Chapter 3

711 16 0
                                    

Chapter 3

(The eavesdropping princess' POV)

Paano ko kaya uumpisahan ang Monday ko. Paano ako papasok sa buhay ng used to be prince charming ko na feeling princess pala na kailangan ko siyang baguhin dahil hawak ako ng Rafael na yon sa leeg. 

At sabihing--

"Hi Rhassel. Nandito ako to change you to a real guy dahil sa request nung crush mong si Rafael!!! tapos tatawa ako biglang parang kontrabida. 

Ang sakit sa ulo! Parang ang hirap siyang i-confront sa ganoong paraan. Parang gusto kong bumalik sa nakaraan at itago na ang wallet ko ng maayos para hindi ko nalang sila narinig at para wala ng ganito. 

Mas mabuti pa yung malayo ako sa kanya--mas payapa pa ang buhay ko. 

Naputol ang daydreams ko dahil tumutunog ang phone ko. Galing ang tawag kay Lea. 

“Hello Tanya. Wow hah! Ano tong nababalitaan ko na girlfriend ka na daw ni Mr. Heartbreaker hah?” sabi niya.

Ganito pala talaga kabilis ang balita. Sobra ng nabigyan ng kakaibang kwento ang nangyari sa quadrangle. Ano nga namang iisipin nila kung makakakita sila ng isang babae at naglalakeng nag-kiss? Hay nako. Marami nanaman sigurong mga babaeng gugulo ng buhay ko. Buti nga ngayon pinagsawaan na nila ako, uulit nanaman. Hay. 

”Hoy Tanya!!! Pati ba naman dila mo nawala mo na? Ayiiiieee!", pang-asar niya. 

“Ah. Hehe” yan nalang ang pwede kong isagot. Baka kasi mapahawak pa ako kapag may sinabi pa akong kung ano. Ayoko na, masakit na po ang ulo ko sa kaiisip ng gagawin ko para sundin si Rafael. 

“Ay maalala ko--Si Misty!!!”, sigaw ni Lea. 

”Ano? Anong nangyari kay Misty hah?”, natakot akong sumagot.

Nag-aalala ako. Si Misty, siya ang maituturing kong bestfriend ko. Sa tutuusin, siya ang una kong nakilala kaysa kay Lea. Siya ang una kong kaibigan, ang nagcomfort sakin nung umiiyak ako dahil sa sinigawan ako ni Rhassel. 

”Pupunta daw siyang Japan”, sagot niya. 

“Tara na Lea. Puntahan na natin siya sa Airport”, sabi ko naman. 

“Sige sige. I’ll pick you up. Bye Tanya!”, sabi sakin ni Lea. Nagbye na rin ako pagkatapos ay naputol na rin ang tawag ko. Naghanda na rin ako at nagpaalam kay Mama na aalis kami ni Lea. 

Si Lea at Misty ay mga anak ng businessowners, isa lang akong scholar. Kaya naman, ang saya ko dahil kahit na walang gustong makipagkaibigan sakin non, sinamahan pa rin nila ako. Ang pagkakaiba lang nila, si Misty ay only daughter. At may sinabi pa siya sa akin non. Alam mo naman sa mga mayayaman, mayroong mga issues. Hindi niya sakin sinabi ng diretso--

“Hindi na ko malaya... ang pamilya namin, kinulong na kami”, sinabi niya sakin dati. 

Kaya naman, sobrang malapit ako sa kanya. Nalulungkot ako ngayon dahil aalis siya. Kailan kaya siya babalik? Siguro magtatagal siya dahil baka family or business matters yon. 

Dumating na si Lea at nakaabang na ang kotse nila sa labas. Ngumiti siya sakin at kumaway. "Hi Tanya!". "Hi!", kumaway rin ako sa kanya. Nag-hello rin siya kay Mama at pagkatapos ay umalis na kami. 

”Hay, ba’t kasi umalis yang si Misty ng biglaan”, sabi niya.

”Bakit nga ba kasi? Hindi ko siya nakausap ng maayos kahapon” sabi ko. 

”Tanungin nalang natin sa airport”, ngumiti siya. Tinuturuan na ni Lea ang kanyang driver. Pinagmamadali niya ito. Parehas siguro kami ng nararamdaman ngayon. 

Biglaan naman kasi. Dahil wala man lang siyang pasabi sa amin. Kahapon, hindi ko sila naka-usap ng maayos pagkatapos nong sa meeting namin ni Rhassel at Rafael dahil bigla na akong nawala sa sarili ko. Ito na pala ang mangyayari. 

Tumigil na ang kotse. Nandito na kami sa airport. At dahil magaling si Lea at may connections siya sa airport na ito, pinapasok pa rin kami ng mga guards kahit wala naman kaming flight. Nandon pa si Misty malapit sa labasan. Tinawag namin siya at tumakbo papalapit sa kanya. 

“Misty!", sigaw ko. 

“Tanya”, sabi niya. 

Niyakap namin siyang dalawa ni Lea. Naririnig ko yung mga mahihina niyang tawa. 

“Bakit ka ba kasi aalis?” tanong ko. Para akong batang nakayakap sa kanya. 

"May kailangan lang akong ayusin. Babalik naman ako e”, sabi ni Misty..

“Mamimiss kita friend!!!”, naiiyak na sabi ni Lea pero tinatago lang niya sa pagtawa. 

Ang saya talaga pag kami ang magkakasama. Kaso lang, aalis si Misty. Pero, sabi naman niya babalik siya. Siguro magiging masaya na ulit kami pag nandito na siya. 

”Oh sige na. kailangan ko pang habulin ang flight ko”, bumitaw na siya na ngumiti sa amin. 

Kailangang-kailangan ko siya lalo na sa panahong ito. Yung makakausap ko talaga ng heart-to-heart dahil alam kong hindi niya yon ipagsasabi sa iba. Parang katulad lang nung first year ako. Nalulungkot talaga ako sa pag-alis niya. 

”Bye. Ingat ka Misty”, sabi namin.

Naglalakad na si Misty palayo. Naiisip ko ang mga susunod na araw na magiging mas mahirap. Ang sakit na nga sa ulo, dagdag pa ito--Ano na kayang mangyayari sa akin. 

Umuwi na agad kami ni Lea, buti nalang at hindi na niya tinanong ang tungkol kay Rhassel. Siguro mas dominant ang sadness namin dahil hindi namin kasama si Misty. Hinatid na ako ni Lea sa bahay. Nagstay siya ng sandali, tapos umalis na dahil may pupuntahan pa daw sila. Ngumiti siya at umalis na. 

Pag-alis niya, hindi ko nanaman maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano. Nag-ring nanaman ang phone ko sa gitna ng aking daydreams. Akala ko si Lea ang tumatawag pero iba ang number. Unrecognized number. 

Hoy babae--may pag-uusapan tayo sa Monday, abangan mo ko after class sa may Park.

Mukhang pati ang cellphone ko hindi na patatahimikin ng dalawang ito. 

Ano ba kasi itong pinasok mo Tanya. 

Mag-uumpisa na talaga ang kalbaryo ko sa umpisang-umpisa ng linggo. Sana naman makaya ko ito. 

(Good. Nasend na rin sa kanya--Makaganti man lang) 

--

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon