Chapter 35:

3.2K 78 1
                                    

     

Chapter 35:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

 

      

  Nandito ako sa bahay ng Santos Residence. Pinatawag ako ng Ate ni Tofer, at nagulat nga ako na nadito din ang parents ni Tofer.

"It's nice to see you Iha." Sabay kiss sa akin ng mommy ni Tofer , sa totoo lang hindi ko masyadong close ang mommy ni Tofer mas close ko kasi ang daddy ni Tofer.

"Umupo ka Fajuzia." Sabi ni ng daddy ni Tofer na si Tito Tristan.

"Ughh. ano ba mom and dad, ang serious naman ng atmosphere niyo dyan. Oh hello my dear." Biglang yakap sa akin ni Ate Tiffanie. Ganda niya talaga, pangmodel talaga ang beauty niya.

"Kumain ka na ba Fajuzia?" Tanong sa akin ni Ate Tiffanie.Teka nasaan nga ba si Tofer? Pagkadating ko dito sa bahay nila, hindi siya ang sumalubong sa akin kung di ang mommy agad ni Tofer na si Tita Thea.

"Tapos na ate." Pangiti kong sabi tapos umupo siya tabi ko.

"Tiffanie, kausapin na natin siya." Biglang sabi ni Tita Thea kaya bigla ako kinabahan. Bakit nga ba nila ako pinatawag dito?

"Wait lang darling. Yung anak mo wala pa, kailangan nandito din siya." Sabi ni Tito Tristan. Oo nga nasaan na ba yun?

"Hallu~! Sorry kung late ako nagising. Goodmorning father & mother dear. And to my lokaret sister." Nabading nanaman toh si Tofer tapos biglang tumakbo si Tofer nung nakita ako at tumabi agad sakin.

"Ganda naman ng umaga ko. Nakita ko agad ang chocopie ko, Goodmorning." Sabay yakap sa akin. Di ko alam kung kikiligin ako sa ginawa ni Tofer o itutulak ko siya e? Nahihiya kasi ako sa harapan pa talaga ng magulang niya na ginaganito ako.

"EHEM." Napayuko ako at napansin ko na napangiti lang si Tofer sa ginawa ng daddy niya.

"Buti naman nagising ka Tofer." Sabi ng mommy niya tapos lumapit siya sa mommy niya.

"Namiss kita Mommy, bigla ka yatang napauwi kagabi parehas kayo ni Ate biglang nagsi-uwian anong meron ba?" Nacurious din ako sa sinabi ni Tofer.

"Kaya naman ako umuwi dito, kasi ako ang magiging judge sa contest sa University natin dati since naging big part din tayo dun.. E sakto nakita ko si Lolo dun at nasabi ko kay mommy ang nangyari sainyo kaya umuwi si Mommy. Kaya dapat namin kayo makausap." Seryosong sagot ni Ate Tiffanie, tumabi ulit sa akin si Tofer at hinawakan ang kamay ko.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ