Chapter 12.2

423 10 0
                                    

Chapter 12.2

(The eavesdropping princess' POV)

3 years ago

Pumasok ako sa isang school na puro mayayaman. Pinangarap ko na dito makapag-aral dahil maganda ang turo dito at mataas ang ranking ng school sa national level. Maganda itong magiging foundation lalo na sa akin na kailangan nito para makakuha ng magandang trabaho. Kaya naman sinubukan kong magtest for scholarship at iyon at napakasaya ko dahil pumasa ako!

Sa pagpasok ko sa Celesta Academy, tama ang pagkakadescribe ng ibang tao sa school na ito. Talagang maganda ang turo dito, dahil magagaling ang mga teachers at advanced ang mga lessons, pati ang mga facilities maayos din kaya naman mas madali ang pag-aaral.

Ang kaso lang, nakaka-OP dito. Isa lang akong nakapasa ngayon taon, at hindi ko naman alam kung sino ang ibang scolars nong nakaraang mga taon. Wala akong mga kaibigan, mag-isa lang akong kumakain sa cafeteria at wala ring may gustong makipagkaibigan sakin. Ako lang ang may dalang lunch box dahil para sa akin masyadong mahal ang bilihin.  

At dahil nga wala na akong pwesto sa cafeteria at wala rin namang nagpapaupo sa akin malapit sa kanila, naghanap nalang ako ng pwedeng pagkainan, at iyon, dinala ako ng paa ko sa isang stockroom sa dulo ng building namin.

Nakakita pa ako ng tatlong babae dun sa may pintuan. Nabunggo ko ata iyong isa. 

"Ouch!! Watch it please!!”, maarteng sigaw nung isang babae.  Nong nakita niya ako, “Oh! So si Ms. Scholar pala to”,

At ito tulad ng ibang bully stories, pinalibutan na nila ako. Noong una akala ko sa TV or stories lang ito nangyayari, pero ayan na, wala nanaman akong laban. Parang ang hina ko sa harap nila. Ito lang ang masakit sa pagpasok ko sa Celesta. 

“Ah eh--ano, I'm Sorry. Ah, Excuse me” sabi ko habang sinusubukang makaalis sa harapan nila. 

"Oops. Sorry Miss Nerd", pang-aasar nung isang babae. "We don't like e!", tapos nagtawanan silang tatlo. 

“Ano kayang pwede nating gawin sa kanya? Kung kukunan natin siya ng pera, nako wala naman siyang pera", they have those scrutinizing look. Ang sakit dahil sa akala kong pagpasok sa Celesta magiging maayos na ang buhay ko, kailangan ko palang i-endure to. Masakit. Masakit mamaliit. 

”Ah alam ko na! Di ba may dapat tayong gawin sa workbook pagawa natin sa kanya!!”, sabi naman  nung babae. 

“That's right! We’re so smart!!”, tawanan nilang sabay-sabay

"Sorry, pero hindi ko magagawa ang gusto niyo.. dapat ka--” sabi ko.

Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil marahas akong hinawakan ng dalawang babae sa braso ko at iyong isa naman sa mukha ko.

”So you want it the hard way!! Huh!!”, sigaw niya.

Ang sakit sa pakiramdam. Dati murmurs lang, ngayon physical na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Gusto ko ng umiyak habang nagtatawanan sila ng biglang--

PWEDE BA? NATUTULOG AKO!! YOU’RE ALL FREAKING LOUD!!”, sigaw nung lalake galing sa stockroom. 

”Hi Rhassel” binitiwan ako nung mga girls. Pagkatapos non nagsalita tong isang babae, "Rhassel o, itong si Ms. Scholar stalker mo ata, kanina ka pa niya sinusundan tapos--”

“May gagawin siya sayo!”, sigaw nung dalawa.

Hala! Mga baliw e hindi ko nga kilala to eh tapos sila nga tong mukhang stalker eh. May gana pa kayong baguhin ang kwento. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon