Chapter 36

357 11 7
                                    

 Chapter 36

[Rhassel’s POV]

Sa kanya lang ako nakatingin habang kumakanta siya. Parang gustong tumulo ng mga luha ko noon. Siya talaga, ang gusto kong makasama, kahit pa sa susunod na lifetime, she will be the one.

Pero, bakit ba kasi ganito ang tadhana?

Dapat ako ang nasa tabi niya, hindi yang Rafael na yan.

Tanya. I love you so much. Sorry I cannot tell you that now.

Pagkatapos niyang kumanta ang daming nagpalakpakan. Ang ganda pala ng boses niya. Ngayon ko lang din narinig. Na nagpasakit pa ng damdamin ko. Gusto ko ako ang una, selfish man pero yan ang nararamdaman ko ngayon.

Lumapit ako sa kanya,

Hindi ko na napigilan ang paa ko, kailangan kong makarinig kahit kaunting salita man lamang.

Kay Rafael.

Sobrang saya ko noong nagkausap kami, kahit sandali lang. Kahit tipid lang yung salita, na parang ang tagal tagal na naging masaya ako ng ganito.

Lalo pa ng hinawakan niya ang kamay ko. Gusto ko siyang yakapin noon. Pero, hindi ko magawa. Hinawakan ko na lang ang kamay nya ng mahigpit. Gusto ko siyang maramdaman. How I miss her touch. It makes me happy at the same time sad, dahil alam kong limitado lang ang mga minuto na magagawa namin ito.

Hindi rin pala napigilan ng mukha kong ngumiti. Dahil totoo Tanya, ang saya ko ngayon dahil hinawakan mo ang kamay ko, Ang saya ko. Kung pwede wala na lang siya dito sa eksena. Sana masaya tayong dalawa.

Binitiwan niya na ang kamay ko. Tinignan ko siya, nakatungo lang siya ngayon. Hay, Tanya. Ikaw talaga. Napangiti nanaman ako, and I patted her head.

Umalis na kami ni Rafael sa lugar na iyon. Nasa likod kami ng building ngayon. At may dapat akong sabihin sa lalakeng to.

“Rafael….”

[Rafael’s POV]

At nakaramdam ako ng kamao sa mukha ko. Ang lakas ng pagkakasapak niya sa akin. Napabagsak ako. At dumugo ang labi ko. Ang sakit, pero lalo ang matatalim na tingin niya.

”Bwisit!!! Mas malala pa dyan nararamdaman ko ngayon!! Para na akong patay Rafael!! Problema mo to eh!! Bwisit!!!!”

At isa pang sapak ang binigay niya sa akin.

”Nagseselos ako!! Alam mo ba yun!! Gusto ko siyang makasama, pero hindi eh. Ikaw ang kasama niya, nakikita mo siyang ngumiti, ako hindi!!! Wala!!!!”

Sasapakin pa sana niya ako pero tumulo ang luha niya.

Tumayo ako, at inayos ang sarili ko.

”Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya ipaglaban!!”, napasigaw na ako. Bakit ba ako nalang ang sinisisi niya, Wala ba akong karapatang makasama si Tanya, ngayong... mahal ko na siya.

”Bakit kailangan mo pang kasamahin yang si Misty.Dapat hinayaan mo nalang. Dapat umayaw ka na!! Bakit!! Duwag ka kasi. Matapang ka lang sa salita. Mas mahal ko siya sayo!!”,

Tumama naman ang sapak niya sa mukha ko, at tuloy-tuloy na ito.

“Wala kang karapatan!! Wala kang karapatan na sabihing hindi ko siya mahal!!! Ayokong sirain ni Misty ang buhay ni Tanya!!”, patuloy pa rin ang pagsapak niya sa akin. ”Kahit na masakit, kahit na mahirap, tinitiis ko, nag-iisip ako ng paraan, kahit parang wala akong lakas para mag-isip!! Walang hiya ka!! Anong mas mahal mo siya?!! Alam mo ba ang sinasakripisyo ko!!”

Doon ko naisip ang lahat. Ang sakit na nararamdaman ni Rhassel ngayon. Ang hirap ng nadarama niya. Talaga bang mahal ko si Tanya?? Tama ba ang mga sinabi ko?? Ano ba talaga ang pagmamahal??

Tumigil na siya sa pagsapak sa akin. At pinunasan ang luha niya.

”Bwisit”, ayan ang nasabi niya habang inaayos ang sarili niya.

Tapos naglakad na siya papalayo sa akin.

“Rafael. Mahal mo ba talaga si Tanya?”, nagsalita siya pero hindi nakatingin sa akin.

”Oo.”, sagot ko sa kanya.

”Kahit masakit man na makita kang kasama siya....i—”

Hinarap ko siya sa akin at sinapak sa mukha.

”Anong ingatan!! Langhiya ka rin ano!!!”, sigaw ko sa kanya. ”Mahal ko siya...”, tapos tumungo ako. ”Pero mas mahal mo siya. Sorry Rhassel, dahil sa akin nahihirapan na kayo. Ang selfish ko. Wala talaga.”, pati ako napapaiyak na rin. ”Babantayan ko siya para sayo, sana dalian mo lang yang gagawin ko.”. 

Naisip ko lahat ng ginawa ni Rhassel para sa akin. Yung pagsalo niya sa engagement ko--dahil sabi niya ako lang daw ang nakakausap niya ng ganito at yun lang daw ang pwede niyang isukli. Tsaka dati sabi niya sa min "Okay", kung magkakaganon man ng arrangement. 

Pero ngayon--nakita ko ng magmature si Rhassel. Kailangan ako rin. Ako rin. Kailangan ko ring may gawin. 

Niyakap ako ni Rhassel. Umiiyak na rin siya.

Siguro kung may eavesdropper nanaman tulad ni Tanya. Napagkamalan nanaman kaming bading.

Tama. Alam ko na ang gagawin ko.

Sasabihin ko na talaga kay Tanya. Kahit ayaw niyang makinig. Talagang kailangan niyang malaman.

Ang nangyari sa loob ng stockroom.

Ngayon siguro, malalaman ko na ang tunay na pagmamahal.

Ang pagsasakripisyo para sa mahal mo.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon