Catching A Falling Star 14 part 1

1.7K 40 3
                                    

-Reina-

"ARE you ready?"

I smiled at Lolo half-heartedly saka kami pumasok sa malaking building ng aming kumpanya. Tama si Lolo, I am a Reymundo at dapat ko na sigurong gampanan ang tungkulin ko sa pamilyang ito. Masyado akong naging makasarili noon, puro sarili ko na lamang ang inisip ko at kung paano ko matatagpuan si Laurence.

Napailing ako sa bigla kong naisip. Gagawin ko na ang lahat ng may kinalaman sa Reymundo at kasama na doon ang paglimot kay Laurence at lahat ng tungkol sa kanya, cause a Madrigal is never meant to be with a Reymundo.

I wiped my sweaty palms on my pants. I am nervous as hell. Parang naglalaro ang mga makukulit na daga sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay gigisahin ako mamaya.

Surely, nakarating sa board ang nangyari sa convention. Surely, they have known how stupid I have acted. Pinadala nila ako doon because they trusted me and I only embarrassed them. It didn't really occur to me, ngayon lang. Ngayon ko lang naisip ang mga bagay na iyon. I was too pre-occupied with the thought of Laurence. But today should not be the same.

Today is a new beginning for me. Ayokong magkunwari that I'm really okay now—but I know in time, I will get there. Sabi nila, time heals all wounds at handa akong hintayin ang panahon na wala na akong nararamdamang sakit. I have been through a lot at naniniwala ako na malalagpasan ko rin ito.

Pagdating namin sa ika- dalawampu't apat na palapag ay nakita ko si Tito Enzo, ang daddy ni Laurence sa lounge. Kausap niya si Daddy at mukhang malalim ang pinag-uusapan nila, matatalim ang titig ni Daddy samantalang seryoso lang si Tito Enzo. Alam kong tulad ko ay hindi pa rin nakakalimutan ni Daddy ang nangyari noon. That was the worst day of my life, nawala sa akin ang taong pinakamamahal ko sa araw pa mismo ng kasal namin. I immediately shook that thought away. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ay wala na akong pakialam.

Dumeretso na lang ako sa opisina kong matagal ko ring inabandona. Pumunta naman si Lolo sa kanyang opisina.

Time to face the reality, Reina, walang fairytale, walang happily-ever-after.

Umupo ako sa swivel chair at sumandal sa backrest. My eyes bore at the table. Napakaraming papel na nakapatong. Ngayon pa lang ay alam kong sasakit ang ulo ko sa mga ito. Mga papeles na kailangan kong basahin at pag-aralan. I scanned the room. It's almost the same as before— bookshelf on the left, sofa across the room. Sofa— I smiled faintly at the memory. Laurence used to cuddle me on that sofa after a hard day's work. Kailangan ko na sigurong ipatanggal iyon.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga at nagsimula nang magtrabaho. Inisa-isa kong basahin ang mga papel sa harap ko until my eyes sting. I shuffle more papers and signed what are needed to be signed. I haven't done it in a long time. Nakakapanibago. Sumandal na ako sa backrest. Masakit na rin ang kamay ko sa kakapirma. Nahagip ng aking mga mata ang puting vase sa maliit na lamesita sa tabi ng sofa. Nakalagay doon ay isang asul na rosas, sariwa pa ito, mukhang kalalagay lang ng empleyado. Nakasanayan na rin kasi na may rose doon. Kaagad akong tumayo at naglakad palapit doon. Mabibigat ang aking hininga nang damputin ko ang vase.

No more roses for you, Reina. No more anything that will remind you of him. You are no longer his rose. He is no longer your star.

Itinapon ko ang vase sa malapit na basurahan. One by one, I'll say goodbye to everything that reminds me of what we used to have.

Tatlong sunod sunod na katok ang narinig ko dahilan upang lingunin ko ang pinto. Pumasok si Daddy at kasunod niya ay si Tito Enzo at isang lalaking hindi ko kilala. Kung pagmamasdan si Tito Enzo ay kahawig niya si Laurence, ang pareho nilang singkit na mata at matangos na ilong. Inalis ko ang aking tingin sa kanya, naalala ko si Laurence sa tuwing nakikita ko siya at ang paglilihim nila sa akin tungkol sa sitwasyon na mayroon kami noon. Lumipat ang tingin ko sa lalaki, ngayon ko lamang siya nakita. He is a Madrigal, no doubt with that but his features are a lot stronger, more arrogant. He stood firm, all air and power over him. I wonder what he was doing here.

"You must be, Reina," nakangiting wika niyong lalaki. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ang yabang yabang ng awra niya. Ngayon pa lang ay naiinis na ako sa kanya.

"Yeah..." matabang kong sagot.

"Reina, can we talk?" wika ni Tito Enzo. His voice is low and calculated as if he is testing the waters.

"We can talk if it has something to do with the business, if it's about you know... Laurence, then you are free to leave the room."

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon