8. Haunted hearts.

57.2K 1.2K 703
                                    

8. HAUNTED HEARTS.

 

“I can even teach you to ride a horse. We can race.”

 

Hindi si TJ ang ama ng anak ko.

“Ah, before I forgot. Hatid pa rin kita bukas bago ‘ko umalis, ha?”

Hindi si TJ ang ama ng anak ko.

“Babe?”

Hindi si TJ ang ama ng anak ko.

“Babe.”

Napalingon si Arianna kay Angelo. “H-huh?”

Nangingilatis ang tinging ibinigay ni Angelo sa kanya. “Were you even listening?”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “I... Long day. Pagod lang siguro ako. Plus, aalis ka pa bukas. Mag-isa na naman ako.”

Wow, that was fast thinking, how did she do that?

Angelo held her hand. “I told you you can come.”

 

Naiiling na natawa siya. “And I told you I can’t. Magiging sobrang busy kami ngayong week.” Tumingin siya kay Angelo. “Maybe I won’t miss you that much since magiging occupied naman ang linggo ko.” Ngingiti-ngiting tumayo siya at kinuha ang pinagkainan niyang halos hindi niya naman nagalaw pati na rin ang kay Angelo. Nilagay niya ‘yon sa kitchen sink.

At sa sandaling nakatalikod na siya kay Angelo, unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya at malalim na nagbuntong-hininga na naman siya.

Sabi niya sa sarili niya, hindi na siya papaapekto. Sabi niya si Angelo na lang ang priority niya. Sabi niya tapos na ang lahat sa kanila ni TJ. Sabi niya tapos na ang lahat. Sabi niya.... sabi niya kakalimutan niya na si TJ.

Hindi si TJ ang ama ng anak ni Margarette? Kung gano’n, bakit si Margarette ang pinili nito at hindi siya? Ah, dahil asawa na nito si Margarette at may asawa na siya. Teka. Di ba, sila ang nauna? Sila ang mas legal? Sila ang mas may karapatan?

Isa lang ang maliwanag, e. Hindi siya ang pinili ni TJ. Pinagpalit siya ni TJ. Kinalimutan siya ni TJ. At kinamumuhian niya si TJ.

Nagulat na lang siya nang yakapin siya ni Angelo mula sa likod.

“You won’t miss me, huh?” he teased in her ears.

Humarap siya kay Angelo at nanunuksong ngumiti. “Nope. I said I won’t miss that much.”

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon