata ko sila sa Batangas at hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami – na kung minsan parang nagkakasawaan na kami sa mukha ng isa't isa.

"Wow! Ang sarap naman ng luto mo, Pre!" Kantyaw agad ni Boo. Nakatingin lang naman si Anita at nakangiti.

"Masarap rin ang luto niyan, Boo. Ano ka ba? Aral iyan kay nanay." Sabi pa niya. Pinagtawanan ko sila. "Almusal ba natin ito o tanghalian?"

Tell me you love meWhere stories live. Discover now