Chapter 16

468 16 9
                                    

Chapter 16

(The eavesdropping princess' POV)

Dahil sa practice naming to. nagstastay kami ng matagal sa school. More than a week ang preparation kaya parang naging close kaming 4th Year students dahil hand in hand kami sa paggawa pati sa naeextra na kulitan.

Ayusin mo nga yang acting mo! dus me ano bang fairy god FATHER yan hah!?, sabi ng hinahighblood na si B.P

Haha. you read it right, siya ay si Fairy God Father. Isa na daw yan sa "twist" sa kwento na gagawin namin. Tapos ako naman, parang shift in character dahil nilagay ako bilang isang evil stepsister. E ako nga ang lagi nilang inaapi. Buti nga ngayon hindi na masyado dahil na rin sa pagbabanta ni Rhassel Villa sa kanila. 

Sunod naman ay ang practice ng scene namin ni Cinderella.

”Cinderella, ayusin mo nga yang paglilinis..”

Pasensya na alam kong wala akong emosyon sa pag-arte, pwede bang pagsulatin niyo nalang ako ng mga linya, yon may feelings pa. 

”WALANGHIYA TANYA!!! ANO YON POKERFACE??”, sabi ni B.P na binaling ang highblood sakin. “Ayusin mo naman pwede? Kung gusto mo batuk-batukan mo pa si Cinderella para maramdaman mo yung lines!"

Nagulat kami ni Rafa sa sinabi ni B.P. Talagang gusto niyang maging bongga ang play na ito. Hahahaha. Pero sa loob ko, masaya ako! Hahahaha. Because it's payback time--EHEM!

“Isipin mo siya ang kinaiinisan mong tao…”, sabi niya habang kumakalma ng konti..

“Ah sige po..”, sabi ko. Nasa harapan ko na po, yon sana ang gusto kong sabihin. 

”B.P. hindi niya maiisip un, mahal niya kasi ako haha!”, sigaw naman ng magandang si Cinderella

 Ang ganda sana ni Rafa ngayon, yun nga lang, panira pa rin siya ng mood. Wala rin.

”Teka nga Tanya, ang swerte mo naman, sino ba kasi sa kanila hah?”, sabi naman sakin ni B.P 

”B.P, wag kang maniwala dyan kay Cinderella", sabi ko

Biglang ngumiti si B.P, ”Buti naman at may balak kang maging generous” sabi niya at pagkatapos ay nginitian si Rafa ng pagkalaki-laki. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Rafa. Gwapo ng lalake, Maganda pang babae. Hay, wala na kaming panama sa kanya.

Nag-signal na si B.P. Kailangan na naming magsimula. Pasensya ka na Rafa a, kailangan kong sundin si B.P. I'll give them a good show. Hahahaha.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon