Twenty-first Star

3.5K 86 7
                                    


REINA


MULA rito sa rooftop ay matatanaw ang buong siyudad. Mula rito ay makikita ang iba't ibang kulay ng mga ilaw mula sa kung saan-saang buildings. Ang gandang pagmasdan ng mga ito. Tumingala ako. Above us is a charcoal canvass painted with the specks of silver paint blazing in the darkness of the night.

"Gabi na, ah, bakit nandito pa tayo?"

"Mamaya na lang tayo umuwi." Nilingon ko si Laurence. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa langit. He really looked dashing when he smiles like that, lalo na kapag umaabot hanggang sa mga mata niya ang ngiting iyon. It was a billion-dollar smile. Minsan lang siya ngumiti, and everytime he smiles, I just can't stop staring.

'Ano ba itong mga napapansin ko? Hindi yata ito tama.'

"This is the reason why we are called Royal Astra." ani Laurence. Muli akong tumingin sa langit.

"Back when we were kids, we used to believe that we were princes and the stars only shine for us. I know it's corny. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko iyon. Napakarami naming kalokohan noon. Hindi pa ako is 'Iceberg', and I must admit. I miss those days. Dati-rati ay lagi kaming tumatakas kapag gabi para lang mag-star gazing dito sa rooftop na ito," he smiled again, it was an angelic one. Sinong makakaisip na ang isang yelo ay ngumingiti na parang anghel?

"Tingnan mo iyon," aniya na nakatitig pa rin sa langit.

"Alin ba? Iyon?" May itinuro ako sa langit. Umiling lang siya.

"O iyon?" umiling pa rin siya.

"Iyon ba?" iling pa rin.

"That one," Nahigit ko ang aking hininga nang lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Sinundan ko ng tingin kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin pero hindi ako makapag-concentrate lalo't sobrang lapit niya sa akin at hawak niya ang kamay ko. Posible ba'ng mag-generate ng kuryente ang isang yelo?

"Can you see it?"

I tried to block the electric shock that is slowly creeping inside every vein of my system at binalik ang atensiyon ko sa langit. Unti-unting naging malinaw sa akin kung ano iyon.

Ang constellation na hugis archer. Anong meron doon?

"That's the archer. Someday, he'll be throwing his arrow like cupid and hit with it the heart of the person that each of us would love."


LAURENCE


"MAY sinasabi ka ba?"

"Ang engot mo talaga."

Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng masama. Nginisihan ko lang siya. Mas nanlilisik na tingin ang binalik niya sa akin. Bakit ba ang ganda pa rin niya kahit salubong na ang kanyang kilay?

"Umuwi na nga lang tayo." Hinawakan kong muli ang kanyang kamay. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nagpumiglas. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong hawakan ang kanyang kamay... ayoko siyang bitiwan.

"Inaantok na ako, ang daming ginawa ngayong mag-hapon sa klase," humihikab na sabi ni Reina. Isinandal niya ang kanyang likod sa back rest at pumikit.

"Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo," tugon ko. Tumango lamang siya.

Tulog siya buong biyahe at sa hindi ko malamang dahilan ay palagi ko siyang sinusulyapan. She looked so calm and serene. And even as she sleeps, she still looks beautiful. I leaned towards her. Naglandas ang aking daliri sa kanyang pisngi, sa tungki ng kanyang ilong at sa bahagyang naka-awang niyang mga labi.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon