Chapter 03:

8.3K 183 14
                                    

Chapter 03:

Pov of Fajuzia Cervantes:

"Ngayon mo lang nalaman na bakla siya?!!"-Sigaw sa akin ni Sheena.Nandito kami nila Sheena sa canteen ng university.  At sakto pare-parehas kami ng break kahit magkakaiba kami ng course.

"Bakit? Close ba kami para malaman ko. Tsaka hindi ko naman alam na kilala pa yun sa university natin eh." Sabi ko.

"Sabagay sa ugali mong yan alam kong wala ka namang pake sa mga nangyayari dito sa university ang gusto mo lang ay makapagtapos ng maayos."  Totoo naman yung sinabi ni Sheena, wala akong alam sa mga nangyayari dito sa pinapasukan ko hahaha.

"Ganyan naman yan si Fajuzia, baka tumandang dalaga.Masungit na nga at wala pang pake sa mga nangyayari sa paligid niya." Sabi ni Jenna sa akin na kinataasan ko naman ng kilay.

"Wag kang magsalita ng tapos Jenna baka sayo mangyari yan."Pang-asar ko kay Jenna.

"Tss. parehas lang tayo NBSB  Fajuzia tandaan mo yun." Natawa ako sa sinabi ni Jenna, Oo parehas kaming NBSB pero ang pinagkaiba namin madami nanlilligaw sa akin at siya naman mangilan-ngilan lang. At ako naman busted ng busted siya naman pumapayag magpaligaw kaso iniiwan siya sa ere.

"Okay Fine.Pero di ko talaga aakalain na bading yun, sa gwapo nun?Ganun lang." Sabi ko sakanila. Di talaga kasi makapaniwala as sayang na sayang talaga eh.

"Hmm. May idea ako." Biglang sabi ni Jenna 

"Ano yun?" Sabay namin na sabi ni Sheena.

"Tara magpustahan tayo! Patinuin natin siya." Masayang sabi ni Jenna kaso inirapan ko lang siya at si Sheena naman ay nagbuntong hininga lang.

"Malabo yan. Pagbading na talaga Bading na talaga." Sabi ko na lang.

"KORAK KA DYAN SIS!" (0___0) 

"BAKIT NANDITO KANG BADING KA?! KAILAN KA PA SUMINGIT?"  Nakakagulat naman tong bading na ito, bigla bigla na tumatabi sa akin at sumigaw ng ganun. 

"Yung narinig ko yung sinabi mo doon ako sumingit. Pinaguusapan niyo ba ko sistaret?" Pangiti niyang sabi, at anong sistaret? Arghhh. Naiirita ako. Gassh.

" Umalis ka nga! Doon ka sa kalawakan mo Shooo." Sabi ko sakanya, naiirita kasi ako. Naiirita kasi ako dahil ang gwapo niya kaso bakla siya.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now