Catching A Falling Star- 15

1.7K 39 4
                                    

WHAT is this for?" Tanong ko sa bago kong sekretarya nang makita ko ang kulay green na sobre sa mesa. Umupo ako sa swivel chair at dinampot iyon.

"Invitation for Mr. Del Rio's party. He's one of our biggest clients," sagot ni Zia.

Naikunot ko ang aking noo. "Mr. Del Rio?" I asked. I haven't heard that name.

"One of the ventures of Reymundo Empires is the manufacturing company that produces fabrics. Mr. Del Rio owns one of the biggest clothing stores in Asia."

"It was addressed to Lolo, bakit nandito ito?" muli kong tanong matapos basahin ang nasabing invitation para sa isang birthday celebration.

"Chairman asked me to tell you that he can't attend the party. He already had an appointment. You will be attending in behalf of him."

I stared at the envelop. Ako na naman ang magrerepresent para kay Lolo. Paano kung maulit na naman ang nangyari noong convention sa Baguio? Paano kung mapahiya lang ako. Ugh! Ayokong isipin.

Anak ng patis, Reina! Hindi ba't sabi mo ay kalilimutan mo na iyon?Now is the time to prove yourself that you are okay. To prove them wrong. To show them that you can handle your responsibilities. Hindi por que apo ka ng may-ari ng kumpanya ay aasa ka na lang sa kanya sa tuwing papalpak ka. Where is the confident Reina that you once were? Huwag mong hayaan na igupo ka ng kalungkutan.

"Miss Reina, may kailangan pa po ba kayo?" Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang kanyang tanong. Pinabalik ko na lamang siya sa kanyang table at sinabing tatawagan siya kapag may kailangan ako.

• ♥•♥•♥•

MABILIS na lumipas ang mga araw. Wala akong ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. May mga pagkakataon na inaabot na ako ng madaling araw sa office. Nasanay na rin ako. At least, bumalik na sa focus ang isipan ko, hindi ko na napag-iisip pa ang mga bagay na magbabalik lang sa akin ng lahat ng sakit. Mabuti na rin at may napagkaka-abalahan ako kaysa bulukin lamang ang sarili ko sa bahay.

"You look stunning, Empress," ani Lolo pagkalabas ko ng aking silid. Tonight's the party for Mr. Del Rio and as supposed, I'll be attending the party in behalf of Lolo.

"I really do wish I could accompany you tonight but I already have other engagements," tila nanghihinayang niyang sabi. Nilapitan ko si Lolo at inayos an kanyang necktie.

"It's okay, Lolo. Don't worry, magiging okay ako. Hindi na ako papalpak tulad noong nakaraan," I said as I chuckled pero kumunot lamang ang noo ni Lolo.

"You don't have to do this if you can't," lumayo na ako kay Lolo at pinulot ang pouch ko sa mesa. Kailangan ko na'ng umalis bago pa ako ma-late.

"I can do this, Lolo. I'm so much better and stronger now," I gave him a reassuring smile. Tumango lang siya sa akin pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido.

Nagbuntong hininga na lamang ako. Alam kong mahirap pang paniwalaan ang mga sinasabi ko... pero sigurado ako na darating ang panahon na wala na akong nararamdaman na sakit. Kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito para maging mas matatag.

They said that the best revenge that you can give to the people who hurt you is to show them that whatever they have done, you are still able to stand... that they were not able to fully shatter you into pieces... that in spite of everything, you are still strong and you are able to move on.

And I know, I am on the process of moving on.

• ♥•♥•♥•

SINUNDAN ng aking mga mata ang dagat ng mga taong papasok sa venue ng birthday party. Bumaba ako ng kotse at huminga nang malalim. Alam kong kaya ko ito, kaya ko nang humarap sa mga tao na hindi na nasasaktan.

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa. Naglinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may kakilala ba ako sa mga dumalo. Afterall, maliit lang ang mundong ginagalawan ng mayayamang tao, madalas ay sila sila rin ang magkakasama kapag may ganitong okasyon.

"Lourd Adezier, thank you for coming, Man," napasinghap ako nang marinig ang pangalang iyon. Isang pamilyar na pangalan. Mabilis akong nakadama ng inis. Hinanap ko kaagad kung saan iyon nagmula pagkatapak ko pa lamang sa mismong venue. Maraming tao at medyo may kaingayan pero imposibleng magkamali ako.

Ano'ng ginagawa ng isang Madrigal dito?

Nakalimutan mo na ba, Reina? Isa sila sa pinakamayayamang angkan. Ang angkan na kahit kailan ay hindi dapat mapalapit sa pamilya mo. Napapalatak ako. Hindi! Hindi ko dapat isipin pa ang mga Madrigal na iyon. Kung nandito siya ay marahil nandito rin ang iba. Posible kayang nandito rin si Laurence?

Ano ba? Hindi ba't hindi mo iyon bibigyan ng pansin! Kung nandito man siya, dapat ay wala ka nang paki-alam. Malakas na sermon ng aking isipan. Nakakainis!

"Reina?" naitaas ko ang aking kilay nang makitang nasa harapan ko na si Lourd Adezier, katulad noong araw na pumunta siya sa opisina kasama si Tito Enzo ay suot-suot pa rin niya ang mayabang na awra sa kanyang katawan. His perfect chiseled jaw was set in an arrogant manner that I bet he has surely mastered all his life. Hindi ko talaga gusto ang katauhan ng lalaking ito. Parang isang malaking disaster lang ang hatid niya. Of all the Madrigal's that I have met sa loob ng apat na taon naming relasyon ni Laurence, itong si Lourd Adezier na marahil ang pinaka-hindi ko magugustuhan next to his evil witch of a grandmother.

"Do you really have the habit of staring at anyone who was in front of you? Madalas mo rin ba'ng titigan nang ganito si Laurence?" ngumisi siya. Oh, that evil smirk! Lalo lamang akong nainis.

"I'm not staring at you." Mataray kong sabi. His deep and dark gray eyes caught my eyes. He mentioned Laurence. Sinalubong ko ang kanyang tingin at nagtaas ng kilay. "You're not even worth staring." Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

"Ang ayoko sa lahat ay tinatalikuran ako kapag kausap ko." Matigas na sabi ni Lourd Adezier na nakasunod pala sa akin. Umirap ako sa kawalan. Anak ng patis na lalaki ito. Wala ba siyang balak na tantanan ako? Kailangan ko pang hanapin si Mr. Del Rio at batiin ng happy birthday. Siguro pagkatapos niyon ay puwede na akong umalis. I only need to show up here, afterall. Hindi naman siguro kailangan na magtagal pa ako dito.

"Well, I don't want to talk to you." Matigas kong sabi pagkatapos ay nagmartsa palayo sa kanya. Hahanapin ko na lang ang celebrant at nang sagayon ay makaalis na ako dito.

"Reina? It's really you." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at hindi nilingon ang tumawag sa akin. Another Madrigal. Mayroon ba'ng conspiracy na naganap? Bakit mukhang ang dami yata ng lahi nila ngayon dito? If the Madrigal's were here, posible kayang nandito rin si Laurence? Umiling ako. Hindi ko dapat iyon isipin.

"Baka hindi naman si Reina iyon, Kuya Enrique."

"No, Duke, that's impossible, I've known her for years, I'm sure it's her... Reina, wait." Enrique and Duke, Earl's brothers. It is also possible that Earl is here. At ayokong makita siya. I don't want to see any Madrigal, paano pa kaya kung Royal Astra na? They all made my life miserable with their lies and secrets. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Remember this, Reina. hindi ka dapat magpa-apekto sa mga Madrigal. Ipakita mo sa kanila na hindi ka mahina. Payo ko sa aking sarili.

"Reina?" I almost made a face-palm expression noong marinig ko iyon. Swear, pakiramdam ko ay pinagtitripan talaga ako ng tadhana. Standing in front of me were Earl and Rondell.

I haven't seen Rondell in weeks. I told him to just shut the hell out of my life, but seeing him again... made me realize that I miss him also. Nakadama ako ng lungkot. Siya lang ang nakasama ko noong mga panahong wala na akong mapagkatiwalaan. He's like one of my best friends. But he also betrayed me. Muling bumalik ang galit ko sa kanya. Tinalikuran ko na lamang. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya... sa kanilang lahat kung magtatagal pa ako dito.

Uuwi na ako. Kahit siguro hindi ko na makita pa ang pakay ko dito. Because tonight, seeing all of them... all of them that could remind me of Laurence, made me feel that after all of the things that I said to myself, all the things that I did— I still miss him and I'm still hurting. 

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon