Eleventh Star

3.9K 97 8
                                    

LAURENCE

HINDI ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa planong pamamasiyal namin ni Laurein. Niyaya niya rin si Reina! Napailing na lang ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nawala kahapon. Halos isang oras ko rin siyang hinanap. Maging si Mommy ay hindi mapakali. Kung sino-sino na ang tinawagan namin na posibleng makakita sa kanya but it never occurred to me that she could be with Reina.

Nalaman ko lang na nakauwi na si Laurein nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Mommy.

•♥•♥•♥•

"Saan ka ba nanggaling na bata ka? Kanina ka pang hinahanap ng daddy mo."

"Sa bahay po ni Mommy Reina, sorry po." Nakalabing tugon ni Laurein. Nilapitan ko siya at agad niyakap. She scared me.

"Sorry, daddy."

"It's okay, baby."

Ngumiti siya sa akin at inabot ang dala niyang paper bag. Tiningnan ko kung ano ang laman niyon. "Pinabibigay po ni Mommy Reina." Aniya. Isang jar na puno ng cookies.

"Masarap po iyan, si Mommy ang nag-bake." Malapad na ngiting sabi niya bago tumakbo papasok sa loob ng bahay.

•♥•♥•♥•

I watched Reina as she held Laurein's hands habang palabas kami ng simbahan. As originally planned, umattend muna kami ng misa. I could still remember her face earlier. I was amused at her shocked expression. I suppressed my smile and maintained my cold look.

"Where do you want to go next?" tanong ko kay Laurein nang makabalik kami sa kotse.

"Children's park po. Mommy Reina told me na masaya po r'on." Mabilis na dumapo ang tingin ko kay Reina. Is she out of her head? Paano kung hindi safe doon? Nagkibit-balikat lamang siya at ngumisi bago lumingon sa bintana.

Great... just great! Pinaandar ko na ang sasakyan. Through the rear-view mirror ay nakita ko ang nakangiting si Laurein. I sighed. Sinabi ko noon na lahat ay gagawin ko para kay Laurein at kung ito ang gusto niya, so be it.

•♥•♥•♥•

"MOMMY, swing," pinagmasdan ko lang si Laurein habang hatak nito si Reina patakbo sa swing. Humalakhak pa ito nang muntik nang mawalan ng balanse si Reina dahil sa bigla nitong paghatak. Reina's expression was priceless.

"Ikaw talaga, Laurein," umiiling at humahalakhak na sabi ni Reina at inalalayan si Laurein na umupo sa swing.

I watched her as she held the chains that supported the swing at dahan-dahang itinulak iyon. Napako ang mga mata ko sa mga kamay niya. Each finger was tightly clasped at the chain. I suddenly want to kiss each knuckles and feel her hands laced with mine again. Napalunok ako sa tinatakbo ng aking isip. Dali-dali kong kinuha ang bottled water sa picnic table na inayos ko kanina habang naglalaro sila. Dere-deretso kong ininom iyon. Para akong uhaw na uhaw at pakiramdam ko'y pinagpapawisan ako ng malamig at mauubusan ako ng hangin.

Muli ko silang tiningnan. Pareho silang masayang tumatawa. Kaagad ding dumapo ang tingin sa akin ni Reina. Tumaas ang isa niyang kilay habang deretsong nakatingin sa akin. Malamang napansin niya ang 'di magandang kondisiyon ko. Kasalanan niya rin iyon. Huminga ako ng malalim at binalik ang malamig na ekspresiyon sa aking mukha. I glared back at her with glacial stares. Umiling lamang siya at kinausap na si Laurein. Muli akong huminga ng malalim. This is bad!

Bakit ko naisip na halikan ang mga daliring iyon? Bakit sumasagi sa isip ko iyong gabing hinalikan ko siya? At bakit ako kinakabahan?

"Daddy!" tumakbo papalapit sa akin si Laurein. Kasunod niya sa Reina. Tinitigan niya ako ng deretso. Mabilis akong umiwas ng tingin. Baka mabasa niya ang nasa isip ko.

"I'm hungry na." ani Laurein. Umupo siya tapat. Sa tabi niya ay si Reina. "Let's eat na Mommy." Binuksan niya ang lunch bag at nilabas ang pagkain. Typical picnic foods.

"Kain ka na rin, Daddy. Mommy cooked them," mabilis ko siyang sinulyapan. Bahagyang namula ang kanyang pisngi. Cute. I mentally shook my head. Why did I notice that? Dumampot na rin ako ng pagkain. Chicken sandwich. Masarap... hindi ko na namalayan na naubos ko pala. Siya ang nagprepare nito, katulad ng cookies na dala ni Laurein noong nagdaan. Those hands prepared them. Napaubo ako. Kaagad niya akong inabutan ng tubig. Pilit kong iniwas ang aking mga mata sa kanyang kamay. Ano ba itong nangyayari sa akin.

"Are you okay?"

Tumango ako at tumunghay. Bad move. I noticed the smudge below her lips... those lips. Napalunok ako. This is bad... really bad.

"Daddy, picture," ani Laurein pagkatapos kumain. I took my camera from my bag at kinuhanan siya ng litrato. Sunod ay kasama na niya si Reina. They were both smiling. But there's something in Reina's smile... the way those lips curved. She seemed to radiate energy... napangiti na rin ako. I kept on taking their pictures hanggang si Reina na lamang ang focus ng aking camera.

Bakit ganito? May sariling utak na ba ang mga daliri ko at kusang pinipindot nito ang shutter? Hindi ko na mapigilan na kuhanan siya ng larawan.

"Dad, picture-an ko kayo ni Mommy," napamulagat ako. Nagkatinginan kami ni Reina. She was also shocked and I ended up nodding.



My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon