Sixteenth Star

3.5K 75 3
                                    

REINA



KANINA PA AKO pagulong gulong sa kama habang kagat-kagat ang asul kong unan. What had just happened this afternoon? These past few days?

Anong nangyari sa akin? Kay Laurence? Sa aming dalawa?

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko akalain na mangyayari iyon— na hahalikan niya ako kahit hindi inutos ni Laurein... at hindi man lang ako pumalag!

Anak ng patis! Naisabunot ko na lamang ang aking daliri sa aking buhok. Praning ka, Reina!

Umiling ako nang umiling nang umiling. Kailangang mawala ito sa isipan ko. Kailangan ko yatang magkaroon ng bagay na pagkaka-abalahan. Bumangon na ako at kinuha ang aking laptop sa side table saka lumabas sa balcony. Itutuloy ko na lamang ang mga nakabinbin kong assignments.

Ngunit paglabas ko ay nakita ko si Laurence. Seryoso siyang nakaharap sa laptop at mukhang hindi ako napansin. Mabuti naman dahil baka makita niya ang pamumula ng aking pisngi... posible kayang mapansin pa rin niya iyon kahit na mula sa malayo? Umiling na lang ako ulit, baka sumakit na ang leeg ko nito.

Dumeretso ako sa mesa at nilapag ang laptop. Pinuntahan ko ang folders kung saan nakalagay ang mga 'unfinished businesses' ko pero hindi ko sila magawang simulan dahil naglalakbay sa isipan ko ang mga nangyari.

Kanina ay nakita kong muli si Laurence, the real one. Pero hanggang kailan siya mananatiling ganoon? Siguro bukas at sa mga darating na araw ay babalik na naman siya sa dati.

Bakit ganoon? Bakit parang ayoko na muling makita ang malamig na taong yelong iyon? Bakit sa tuwing naiisip ko na pagdating sa campus, sa lugar kung saan may ibang tao ay makikita kong muli si Iceberg at bakit sa tuwing sumasagi iyon sa isip ko ay pakiramdam ko'y masasaktan ako?

Bakit?

•♥•♥•♥•

ILANG araw ko nang hindi nakikita si Laurence. Palagi siyang wala sa klase, hindi ko rin siya nakakasalubong sa campus at kahit pa tanawin ko ang balcony ay wala rin ang anino niya. Sa kabilang banda ay nakakabuti ito dahil kahit paano ay tahimik ang magulo kong utak. Nitong nakaraan ay madalas na siya ang laman ng isip ko.

Valerie:

Sorry, bessy. I can't go with you. May makulit na ugok dito, ayaw akong tantanan.

Binasa ko ang text message na galing kay Bessy. Nandito ako ngayon sa garden at hinihintay siya dahil ang usapan namin ay sabay kaming maglalunch pero hindi na naman siya makakasama. Umalis na lamang ako. Mukhang maglalunch akong mag-isa.

Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo ay may bigla na lamang kumaladkad sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko ay nakita ko si Laurence. Hindi siya nakasuot ng university uniform. Tanging puting henley t-shirt na nakabukas ang unang butones at medium-washed jeans ang kanyang suot. Kung titingnan ng ganito kalapit ay makikita kung gaano siya kaguwapo at kakisig. Bakit hindi ko ito napansin noon? Kaagad na dumamba ang dibdib ko dahil sa tinatahak ng aking isipan. Napatigil tuloy ako sa paglalakad para umiling ng paulit-ulit at dahil hawak ako ni Laurence ay napahinto rin siya at tinapunan ako ng malalamig na titig. Kami lang naman ang naririto, hindi niya kailangang maging yelo. Bakit ang sakit makitang cold monster na naman siya? I should have expected it, in fact, I have. Pero bakit masakit pa rin?

Nagpatangay na lamang ako kay Laurence, mukhang nakasanayan na niya itong gawin. May tiwala naman ako sa kanya— hindi ko alam kung saan, kailan at paano nagsimula pero alam kong may tiwala na ako sa kanya.

Dumaan kami sa makitid at madilim na eskinita sa likurang bahagi ng university. Pansin ko rin ang paglingon-lingon niya sa paligid para siguro tingnan kung may ibang tao. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang back exit, doon ay nakaparada ang kanyang kotse. Binitiwan niya ako at sineniyasan na pumasok. Ni wala siyang binitiwan na salita hanggang sa pareho na kaming nasa loob ng kotse.

"Whether you like it or not, you will join the field trip in Singapore." Napataas ang isa kong kilay at tinitigan si Laurence na para siyang sinapian ng alien. Imposible ang bagay na iyon!

"Ha-ha!" sarkastikong tawa ang lumabas sa bibig ko, "Field trip? Singapore? Nababaliw ka na yata! Sa tingin mo makakasama ako kung wala naman akong pera?" Kakaalis pa lang ni Mama patungong London at ayoko namang gastusin ang iniwan niyang pera sa akin para lamang sa field trip. Bakit kasi ganito ang trip ng mayayaman?

"Here." Itinapal niya sa noo ko ang isang papel. Nang tingnan ko ay isa iyong puting sobre na may tatak ng logo ng Ayala University. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang ticket para sa tour.

"That entitles you that you'll be joining the tour. I'm sure you've seen your name. That's yours." Matapos niyang sabihin iyon ay ngumisi siya ng mapang-asar.

"Bakit mo ginawa ito?"

"Huwag ka na lang magtanong, sumama ka na lang. Kapag hindi ka sumama, lagot ka sa akin," aniya kasabay ng isang matunog na halakhak. Tinamaan na naman ng topak ang isang ito.

"Fine, I'll go," sayang din naman ang perang ginastos ni Laurence dito.

"Good," aniya at iniabot sa akin ang isang box na may tatak na Mcdonalds... isang kilalang fastfood chain. Mukhang dumaan siya sa drive thru.

"Nagmamadali ako kaya iyan lang ang nabili ko," tila nahihiya pa niyang sabi. Kinuha pa niya ang isa pang box at nagsimula ng kumain.

"Okay lang," bahagya akong ngumiti at sumubo na rin ng binili niyang cheese burger. Kung kakausapin ko pa si Laurence ay baka hindi ko na maitago ang napakabilis na pintig sa dibdib ko. Anak ng patis! Blood-pumping organ, behave!

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon