Chapter Eight

79.1K 3.9K 774
                                    

Ave Maria Consunji's

After thirty – six hours of duty, I get to sleep. Sa buhay kong ito, iyon na iyong pinaka-reward ko – ang matulog kaya pag-uwi ko ng bahay, agad akong nag-shower para makatulog na. Wala naman akong gagawin buong araw, so balak ko lang humiga maghapon.

I didn't even bother watching tv. I just laid in my bed, closed my eyes only to open them again because someone – a jerk – opened my door, turned the lights on and yelled.

"Ave!"

Napabangon ako when I recognized my dad's voice. Nakita kong kasama niya si Mommy na pilit siyang hinahatak palabas ng pinto.

"Javie, pagod naman ang anak mo. Just let her sleep. Ano ka ba? Ipagpa-mamaya mo na iyan."

"Dad? Mom? What is happening?" I asked them. Dad was too mad. Dikit na dikit ang labi niya sa isa't isa. Hindi kaagad siya sumagot. He took a deep breath first and then he yelled at me.

"I told you before and I am going to tell you again, Ave Maria, do not involve yourself with Tyron Crisostomo and yet you are seen yesterday with him in the cafeteria! Ginagalit mo ba talaga ako?!" Gigil na gigil na naman si Dad. I just took a deep breath.


"Dad, hindi ba talaga pwedeng bukas na ito? Thirty - six hours straight akong walang tulog tapos ikaw naman mag-aarte ka today. Can you just please let me sleep first?"

"Ave!" He hissed.

"What?! It's not as if may ginagawa kaming masama ni Tyron. Wala naman kasi Dad. Magkaibigan lang kaming dalawa."

"Hindi ko nga gusto na magkaibigan kayo! He's a jigolo!"


"Javier! Ikaw ang nagpakilala kay Tyron kay Ave, bakit nagagalit ka ngayon? Wala silang ginagawang masama kaya please, let's just go home. Palamigin natin ang ulo mo." Sabi pa ni Mommy. Dad just shook his head.

"Kaya tumitigas ang ulo niyang panganay mo palagi mong kinakampihan. All I want is the best for my daughter and yet, even that hindi ko magawa dahil palagi mo akong kinokontra Danelle! Are you comfortable with the fact that she's friends with that jigolo? Your daughter deserves the best!"

"Just like how Georgina deserves the best so you and your cousin Yvo meddled with her life before?" Inis na wika ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko habang nakikinig sa kanila. Nag-away na silang dalawa. I just stared at Dad. Hindi ko alam kung anong ginawa niya noon kay Tita Gina, pero I have a feeling it has something to do with Uncle Ido. Mabait naman si Uncle Ido kaya lang inis siya kay Dad hanggang ngayon.

Nagulat ako nang bumaling si Daddy sa akin.

"Ubusin mo ang pasensya ko, Ave Maria. Subukan mol ang nang makita mo kung anong hinahanap mo!"

That was when he walked away. Sumunod si Mommy sa kanya. Ako naman ay bumalik sa pagtulog pero hindi na ako dalawin ng antok. I took my phone. Nakita kong may missed call si Tyron. Bigla kong naalalang nangako nga pala ako sa kanya na tutulungan ko siyang iligpit ang mga gamit ng Nanay niya ngayon. Tumayo ako para muling magbihis. Wala namang masama kung pupuntahan ko si Tyron. Nag-iinarte lang si Daddy. H'es just too judgmental right now.

Ano naman kung jigolo si Tyron? Hindi naman masama iyon – in some context – I don't find that offending. It's his life, choice niya kung anong gagawin niya. Isa pa, pakiramdam ko mabait si Tyron.

Sumakay ako ng kotse at nagpunta sa tinutuluyan nila. Tamang – tama ang pagdating ko dahil nakita kong nag-aayos na sila ng talyer. Agad akong nakita ni Tyron kaya lumapit siya. He smiled.

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon