Chapter Five

86.6K 3.8K 413
                                    

Reveal

Ave Maria Consunji's

"What have you done, Ave?"

Sinigawan ako ni Dad pagpasok na pagpasok ko sa bahay ng mga magulang ko. Nagulat na lang ako dahil umagang – umaga ay tinatawagan niya ako at sa phone pa lang ay sinisigawan na niya ako. Para bang may nagawa akong mali. Hindi ko talaga matandaan kung may nagawa nga ba akong mali o kung anuman. Kaya nagpunta na lang ako sa bahay, hindi pa ako nakakabwelo ay ibinato na ni Dad sa paanan ko ang dyaryong hawak niya at doon, kitang – kita iyong moment na hinalikan ko si Tyron Crisostomo. Hindi ko alam na may nanonood palang press noon. Hinalikan ko lang naman siya dahil nayamot ako kay Aleja. Like why would she even threaten me like that? Wala naman akong balak agawin sa kanya si Tyrion kaya lang, ininis niya ako kaya pinatunayan kong may matapang ako kaysa sa kanya.

Pero nakalimutan kong tiklop ako pagdating kay Javier.


"May asawa na iyong tao tapos nakikipaghalikan ka pa?!"

"Daddy!" I said. "Fiance lang niya si Tyron, hindi sila kasal."

'Ganoon rin iyon." He told me. "Ave, binibigyan kita ng choices sa buhay, isa si Tyron doon pero hindi na siya available. He's marrying Aleja Michaels and you have to understand that. Hindi iyong kapag gusto mo, kukunin mo. Consunji ka oo, pero hindi ka pwedeng maging pangalawa lang sa kahit anong aspeto ng buhay mo."

"Dad, it's not like may gusto ako sa kanya." Wika ko na lang. Hindi na ako nagsalita. Si Daddy ay pinagagalitan pa rin ako. Hindi ko naman talaga intension na makipaghalikan kay Tyron, ininis ko lang si Aleja, siguro ngayon, nagwawala na siya dahil sa lumabas na litratong ito.

"Ayokongh makikita kang kasama iyang lalaking iyan, Ave Maria. Palagi ka na lang naagrabyado pagdating sa pag-ibig akala mo ba natutuwa ako nang ganoon? Kung gaganyan ka rin lang, hala sige magmadre ka na lang!"

"Ayoko nga po!" Sigaw ko.

"Javier, kumalma ka. Hindi ka talaga nagmana kay Kairos." Narinig ko si Mommy. Tumaas baba ang dibdib ni Daddy. Mommy only smiled. "Hayaan mong magkamali si Ave, doon naman tayo natututo. Tingnan mo ako."

"But yours was different, Danelle."

"I know. And I'm thankful that Ave didn't do the same mistakes. Hayaan mo siyang magkamali. Magpakamagulang ka kapag nag-iiyak na ang anak mo. H'wag mo siyang pigilang maging masaya,"

"Saya? Tapos kapag umiyak na naman iyang anak mo?!"

"She's smart, Javier. Bakit kay Dyosa, hindi ka ganyan? You had always been so protective of this one. Pero kapag kay Dyosa, hinayahaan mo."

"Matigas ang ulo noon, ito hindi." Nakaismid na si Daddy. Ngumiti lang naman ako. Yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

'H'wag ka nang magalit Daddy. Wala naman ibig sabihin iyon. I just kissed him to spite Aleja, she's getting into my nerves na kasi." Sabi ko pa.

"Be careful of your decisions, Ave." Wika niya. Tumango naman ako. Niyaya ako ni Mommy na mag-almusal kasama siya at nang matapos iyon ay umalis na ako para magpunta sa ospital. I did my rounds that morning tapos noong afternoon ay nag-cover ako sa pit. Iniisip ko lang iyong nangyari kagabi, sure naman akong iniinis ko si Aleja pero hindi ko itatangging nakaramdam ako ng sparks noong halikan ako ni Tyron.

He has soft lips and is mouth is really hot. I had been kissed before, iyong iba nga nahawakan na iyong boobs ko but I had never been kissed that wa before. Nakakaloka lang kasi pakiramdam ko ba kinilig ako kahit hindi naman, pero sige na nga, kinilig na ako, ako pa ba iyong indenial?

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon