Chapter 17.2

463 16 6
                                    

 Chapter 17.2

(The eavesdropping princess' POV)

PLAY NA NAMIN!! AT DEBUT KO NA BILANG NASTY KONTRABIDA NA STEPSITER NG NAPAKAGANDANG SI CINDERELLA!!

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ako. Naeexcite ako na may halong kaba dahil 1st time ko at kinikilig dahil sa mga nangyari kahapon.

Teka nga. Ito pa rin ang tanong na hindi rin maalis sa akin e. Paano na si Rafa?? Hindi ba sila ang partner dito? 

Nagawa ko na bang baguhin si Rhassel Villa??

Ibig sabihin ibabalik na ni Rafa yung bagay na yon? 

Kung gusto nyong malaman kung ano ba talaga un, ito ang papel, isang letter na puno ng honest feelings ko na hinagilap ko sa paligid dahil ginusot na at binato ng isang lalake na ang pangalan ay Rhassel nung 1st year ako. Baliw man kung baliw, hindi ko parin maitapon yon, pati na ang nararamdaman ko--

“TEAM!! MAGHANDA NA KAYO!! AYUSAN NA ANG MGA CASTS!! COME ON!! WALANG PAGONG!! ”, sigaw ni B.P sa may backstage.

Ganon ulit ang itsura ko parang nung nag rehearse kami. Pinkish, baby pink ayun! ruffles ung palda, ballgown style, may tiara, tapos kulot ang buhok at light lang ang make-up. 

Ready na ko para sabuhin!--este pahirapan lang ng konti si Rafa, este si kagandahang Cinderella Wahahaahah!!!

Kinakabahan na ko. Ano kayang magiging reaction nila? Baka magkamali ako? Nako po, Lord help me 

Sa di kalayuan, napatingin naman ako sa itsura ni Rhassel. Ang gwapo niya, nakakanosebleed, pero hindi man lang ako napansin.

Ayan nanaman po si Mr.Moody

Nagsimula na ang ceremony. Nagbigay ng speech ang mga board members at ang principal namin. Pagkatapos non inintroduce na kami. This is it! 

"Hoy Cinderella! Nagluto ka na ba? Nagsaing? E ung mga pinggan ba nahugasan mo na?! ", sabi ko habang tinatarayan ang babaeng sobrang ganda. Actually, kanina manghang-mangha parin ako sa itsura ni Rafa. Is he a guy?? REALLY!

Tapos biglang dumating ang isang announcer na galing sa 4-A, bakit ko nasabi? Nerdy kasi eh ^__^ 

"Iniimbitahan po ang mga magagandang BINIBINI", talagang stressed ung binibini, muntikan lang akong matawa, dahil pag naiisip ko, binibini ba talaga si Cinderella namin dito?? "Iniimbitahan kayo sa isang ROYAL BALL para sa pagdiriwang ng kaarawan ng mahal na prinsipe!"

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon