Chapter 31

313 8 1
                                    

Hello sa lahat ng readers ng The Eavesdropping Princess. ^___^

Ayun. May update na rin. Ang author niyo ay sadyang busy. Hahahahah. Busy thinking.

Chapter 31:

[Rhassel’s POV]

Dinala ako ng sarili ko sa isang bahay na maraming alaala sa akin---

Kung saan siya nakatira.

Nasa malapit ako sa bahay nina Tanya ngayon, dahil wala akong lakas ng loob na pumunta doon. Baka masaktan pa siya dahil sa akin.

Kaya nandito lang muna ako, nakatanaw.

Naramdaman kong tumutulo ang mga luha ko, Para akong kulong, wala akong magagawa.

At hindi ko man lamang siya malapitan.

Nakakainis. The worst feeling of all. 

”Lalalalalalal!!!!!!”

Bigla akong natauhan dahil may narinig akong ingay na nanggagaling sa garden nila.

”Sing...sing a song, make it simple to last your all night long!!!!”

Nagkakantahan pala sila dito.

Nakaupo si Tanya sa may upuan tapos may mga candles candles pa sa tabi.

Tapos, nandito si Lea at Siegrain---

Pati si Rafael.

Siya pa ung may hawak ng gitara at nagstrustrum na parang ewan.

”Don’t worry that it’s not good enough!! For everyone else to hear.”

Iyon ngang mga boses nila parang rinig na hanggang kabilang kanto. Si Tanya pumapalakpak-palakpak siya.

She’s a predictable girl, yet a passive one.

Alam mo ang susunod niyang gagawin—pero may something behind that. Iyong parang sinasadya niya na ganoon ang gagawin niya dahil iyon ang iniisip mo.

Deserving talaga siyang maging kaibigan

Maging isang babae na pag-aalayan mo ng puso mo.

And also a good student----

Kaya, gagawin ko ang lahat, wag lang syang matanggal doon.

Biglang tumigil ang pagstrum ng gitara at bigla siyang kumanta.

”JUST SING A SONG!!!”

”Wooooohhhh!!”, sigawan nilang apat.

Kung iisipin, nakakatawa silang tignan, pero bakit hindi ko magawang maging masaya—

Nagiging selfish ba ako?

O sobrang naiingit lang dahil kasama nila si Tanya at nagsasaya ng ganito?

”Ah, mga kaibigan ni Tanya, nako maggagabi na.”, ngiti ng mama niya. ”Kailangan niyo na ring magpahinga”

”Sige po.”, sabi naman nilang tatlo in unison.

“Ma, ihahatid ko na po sila sa labas.”, sabi ni Tanya.

Naglakad naman ako ng kaunti para mas makita ko ang view ng paghahatid niya, at ng hindi nila ako makikita.

”Bye guys, salamat sa inyo ah. Ingat kayo.”, sabi ni Tanya na nakangiti.

How I miss that smile---

Pero bakit may kakaiba??

Naglakad na ang dalawa, naiwan sina Rafael at Tanya sa may gitna.

Hinawakan ni Rafael ang ulo ni Tanya and he patted it.

“Uy Tanya, wag ka ng iiyak ah. Kaya mo yan. Wag mo nalang isipin malay mo—maging maayos din ang lahat, ikaw na ulit ang makikita niya.”

At sa mga sinabi ni Rafael---

*flashback*

[3rd person POV]

(Rhassel and Misty, before 1st year HighSchool)

“Uy, Misty---”, umiiyak si Misty sa may tabi. Napansin ito ng kanyang kababatang si Rhassel kaya naman dali-dali siyang lumapit para tawagin ito.

”Misty bakit ka umiiyak??”, pangungulit ni Rhassel.

”Kasi—kasi, si Rafa may babae nanamang pinopormahan. Nakakainis. Kasama niya ako sa isang ice cream parlor, tapos nung may nakita lang na maganda iniwan ako!! Huhuhuhu”, pagsusumbong ni Misty. Kahit noong bata pa, siya ang babaeng sinasabi kung ano ang gusto niyang sabihin. Kahit na ang pag-iyak niya.

“Ano ba yang si Rafa!! Tsk.”, biglang nagmaktol si Rhassel at tumalikod sa kausap. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya.

”Buti ka pa Rhassel, ang tino!! Hahahah!!”, tawa ni Misty.

Huminga ng malalim si Rhassel dahil nga hindi niya maitago ang sobrang saya sa mga oras na yon. May napasaya siyang tao.

Nagkaroon na siya ng lakas para harapin ang kanyang kababata at hinawakan niya ang ulo nito.

“Uy Misty, wag ka ng iiyak ah. Kaya mo yan. Wag mo nalang isipin malay mo—maging maayos din ang lahat, ikaw na ulit ang makikita niya.”

Biglang namula naman si Misty ng makita ng malapitan ang kababata, ang ganda ng mga mata nito—parang kay Rafael.

Natuwa lalo si Rhassel dahil nga may naging mas masaya si Misty. At doon---

**

[Rhassel’s POV]

Naglalakad papaalis si Rafa pero patuloy ang pagkaway niya, hanggang nugn hinatak siya ni Siegrain pasakay ng kotse.

Tinago ko pa rin ang sarili ko, dahil baka malungkot nanaman ang mukha niya.

Hindi muna pumasok si Tanya.

Pumikit siya doon at parang nilalanghap ang hangin.

Ang ganda niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, na parang ewan nanaman.

Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito---

At masaya ako dahil siya iyon.

I feel LOVE for her.

Bigla siyang dumilat at tumingin-tingin sa paligid.

Parang may hinahanap, kaya naman nagtago ako ng kaunti.

Tumigil din siya at ngumiti.

At pumasok sa loob.

Sana—lagi ko nalang siyang nakikitang ganoon.

Pero sana, sa pagkakataong iyon.

Ako ang magiging dahilan. Ako na ulit ang magiging dahilan ng pagiging masaya niya. Makakapasok na ako sa bahay nila, makakakanta din kasama nila ng ganong kalakas, magiging ayos na din ang lahat. Malaya na ako--kami. 

Lumapit ako sa gate nila—

At nagtali ng Red Ribbon.

“I love you so much—I will do anything for you.”

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon