Forty Second Star

2.2K 40 0
                                    

REINA


YEARS have passed by so quickly. Napakaraming nangyari sa mga nakalipas na taon. Kung ano-ano na ang pinagdaanan namin pero hanggang ngayon ay nanatili kaming matatag. Nanatiling buo ang Royal Astra. Walang nasirang pagkakaibigan.

Everything fell on the right places. But that doesn't mean it's already the end. Maybe this chapter is about to end but another book is surely about to open. Another story is about to start. Another conflicts and denouements will surely appear. Another character will soon show himself. Sa bawat pagsasara ng aklat, baon ng mga manunulat at mambabasa ang ala-ala ng mga karakter.

This isn't yet my happy ending dahil ang alam ko, I don't deserve a happy ending, rather I deserve a happily-ever-after.

"Akalain mong Valentine's Day na naman in two-week time." wika ni Valerie, nandito kami ngayon sa R. A. Building.

"Ano ba'ng gusto mong Valentine Gift, babes? Saka prepare yourself dahil tayo ang magkadate," sabi naman ni Charles. Wala pa rin siyang pinagbago. He is still trying his best na makuha ang puso ng bessy ko. Charles Jonah Angeles, The Ultimate Casanova, One of the Stars of Royal Astra has fallen.

"Babes mo iyang mukha mo!" asik ni Bessy at binatukan pa niya si Charles. Amazona talaga.

"Ang gulo ninyong dalawa." Sabi naman ni Laurence. "Basta ako, ang wish ko ay siguradong makukuha ko sa Valentine Ball."

"Bakit?" binalingan ko siya. "Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Secret." Sagot ni Laurence bago ngumiti siya ng nakakaloko. Ano ba'ng binabalak ng praning na ito?

"My Star, naman eh! Ano ba iyon?"

"My Rose, secret nga eh. S-E-C-R-E-T"

Kakalbuhin ko itong mokong na ito, eh.

"Ang cheesy ninyo, dadagain na tayo dito mamaya," Humahalakhak na sabi naman ni Earl.

"Iceberg!"

"Megaphone." Wala namang halos nagbago sa amin ni Laurence. Palagi ko pa rin siyang nasisigawan.

"My Star, dali na sabihin mo na," I said as I batted my eye lashes like a puppy. This is Laurein's style. Come on. Gumana ka.

"Kiss ko muna." Hala! Ang adik lang.

"Ayoko! Kapag hindi mo sinabi wala kang kiss."

Tingnan na lang natin kung secret pa rin iyon.

"Eh, 'di wala. Para kiss lang, makakakiss din naman ako ulit after ng ball." Ano ba talagang meron sa ball na iyon?

"Sure ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, My Rose, kaya ko namang magtiis na walang kiss, tingnan mo nga napagtitiisan ko ang pagiging megaphone with amplifier mo."

"Ewan ko sa iyo!" sinapak ko na. Pinagtitripan na talaga ako ng praning na ito.

"Dude, masama na iyan, nahawa na si Reina sa pagiging amazona ni Valeriebabes," nakangising sabi naman ni Charles.

"Amazona pala!" binatukan ulit ni Valerie si Charles.

"Rondell!" bigla ay nagsalita ang kanina pang tahimik na si Rodge.

"Puwede ba'ng gawan mo ng paraan na makapasok sa ball si Goddess dito kahit hindi siya estudyante."

"Okay, as you wish," sagot ni Rondell. Si Rondell, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin. I know he'll have his own happy-ever-after someday.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon