Chapter 38: - SIDE STORY -

3.3K 69 0
                                    

Chapter 38: 

- Side story : SHEENA DOMINGO

"Finally, nagkaroon din tayo ng time magbonding na tayong tatlo lang." Masayang sabi ni Jenna, nandito kami sa coffee shop na lagi namin pinagtatabayan dati pa. Nakaugalian na kasi namin dito masarap kasi yung mga ice coffee nila at yung pagkain.

"Kaya nga e, bago man ako ikasal." Sabi ni Fajuzia, nginitian ko siya.

"Inunahan mo pa ako Zia." Sabi ko.

"Kailangan na kasi e, ang parents kasi ni Tofer ang nagasikaso. Alam niyo naman yung sitwasyon naming dalawa ni Tofer di ba?" Ewan ko ba dito sa bestfriend ko, bakit ganyan sitwasyon niya?

"Iba talaga pagnasa mayaman na pamilya.Buti na lang ako di ganun kayaman." Sabi ni Jenna.

"Pero wala naman lovelife." Pang-asar kong sabi tas tiningnan ako ni Jenna ng masama.

"Uii. Mag-aaway nanaman kayo! Ngayon na nga lang tayo ulit nagsama e." Pang-aawat samin ni Fajuzia.

"Haha. namiss ko lang kasi asarin si Jenna e."

"Tss. mga busy kasi kayo sa sweetiepie at chocopie niyo!" Pagtatampo samin ni Jenna pero tinawanan lang namin siya.

"Magentertain ka na kasi ng manliligaw." Asar ko ulit sakanya.

"May tamang time para dyan sa pag-ibig." Tumawa ako sa sinabi ni Jenna.

"Manang ka talaga!" Sabi ko sakanya. Nagkwentuhan lang kaming tatlo tungkol sa mga highschool and college days namin noon, ang saya talaga ng ganitong kwentuhan di nakakapagod pagusapan at pakinggan. Natapos ang kwentuhan at nag-si uwian na kami. 

"Sheena."

"Mano po." Ang mga magulang ko ay patay na, namatay sila sa isang aksidente nung bata pa ako. Wala akong kapatid, tita ko na nagpalaki sa akin kapatid ni mama. Pero ngayon nasa London siya kasama ang pamilya niya at ngayon sa lola ko pero ang tawag ko sakanya ay momsy at sakanya ako nakatira. May kaya kami, pero pinalaki ako na maging mapakumbaba.

"Kamusta ang lakad niyo magkakaibigan?" Niyakap ko si Momsy

"Sobrang saya po, parang feeling dalaga pa din ako hahaha."

"Nako ang apo ko." Tapos umiyak si momsy.

"Momsy nagdradrama nanaman." Pinunasan ko yung luha niya.

"Iiwan mo na ko e, ikakasal ka na eh."

"Momsy naman eh,lagi naman kita dadalawin dito. Syempre mamimiss kita kaagad."

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now