Chapter 06:

6.8K 193 8
                                    

          Hi _sweetKARMA_ Thank you sa mga votes mo ha! Naappreciate ko yun :''> Thank you dahil nagustuhan mo ang story ko. Take care! Mwaaah. :****

Chapter 06:

 

POV OF FAJUZIA:  

Nandito ako sa mall, wala kasi kaming pasok ngayon at kasama ko ang mga kaibigan kong alien na sila Jenna at Sheena. At kung ano ginagawa nila?Nakakahiya silang tingnan. Umaakyat sila sa pababang escalator. Alam mo yun para silang mga bata?Tapos naghahabulan sila sa mall. At ako naman si tanga nakikitakbo din. Hahahaha. Heto kami nagpapahinga.

"Kapagod." Sabi ni Sheena.

"eh kung  hindi naman tayo parang tanga na naghahabulan." Sabi ko.

"Pero aminin masaya tayo sa ginawa natin? Para naging bata tayo ulit." Pangiti sabi ni Jenna.

"Yup masaya pero nakakahiya din." Sagot ko.

"Basta ako nagenjoy ako." Sabi ni Sheena.

"Sayang di tayo kumpleto noh. Saan na kaya yun si eycee?Nakakamiss yung mokong na yun." Napatingin ako kay Jenna at ngumiti sakanya.

"Babalik din yun." Sabi ko.

"Hindi mo ba namimiss yun si eycee? Di ba first love mo yun." Pang-aasar sa akin ni Sheena.

"Tss. Past is past na. Namimiss pero anong magagawa ko na sa korea yung tao.Alam mo naman pagkatapos maaksidente ng kuya niya may kumuha sakanya papunta sa korea. Yung Kuya niya na nga lang yung naging magulang niya eh. Bata pa lang siya di ba, namatay na yung daddy at mommy niya." Pagkatapos kong sabihin yun napansin ko si Sheena at Jenna para natahimik na hindi alam ang sasabihin. Ano nanaman kalokohan nila? Bakit sila natahimik.

"Jenna! Sheena, Woi! Tahimik na kayo dyan." Pangulat ko sakanila.

"Ha?! Oo nga eh, naawa nga ako kay eycee eh." Sabi ni Jenna tapos natahimik na lang kami at nagpahinga. Problema nitong dalawa? Para silang natatakot na ewan. Teka si Tofer ba yung nakikita ko ?

" Si Tofer ba yun?" Tanong ko sakanila at tinuro.

"Oo nga si Tofer yun." Bigla akong ngumiti sakanila.

"Gusto niyo ba may gawin tayo ulit?" 

"Ay ayan na yung evil Zia! Lumalabas na." Patuwang sabi ni Sheena.

"Tara sundan natin siya." Sabi ko sakanila.

"Tara! Mukhang exciting yun." Masayang sabi ni Jenna sa akin. Kaya ayun sinundan namin si Tofer sa ......

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon