Catching A Falling Star 13

1.8K 49 21
                                    

-Reina-

HINDI ako nag-thank you, ni hindi ko siya nilingon. Basta na lamang ako bumaba sa kotse niya at kinuha ang maleta ko. Sinundan niya ako pagkababa ko pero hindi ko pa rin siya pinansin. I know I'm being rude pero wala na akong paki-alam sa kanya o sa kahit anong related sa kanya, kay Laurence, sa Royal Astra o kahit na ano pang magpapaalala sa kanila. They had given me the happiest days of my life yet they also gave me the worst.

Kinapkapkap ko ang susi sa sling bag ko pero kahit na noong halungkatin ko iyon ay wala akong makitang susi. Anak ng patis naman! Déjà vu ba ito? But this time ay walang Laurence na darating para i-rescue ako. Several years ago I was kissed by him because I freaking lost my keys. Oh damn! Hindi ko na dapat iyon inaalala.

Napa-upo ako sa side walk at iniisip kung paano papasok na'ng walang makakapansin sa akin. I don't want to ring the doorbell, it is still the wee hours of the morning, ayokong bulabugin ang mga natutulog na and besides ayokong makita nila ako in this state. They expected that I would enjoy the convention and I'll meet new people but the worse things happened. I didn't enjoy. I saw the reason why I'm broken and hanging, paano ako sasaya at mag-eenjoy?

"You could just stay with me kung ayaw mo munang pumasok sa inyo. Give yourself a time to think Rei and begin again." Umupo si Rondell sa tabi ko. Inirapan ko lang siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ako pumalag. I don't have even a slightest amount of energy in my veins anymore. Sobrang pagod na pagod ako. Pagod ang isip, pagod ang puso. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpafunction ng tama.

Inihilig niya ang ulo ko sa kanyang balikat, just like the old times. I should have not let him do this pero wala na akong lakas. Mali ito. Maling mali pero paano... paano ba ako kikilos ng tama?

Kinantahan niya ako. His voice was always soothing. Noon ay palagi niya akong kinakantahan hanggang sa makatulog ako, sa makarelax ako. I have asked myself before, why have I not fell in love with Mister Perfect? Bakit kay Mister Iceberg ako nahulog? He's an ice, malamig at sarado ang puso niya but I was able to melt it.

Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng luha ko. Inaalala ko na naman ang nakaraan, kung paano kami nagsimula. Hindi ko alam na matatapos din pala ang lahat ng mayr'on kami at sa ganito pang paraan, masakit ng paraan. Hindi pa ba sapat ang lahat ng dinanas ko noon, kailangan ba'ng umabot sa ganito?

• ♥ • ♥•♥•

HINDI KO na namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lamang ako sa isang pamilyar na kuwarto. Bumangon ako at naglinga-linga sa paligid. Nakabagsak pa ang mga kurtina pero halatang tirik na ang araw. Nakahiga naman sa couch si Rondell at mukhang hindi siya kumportable.

Bakit gano'n, Ron? Bakit kahit anong tulak ko sa iyo ay bumabalik at bumabalik ka pa rin? Sino ba ang matigas ang bungo sa ating dalawa, ikaw o ako?

He stirred and opened his eyes. Napatitig siya sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Umiwas ako kaagad ng tingin. Galit ako sa kanya, 'di ba? Sa kanilang lahat.

"Good morning," wika niya. Nothing's good in the morning.

"Uuwi na ako," wika ko at bumangon na ako. Kinuha ko ang maleta na nasa gilid ng side table at lumabas na ng kuwarto niya.

"Rei, wait." Dali-dali siyang bumangon at hinatak ako sa siko. Nakakunot ang noo niya. Saglit siyang pumikit na para ba'ng nahihirapan siya.

"I'm sorry." Yumuko siya. He could not even meet my gaze.

"Now you are saying sorry. Wala na tayong magagawa, Ron. You've lied. Everyone of you lied to me, alam mo kung gaano ko kinaiinisan ang mga sinungaling. Now! Who among you can I trust? Wala na, Ron. Sinira ninyo na'ng lahat ang katiting na tiwala na mayroon ako para sa inyo lalo na sa iyo. I trusted you so bad dahil akala ko ay hindi mo ako magagawang lokohin. Mali na naman ako. Niloko na naman ako." Inalis ko ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. Pero iyong isa naman ang inihawak niya.

"I only did that because I don't want you to get hurt." This time, humarap na siya sa akin. His gaze bore at me intently. "Pareho lamang kayong masasaktan at mahihirapan kung magpapatuloy pa ito."

"Here goes that cliché line again." I told him sarcastically.

"Ano'ng nangyari? Nasaktan ako, nasaktan siya! Nasaktan kami pareho. Ano, masaya ka na? Masaya ka na sa naging resulta ng desisyon mo, ng pagsisinungaling mo? Bakit kailangan mong magdesisyon? Para sa akin? Para sa amin? Bakit? Bakit mo kailangang pangunahan kami?" This time, I broke down. Sinuntok suntok ko ang dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko at mataman akong tinitigan.

"Sa tingin mo, Rei, madali para sa akin ito? Pare-pareho lang tayong nahihirapan. I am supposed to take care of you habang wala pa si Laurence. Nakakagago, Reina! Alam mo, alam niya, alam nating lahat na mahal kita! Na ayaw kitang masaktan..."

"Mahal ko si Laurence," sigaw ni Rondell. Kita ko ang frustration sa mga mata niya... "Best friend ko siya, sa tingin mo ba ay madali para sa akin na bantayan ang taong mahal ng best friend ko gayo'ng mahal ko rin?" He shouted at me. I could see the trouble in his eyes but I couldn't find his reasons.

"I could just walk away from all of it and begin again pero hindi ko ginawa because I don't want to see both of you hurting. Oo, gustong bumalik ni Laurence pero walang kasiguraduhan iyon. You could wait forever and he could just live his life. Pareho lang kayong magiging miserable. So tell me, Reina, if you're in my shoes, anong gagawin mo? Paano ka kikilos?"

Gumuhit ang sari-saring emosyon sa kanyang mukha. Ang galit. Ang hinanakit.

"I told you not to wait for him, but here I am, still waiting for you. Now I wonder who is more stupid of the two of us."

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon