Chapter Six

71.9K 3.5K 196
                                    

Baka magulat

Ave Maria Consunji's

Naisip kong parang bata si Tyrone. Isinakay ko siya sa kotse ko at nag-stroll lang kami around the city. Hindi ko kasi siya maiwan. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort kasi naman, ang lungkot- lungkot niya.

Nakaupo lang siya sa passenger's seat tapos nakatingin sa labas. Sigurado akong umiiyak siya ngayon. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Alam kong napakalungkot mawalan ng mahal sa buhay, nakikita ko iyon araw – araw sa ospital pero wala akong karapatang magsalita kasi hindi naman ako iyong nakaramdam ng emptiness.

Mayamaya ay gumalaw na siya. Napatingin siya sa akin. Ako naman ay ngumiti.

"Okay kana, Tyrone?" I asked him.

"Opo, Doc. Pasensya na. Ibaba mo na lang ako kung saan diyan, mag-jeep na lang ako pauwi. Baka nandoon na si Nanay." Malungkot na wika niya kahit na nakangiti siya sa akin. Tinapik ko ang balikat niya.

"Hindi na, ituro mo na lang sa akin kung saan ang daan. Ihahatid kita. Kahit ito man lang matulungan kita." Ngumiti ako sa kanya. Napansin kong natigilan siya tapos ay napabuntong – hininga rin.

'Hindi mo ba itatanong sa akin kung anong dapat na ginawa ko roon sa bahay ni Senyora Gracita?"

May ideya naman ako. He's broken, baka gusto niyang makausap ang Papa niya. Napakagat labi pa ako nang maalala kong hindi nga pala iyon ang Papa niya.

"Nagpunta ako roon para saktan silang lahat dahil sa nangyari sa Nanay ko, pero nakakapanghina, Doc, hindi ko alam kung paano ako ngayon. Si Nanay ang dahilan kung bakit ako lumalaban, ngayon, wala na si Nanay, paano na ako?"

"Tyrone, malaki ka na." I smiled at him. "Kung wala na si Nanay, hanap ka ng ibang dahilan para mabuhay ka. Pagbutihin mo iyong sarili mo. Tumayo ka sa sarili mong mga paa. Wala naman si Nanay mo, alam naman niya at nakikita niyang nagsisikap kang tumayo muli."

He sighed again. "Alam ko naman iyon, Doc. Hindi ko lang kasi talaga alam kung paano na ngayon. Ang hirap isipin na sa susunod na mga araw, gigising akong wala na si Nanay. Pero salamat, Doc. Ibaba mo na lang ako dito."

"Hindi na. I insist. Ihahatid kita."


Hindi naman na siya tumanggi. Itinuro niya sa akin ang daan papunta sa tinitirahan nila. Maayos naman ang neighborhood nila, hindi katulad noong mga areas na nababasa at napapanood ko sa mga news, maayos ang kapaligiran, walang nag-iinuman sa tabi, it's a bit peaceful.

Napansin ko iyong bahay na may tolda at may maliwanag na ilaw. Alam kong doon na iyong bahay nila. I parked the car a block away from their home. Bumaba agad si Tyrone. Sinalubong agad siya ng mga lalaki.

"Pre, nandito na si Nanay, kanina pa iyan, saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong noong isa. Hindi siya nagsalita. Naglakad kaagad siya at pumasok. I know that I should go pero natagpuan ko ang sarili kong sumusunod sa kanya.

He slowly stood before his mother's coffin. Nakatayo lang siya na para bang sinasaulo niya ang mukha ng Mama niya. I just stood there, naiisip ko kung paano kaya kung parents ko iyon? Paano kung si Daddy? Paano kaya kami if mawala ang isa sa kanila? Ipinilig ko ang aking ulo at saka huminga nang malalim. Napansin kong nakatitig sa akin iyong babaeng boyish. Alam kong kaibigan siya ni Tyrone kaya ngumiti ako sa kanya. Lumapit naman siya sa akin.

"Hi!" I greeted her.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Pinigilan kong tumaas ang kilay ko.

"I took Tyrone home." Sagot ko sa kanya.

"Bakit? Anong ginagawa mo kasama siya?" Tanong ulit niya. Ano bang problema niya kung magkasama kami? Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya tapos magtatanong siya sa akin nang ganito, ang kapal lang ng mukha. I smiled again.

Tell me you love meWhere stories live. Discover now