Chapter 28 :

3.1K 65 0
                                    

Chapter 28:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

Nandito kami sa mall kasama ko ang boyfriend ko na si Eycee. Isang linggo na din ang nakalipas nung lumabas ako sa ospital, sabi lang ng doktor sa akin magpahinga ng maigi. At dahil makulit ako, di ko sinunod ang sabi ng doktor. 

"Eycee, pahinga muna tayo."

"Ano?Pagod ka na? Kulit mo kasi e." Tiningnan ko ng masama.

"Pati ba naman ikaw Eycee , sesermunan mo din ako? Ayaw ko nga magpahinga kasi ngalay na ngalay na likod ko kakatulog at boring na boring na ako."

"Ang tigas kasi ng ulo mo."

"Ano ba yan, uwi na lang tayo. Ngayon lang tayo ako nakalabas ng bahay e. Kainis ka!" Patayo na sana ako kaso bigla niya hinawakan kamay ko.

"O sige na mamaya na tayo uuwi. Pahinga muna tayo, ang matampuhin mo naman."

"Ikaw kasi eh!"

"Sorry na Chummy."  Bigla napatingin sakanya, Chummy? Anong Chummy? Luuh?

"Chummy? Bakit Chummy tawag mo sa akin?" Napansin ko para din siyang nagulat sa sinabi niya pero dinaan niya sa ngiti.

"Ayun talaga ang tawag ko sayo, yung chocopie pang-asar ko lang sayo. Chummy talaga tawagan natin."  Tiningnan ko lang siya para magtanong kaso bigla siya tumayo.

"C-cr lang ako dyan ka muna." Ayun umalis siya, minsan nagtataka ako kay Eycee kasi may pakiramdam ako na parang nagsisinungaling siya sa akin na hindi ko naman talaga alam ang dahilan. Tsaka isa pang pakiramdam ko, di ko maramdaman na mahal ko siya. O dahil kaya di ko lang siya maalala kaya maski tong puso ko di rin makaalala? Posible kaya yun? Hahaha. Ay nako , nababaliw nanaman ako.

" Fajuzia, ikaw ba yan? Ikaw nga! Long time no see. " Nagulat ako sa babaeng lumapit sa akin at may kasama siyang batang babae.

"Uhmm. Hi!" Ayun na lang ang nasabi ko sakanya at nginitian ko lang siya tapos parang nawala yung ngiti niya sa akin.

"Mommy, sino po siya?" Tanong nung batang babae, ang ganda niya naman.

"Girlfriend ng Ninong----"

"Chummy!" Hindi naituloy nung babae yung sasabihin niya kasi biglang dumating si Eycee tapos biglang napatingin yung babae sa amin ni Eycee.

"Boyfriend mo ba siya Fajuzia?" Bigla niyang tanong sa akin.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon