Chapter 23:

3.8K 84 3
                                    

Chapter 23:

POV OF TOFER SANTOS:

Ilang araw na ako hindi pinapansin ni Chocopie ko. Pag sa klase naman namin gusto ko siyang lapitan kaso baka mamaya galit pa din siya sa akin. Nagsisisi na ako sa sinabi ko sakanya, nadala lang ako sa selos at galit. Syempre sino bang hindi magagalit pagnakita mo yung girlfriend mo may kayakap na lalaki? At ang saklap pa kasi siya yung first love ni Chocopie ko. Kaya lalo ako nagalit.

"Ui Tofer, nagsosolo ka dyan?"  Si Harry pala at kasama niya si Sheena, teka teka? Magkaholding hands sila?

"Kayo ba?" Bigla kong tanong sakanila.

"Yes, Sheena is my girlfriend. Sinagot ko na siya." HUH? sinagot na siya ni Harry? Tas biglang tumawa si Sheena.

"Nagsimula kasi Tofer sa isang wish lang, ako kasi ang umamin sakanya tas ako na din ang nanligaw.Kaya ngayon kami na! Ang galing di ba?" Masayang sabi sa akin ni Sheena.

"Ang weird naman nun?" Sabi ko na lang.

"Eh weird din naman yung relasyon niyo ni Zia eh. Isa kang bading di ba? Tas nainlove ka sa isang girl at yun ay si bestfriend Zia. That is love Tofer, kahit weird ang relasyon iba ang lakas ng pag-ibig sa isang tao.Parang red horse lang yan, lakas tama." Natawa ako sa sinabi ni Sheena, tama naman yung sinabi niya eh.

"Speaking of Fajuzia? Nasaan pumunta yun, di ba umalis yun agad kanina sa canteen kasi tinatawanan natin siya."   Bigla ako nacurious sa sinabi ni Harry.

"Baka hinahanap siya. " Sabay turo sa akin ni Sheena.

"Ako? Bakit ako hahanapin, edi ba galit pa siya sa akin." Tapos nagtinginan lang silang dalawa at ngumiti.

"Tara na Sweetiepie." Biglang yaya ni Sheena.

"Wui, sagutin niyo muna tanungin ko." Pangungulit ko sakanila pero umalis na lang sila.Ano ba yan, saan kaya pumunta yun si Chocopie ko? Namimiss ko na siya eh. Totoo kayang hinahanap niya ako?

Biglang may nagtakip ng mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako." Yung boses na yan, alam na alam ko kung sino toh.

"Chocopie." Tas naramdaman kong inalis niya yung kamay niya at tumabi sa akin.

" I miss you Tofer." Niyakap niya ako bigla napangiti ako sa ginawa niya.

" I miss you so much Chocopie. Sorry sa sinabi ko nun." Tumingin siya sa akin at umiling.

"Kalimutan na natin yun.Di kita matiis, namiss kita ng sobra." Nginitian ko siya.

"Di mo ako matiis pero ilang araw mo ko hindi pinapansin. " Paawa muna ako, tapos niyakap niya pa ako ng sobrang higpit.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now