Chapter 21:

3.9K 87 9
                                    

 

 

Chapter 21:

POV OF FAJUZIA CERVANTES: 

" Planning is a logical and systematic approach of formulating the objectives, programs , policies, procedures, budgets, rules and regulations and other types of plans."

"Very Good Mr. Santos." Edi siya na matalino, graded recitation namin kasi management nakasagot naman ako kaso ang baba ng score na binigay ni Maam sa akin. Badtrip eh, pagdating kay Tofer kung magpacute wagas. Tsss.

"Ayos ba Chocopie?" Pangiti niya pang sabi sa akin pero inirapan ko siya. Naiinis ako eh.

"Ui. Chocopie bakit ang sungit mo?" Tss. ayaw ko siya pansinin. Naiirita ako.

"Okay Class, next meeting you will have a long test. Please review, and Mr. Santos let's talk.Class Dismiss."  Kabadtrip lalo! ang landi ng prof namin sa management sarap sakalin. (-_-)"  At dahil dyan maiwan ko muna sila kasi masaya pang lumapit si Tofer kay Maam. Magsama sila bwisit!

*********

"Ui Si Bestfriend ngayon ko lang nakitang magselos." Sino pa ba ang mang-iinis sa akin? Edi walang iba kung di sila Sheena. 

"Hahaha. Ang pangit ng itsura mo Zia para kang mananapak." Kita mo toh Nang-asar pa talaga si Jenna.

"Oo mananapak talaga ako att mauuna kayong dalawa."

"Nyi. Ganyan ka naman Zia nag-ilocos lang. Pero salamat sa pasalubong mo ha!" Sabi sa akin ni Sheena.

"Tse. Ewan ko sainyo." Mas mabuti na lang kung manahimik ako.

"Musta na Mah bebe labs? Mukhang badtrip ha?" Tiningnan ko si Harry, syempre wala ng ibang tao ang tatawag sa akin ng ganun.

"Ay nako Sweetiepie, nagseselos yan kaya ganyan." Biglang napataas kilay ko sa tawag ni Sheena kay Harry.

" Jusko Zia tsaka na lang namin ikwekwento bakit sila ganyan." Sabi ni Jenna sa akin bigla ako napasimangot.

"Ang daya niyo. Kayo na ba Sheena at Harry?" Biglang tumawa yung dalawa at si Jenna naman patay malisya lang.

"Tss. Ganyan naman kayo eh. Di na ako updated sainyo kainis." Nakakatampo naman sila.  Tapos biglang inakbayan ni Harry si Sheena.

"Soon To be official Mah bebe labs." Pangiting sabi ni Harry, ahhh gets ko na. So nagkakamabutihan na silang dalawa.

"Well Congrats! " Sabi ko na lang at tumingin kay Jenna.

"Ikaw Jenna? Hanggang kailan magiging manang?" Bigla ako natawa bigla kasi siya napasimangot.

"Edi kayo na may love life! Tss. Tara na nga, malalate na tayo sa class natin." Inis na sabi ni Jenna. Hahaha. Kahit kailan talaga si Jenna basta usapang love life nagiging bitter.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now