Chapter 17

42K 785 79
                                    

Chapter 17

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Ayoko ng ganitong klima, nakaka-senti at nakakatamad maligo. Haha. Lihim akong napangiti ng maramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Nathaniel sa aking baywang. I inhaled his masculine smell. Kagagaling lang niya sa shower habang ako naman ay nasa balcony lang at pinapanood ang mga hamog.

Sumisigaw ang hormones ko hindi dahil sa nangangailangan siya, isinisigaw niya na dapat ay sabihin ko na kay Nathaniel kung ano ang nararamdaman ko. Gusto kong magtanong pero kada bubuksan ko ang aking bibig ay kusa naman 'yong sumasara. Gusto kong tanungin kung ano ang mayroon kami o kung ano man ang nararamdaman niya sa akin. Kung pwede ko lang ibukambibig 'yon para matahimik na ang isip ko. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot akong mabigo. Is it all about sex?

Hindi ko siya pwedeng sisihin kung umasa man ako. I was the one who initiate first. Palay na mismo ang lumapit sa manok at natukso lamang siyang tukain 'yon dahil gutom siya at may pangangailangan. Gusto kong gawing mantra ang "Having sex with him won't make him love you" ayokong matulad sa ibang mga babae, ayokong tapakan ang mga hakbang ni Janine. I'm way better than her. Siguro'y makukuntento na lamang muna ako sa kung ano ang kayang ibigay ni Nathaniel.

"Napagod ka ba sa biyahe." pumikit ako at dinama ang mainit na hininga ni Nathaniel sa aking leeg. Ah! It feels good. Ang sarap damhin ng init ng katawan ni Nathaniel.

"Puyat lang. Haha." I smiled seductively at agad naman siyang tumawa.

"Yeah, yeah, yeah. Wala pa nga pala tayong matinong tulog. Haha. Kumain muna tayo sa baba then you can take your nap besides may meeting kami mamaya ni Ivan at ng staff." muntik ko ng makalimutan na trabaho nga pala ang ipinunta rito ni Nathaniel at hindi bakasyon.

Sana pwedeng bumalik sa dati. Alam ko may chance na mahalin ako ni Nathaniel pero nasira ang lahat ng 'yon ng pinilit siya ni mommy na pakasalan ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung paano siya napapayag ng mommy ko. Hindi naman niya ako mahal at naiinis siya sa akin. Bakit biglaang nagbago ang isip niya? Si Nathaniel yung tipo ng lalaki na hindi basta magpapa-manipula.

"Pagkatapos ng trabaho mo pwede mag-date tayo? Hindi pa tayo nagddate." nilingon ko siya sa aking likuran at idinampi niya ang kanyang mga labi sa aking pisngi.

"Hmm? Nag-date na tayo ah? Hindi mo naaalala?" kumunot ang noo ko. Ha? Kailan? Wala naman ah?

"Nag-date na tayo Natie. Noong nag cutting classes ka? Nag mall tayo diba?" what?! I can't contain my kilig! Date para sa kanya 'yon kahit pinilit ko lang siya noon?! Niyuko ko ang sarili ko upang itago ang aking mga ngiti.

"Pero sige magddate tayo kapag may free time ako. Okay ba 'yon?" humarap ako sa kanya at nabigla nalang siya ng walang kaabog-abog ko siyang niyakap. I am so happy. Niyakap ko siya ng mahigpit at isinandal ko ang aking ulo sa malapad at matipuno niyang dibdib. I feel safe kapag nasa mga bisig niya, para akong isang bata na nasa comfort zone.

"Wait! Mauna ka na pala sa baba Nate, I need to pee. Order ka na ng food." lalayo na sana ako sa kanya ngunit mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin.

"Can we stay like this forever?" gusto kong tignan ang mukha niya ngunit mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin as if his life depends on me. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagtatalon ang ovaries ko sa tuwa. Yes, I'll be yours forever. Hindi ako aalis sa tabi mo, kahit mangawit pa tayo ay hindi ako lalayo.  He sniffed my hair and kissed it.

"You always smell good" ngumiti ako at hinalikan ko ang dibdib niya. Ayokong umasa pero damn! Magtatanong pa ba ko? Pasasakitin ko pa ba ang ulo ko?

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon