Special Chapter--LeaxSiegrain

372 9 0
                                    

Paano nga ba nagkaroon ng sparks ang dalawang ito. Here's a special chapter for them! <3 

Special Chapter [LeaxSiegrain]

(Lea's POV)

1 year lang naman ang pagitan namin. Hindi naman ako PEDO (Pedophile) di ba?

Kakaiba kasi talaga ang ngiti niya. Para akong tinamaan ni kupido! AS IN BULL'S EYE!!

KYAAAAAA!!

"Tanya, ano...", nasa sasakyan kami ni Tanya papuntang amusement park at medyo nahihiya pa akong ikwento sa kanya ang tungkol dito. Siguro dahil alam kong involved siya dito---,"Ano ang tingin mo don sa kapatid ni Rafael, yung Siegrain?"

--Kasi alam kong may type sa kanya si Siegrain...

Ngumiti siya ng malaki at tumingin siya sakin, "Ayieeee Leah~!!"

Nag-pout ako at sumagot, "Para kasing ano...kakaiba siya.."

"Anong ibig sabihin mo ng kakaiba? Dali ikwento mo na", sabi sa akin ni Tanya, mukhang naging usisera na rin siya ngayon nakakaloka!

"Nung una ko siyang makita, nung lumapit siya sayo dahil natapunan ka ng juice. Feeling ko may pumana sa puso ko!~", malakas kong sigaw. Noong narealize ko ang kalandian ko bigla kong tinakpan ang bibig ko. 

Tumawa naman si Tanya ng malakas. Nakakatuwa ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito ulit. 

"Tapos? Kwentuhan mo ko!", nakangiti niyang sabi sa kin. 

"Wala e. Parang may sparks! Alam ko yung sparks yung ano...basta sparks!!"

Mukha siyang clueless, pero sinubukan niyang idigest yung sinabi ko. Nakakatawa talaga tong si Tanya. Hindi mo siya aakalaing scholar...i-eemphasize ko pa--nag-iisang scholar nong batch namin sa Celesta Academy at running for Valedictorian. Sa tagal kong nakasama si Tanya, maraming nagbago sa kanya--lalo ng dumating si Rhassel.

Masaya ako, masaya ako para sa kanya. 

Kaya naman. Accomplice ako ni Rafael at si Siegrain!!~ Kasama ako sa kalokohan nila para magkaroon sila ng quality time na couple. AAAAAHHHH!~ Tsaka sisingit na rin ako para makobonding si Siegrain hahahahahahahaha!

Nakarating na kami sa amusement park kung saan ang napagkasunduang meeting. Pumasok na kami ni Tanya sa loob. Nakakatuwang tignan si Tanya dahil mukhang masayang-masaya siya kahit nong una sobrang pinilit ko pa siya para pumunta dito. 

Hahahahahah!~ Magiging masaya ka pa Tanya, sandali nalang!

Kaya pumasok kami sa isang horror house. Ayaw ni Tanya dito, pero dito lang namin magagawa ang plano. Nag-miss call ako sa number ni Rafael bago kami pumasok sa loob. Oo, nakakagulat nga dahil nakuha niya ang number ko.

Noong nasa kalagitnaan na kami, nagtago na ako sa lugar kung saan daw muna kami magtatago pagkatapos patayin ang mga ilaw. Kasama nina Rafael at Siegrain si Rhassel at dito gagawin na namin ang Posas-Love-Plan namin. Nakakatawa no? Ako nag-isip niyan hahahahahahhaha!

Sa pagpatay ng mga kandila, naramdaman kong may tumabi sa akin. Siguro sila na nga ang mga to. Hindi ko sila maaninag pero nong nagkailaw na...katabi ko pala si Siegrain! Kyaaaa! Kinikilig ako!!!!!!

"Ah, bakit?", mahina niyang sabi pero nakangiti.

"Wala naman. Nagulat lang ako", sabi ko rin ng nakangiti.

"Ganoon ba.", sabi niya sa akin.

"Tara lumabas na tayo", signal ni Rafael. "Mukhang nakaalis na yung love birds". Tumayo na kaming tatlo at lumabas na sa horror house.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon