Twenty sixth Star

3.3K 71 3
                                    

REINA

"WELCOME Ma'am, Welcome, Sir," bati ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin ni Rence.

"Magandang umaga po, Young Master," ani niyong babae. She looked at Laurence with admiration in her eyes. Kung totoo ang sinabi niya na madalas ang Royal Astra rito, marahil ay kasama rin ang babaeng ito sa kulto ng mga babaeng may gusto sa mga iyon.

"Gelou, wala ka ba'ng pasok ngayon?" tanong ni Laurence doon sa babae.

"Wala po."

"Di ba, sabi ko sa iyo ay huwag mo na akong pino-po, magka-edad lang tayo."

"Pero, Young Master."

Sino ba naman itong babaeng ito? Kung makatingin kay Iceberg, wagas!

Hinampas ko ang braso ni Laurence gamit ang bag ko. "Iceberg! Saan ba ang kuwarto ko? Napagod ako sa biyahe. Magpapahinga na ako."

Ni hindi man lang ako naalalang ipakilala ng praning na ito. Nakakainis. Isa pa, 'di ba't sa harap ng ibang taoo ay yelo siya? Pero bakit parang sa babaeng ito ay hindi naman? Anak ng patis lang! Gustong gusto na makita siya na hindi si Iceberg kapag may ibang tao pero ngayon ay parang gusto kong naka-iceberg mode on siya. Napapraning na rin yata ako.

"Nga pala, Reina si Gelou, anak ng caretaker ng resort, Gelou si Reina." Pagpapakilala ni Laurence. Wala na talaga ako sa mood. Ni hindi ko magawang ngitian si Gelou.

"Girlfriend mo po, Young Master?"

"Hindi," mariing sagot ko. Gelou was taken aback.

"Samahan ko na po kayo sa resthouse ninyo at nang makapagpahinga na rin po si Miss Reina."

"No need, bigyan n'yo na lang ako ng directions. Hindi naman siguro ako maliligaw at nang hindi rin ako maka-abala sa pag-uusap ninyo."

"Yeah, Gelou. Hindi na kailangan. Kami na lang ang pupunta roon," ani Laurence. Binitbit niya ang mga gamit namin at naglakad lang kami saglit papunta sa resthouse. Hindi na sumunod si Gelou.

"Blue Rose, dito ako sa Master's bedroom tutuloy, may guestroom sa gawing kaliwa nitong second floor, doon ka na tumuloy." Sabi ni Iceberg.

Binuhat niya ang mga gamit ko at inihatid ako sa aking kuwarto.

"Sige, pahinga ka na, Reina, mamaya ay susunduin kita para sa lunch." Tapos umalis na si Iceberg.

Malakas ang pagkakasara ko ng pinto noong umalis si Laurence. Umupo ako sa gilid ng kama. I sighed exasperatedly. Hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang uminit ang ulo ko pagdating namin dito. Nag-usap lang naman si Laurence at iyong babaeng iyon. Iyon lang ang ginawa nila. Bakit ako naiinis? Dahil ba nasanay ako na ako lang ang babaeng kinakausap niya maliban sa Mommy niya at kay Laurein? Hindi ba dapat matuwa ako dahil unti-unti nang nababawasan ang pagiging yelo niya? Iyon naman ang gusto kong mangyari. Pero— pero bakit parang ayoko na? Bakit mas gusto ko yata na sa akin na lang siya ngumiti, ako na lang ang kausapin niya? Why am I wishing for all those things?

"Ano ba itong nararamdaman ko?" Hindi ko maunawaan. Sino ba siya sa buhay ko?

Bakit ba siya ang laging tumatakbo sa isip ko? I have a kind of feeling that I cannot comprehend. Kahit ilang beses kong tanungin ang sarili ko at ilang beses kong i-analisa ang mga bagay-bagay, still, hindi ko makuha ang kasagutan. This is really frustrating!

I sighed again. Hindi ko dapat iniisip ang bagay na ito. May project ako na kailangang tapusin. Iyon ang dapat kong intindihin at hindi itong makulit na pala-isipan na nagsusumiksik sa utak ko. Hindi ko dapat hayaan na guluhin ni Laurence ang magulo ko nang pag-iisip.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon