Chapter 17

51.7K 1.5K 117
                                    

FINA

Tumingin si Fina sa suot niyang wristwatch. Mag-iisang oras na siyang nakaupo sa bench sa tapat ng Nursing building pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating si Ellie.

Magkaiba kasi sila ng pinag-duty-han na ospital. Nauna siyang nakabalik ng school. Dapat uuwi na siya kanina pa pero nag-text ang best friend niya na maghintay na muna siya dahil may ipapakita raw ito sa kanya. Hindi naman nito sinabi kung ano mismo basta tungkol raw sa kasal ng kuya nito.

Bored na bored na tuloy siya kahihintay. Nilabas niya ang cellphone niya. Naisip niya na lang magbasa muna ng mga texts ni Jett.

She misses him so much kahit na magkasama naman sila kagabi. Mukha tuloy siyang baliw ngayon na napapangiti mag-isa dahil naalala niya 'yung nangyari sa kwarto niya kaninang umaga. Na-late siya ng alis ng bahay kasi si Jett, ayaw siyang pakawalan. Bumabangon na siya pero niyayakap siya nito nang mahigpit kaya 'di siya maka-tayo tayo.

Kinikilig siya tuwing naiiisip niya kung ga'no ito ka-kulit at ka-cute kanina. Kung pwede lang talaga na hindi na siya mag-duty ngayon, gagawin niya para lang makasama niya pa si Jett at makatulog pa sila nang magkatabi. Kaso siyempre, uunahin niya grades niya.

Mabuti na nga lang tinanghali ng gising si Ate Martha kanina kaya nakalabas ng kwarto ko si Jett nang walang hirap. Nag-text na lang ito sa kanya nung nakauwi na ito sa apartment. Pina-alalahanan siya nito na mag-ingat sa pagpasok sa ospital. At siyempre, may kasama uling 'i love you' sa dulo. May bago na naman tuloy siyang na-save sa phone niya.

At siya nga pala, nasa kanya pa rin ang jacket ni Jett. 'Di niya binalik.

"Fina!"

Napalingon siya sa gilid. Nakita niya na si Ellie na halos tumatakbo na papunta sa kanya. Parang bigat na bigat pa ito sa dala nitong OB bag.

"Sorry! Ang traffic!" Nagpunas ito ng pawis sa noo tsaka naupo sa tabi niya. "Kanina ka pa naghihintay?"

Tinago niya na muna ang cellphone niya sa bulsa ng uniform bago siya sumagot. "Oo. Kanina pa kaya ako text nang text sa 'yo. 'Di ka nagre-reply."

"Sorry na. Eto naman. Nagloko kasi phone ko habang nasa service, biglang nawalan ng signal."

"Sige na, sige na. Ano ba 'yung sinabi mong ipapakita mo sa 'kin? Akin na para makauwi na 'ko."

"Ito oh." Nilabas nito ang dalang tablet galing sa bag pack. "Gagawin na kasi 'yung gown ko para sa kasal ni kuya Allen. E 'di ko alam kung anong design bagay sa 'kin. I need your opinion." Pinakita nito sa kanya ang mga options.

Kumunot naman ang noo niya. "Sa 'kin ka pa nagtanong, e mas may alam ka diyan."

"E syempre kailangan ko pa rin ng ibang mata. Ito mas gusto ko oh, bagay kaya sa 'kin?" Pinakita nito ang isang royal blue-colored gown na off-shoulder ang disenyo.

"Ay ang ganda! Oo 'yan, bagay 'yan kasi slim ka naman."

"Talaga? Okay! Ito na."

Natawa na lang siya kasi ang bilis nitong kausap. "So 'yan lang ipapakita mo? Ang tagal kong naghintay dito."

"Oo, ito lang. Gusto ko lang talagang ipakita sa 'yo nang personal." Binalik na nito ang tablet sa bag tapos sumandal sa bench na para bang pagod na pagod talaga ito. "Hay salamat, matutuloy na rin ang kasal ng kuya ko."

"Oo nga eh. Mababawasan na rin ang stress mo. Buti pumayag na si kuya Allen?"

"Eh wala naman siyang choice. Kahit na labag sa loob niya, kailangan niyang gawin kung ayaw niyang mawalan ng mana at maghirap kami. Anyway, pupunta ka sa kasal ha? Medyo matagal pa naman, pero gusto ko nando'n ka."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon