Chapter 48-End

153 2 0
                                    

Sa lahat ng mga taong bumasa sa storyang ito !! Maraming salamat sa inyong lahat!! Hindi ko akalain na aabot ng ganito ang writing experience ko sa wattpad. After months of being inactive-active--This fairytale comes to a happy end. 

So, here it is 

Chapter 47-End

Tanya's POV

Hindi mo talaga aasahan ang pagdating ng mga bagay-bagay. Paminsan nag-uumpisa ito sa isang pagkakamali, sa isang sitwasyon na akala mo ay hindi maganda--Pero sa huli, ito pala ang magiging simula ng mas maganda pang nangyayari. 

Hindi ko akalain na ganito mag-uumpisa ang fairytale ko. Isang pangarap na hindi ko alam na matutuloy, dahil akala ko noon ay hindi ko maabot. Sa sobrang daming dumating na challenges nong magkasama kaming dalawa. Akala ko dahilan na yon para tapusin na namin ang lahat, Pero, ito pala ang nagpatibay sa min. At ngayon siguro naman wala ng makakapaghiwalay samin. 

Rhassel's POV

May isang taong darating sa buhay mo na makakapagpabago ng lahat. Isang tao na biglang gugulo ng mundo mo. Isang taong akala mong wala lang, pero sa huli--siya pala ang magiging lahat para sayo. Isang babaeng naging kapapansin-pansin na para sakin, ang babaeng nagsulat sakin ng napakagandang tula, babaeng nakapagkamalan akong bading, babaeng minahal pa rin ako hanggang sa huli. Napakasaya. Kahit sa tingin ko, hindi ako deserving para sa babaeng ito, minahal niya ako ng buong-buo kaya naman gagawin ko ang lahat, para maramdaman niya ang kasiyahan at love na deserve siya. 

Rhassel and Tanya

"Mahal kita"

"Ang ganda ng mga stars no", nandito kami sa veranda. Naramdaman ko ang braso niyang nakayakap sa kin. "Oo nga, parang ikaw", hinigpitan niya ang yakap niya. I can't see his face because he's hugging me from the back, but I know he's happy, cause I am too. 

Ngumiti ako at nagsabi, "Naalala mo ba marami ding stars nong bigla mo kong pinarecite sakin yung sinulat ko" Narinig ko siyang nagchuckle at hinarap niya ako sa kanya. "Oo nga no. Baby..." tinignan niya ako ng mabuti, his eyes that could touch the soul, his old fearful eyes are gone, and now replaced with loving and heartwarming gazes. 

"Pwede mo bang irecite sakin ulit yon"

I smiled nong sinabi niya sakin yon dahil gusto ko rin namang sabihin yon sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na parang binabalikan namin ang simula, pero ang pagkakaiba mas matibay na kami ngayon. At sa katapusan ng journey na ito...gusto kong sabihin ulit ito sa kanya

"The door opens and I see you

Standing there a person I never knew

Until he knocks in my heart.."

Hinawakan niya ang pisngi ko at patuloy pa ring nakatitig sakin. Tinignan ko rin siya at ngumiti. He is like a mirror reflecting what I have, and like a reflection, he repeated the last lines with me

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon