Chapter 19: "Hindi mo masagot no?"

8.9K 207 18
                                    

 Chapter 19

"Syempre kasi... importante ka sa'kin." IMPORTANTE DAW AKO SA KANYA!!!! Napangiti ako ng malaki dun. 

"Kasi kaibigan kita at baka mamaya, maloko ka na naman nun." Nawala bigla 'yung ngiti ko.

KAIBIGAN? Sinamaan ko ng tingin si Kyle. Nainis ako bigla sa kanya, ewan ko ba. Okay na sana eh. Okay na sana talaga, nasira pa!

"Oh, bakit ganyan 'yung tingin mo sa'kin?" Walang kamuwang muwang na sabi niya.

KAIBIGAN?

"Ewan ko sa'yo!"  Tumalikod ako at naglakad palayo. Makabalik na nga lang sa kwarto ni Papa! Nakakainis talaga!

Kaibigan? Seryoso? Dahil lang doon?

"KS!" Ay leshe, ayan na naman 'yung kaka-KS niya!

Teka nga lang? Bakit ba ko naiinis ng ganito? Eh magkaibigan naman talaga kami ni Kyle.

"Saglit."

"Ano?!" Mataray kong sagot kay Kyle.

"Bakit ka sumisigaw?" ABA'Y EWAN KO NGA RIN. Tinatanong ko rin 'yan sa sarili ko eh!

"Di ba, aalis ka na? Next time ka na lang dumalaw kay Papa. Bye!" Inirapan ko siya at iniwan ko siyang naguguluhan dun.

* * *

Tanya Garcia: Oh, eh bakit ka nagagalit? Ano namang mali sa sinabi nung tao? Eh ateng, FRIENDS naman talaga kayo!

Kausap ko ngayon sa Facebook si Tanya. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kay Papa at yung ginawa para sa'kin ni Kyle hanggang sa usapan namin kanina. Buti na lang may wifi dito sa hospital at hindi ako maiinip habang binabantayan si Papa. Biglang nagtawanan sina Kuya Cedric, Kuya Rod, Papa, at Andrew. Nag-uusap kasi silang apat tungkol sa basketball. 'Yung laban dapat ng Gilas at NBA players na hindi natuloy. OO, YUNG WALANGYANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NILOKO NI ANDREW. BASKETBALL.

Kaya lumayo-layo ako sa kanila at umupo ako mag-isa sa tabi nung bintana. Baka mamaya hindi aok makapagpigil at masapak ko bigla si Andrew eh. Panay yung tingin niya sa'kin. Pakiramdam ko gusto niya kong lapitan at kausapin kaso hindi siya makawala sa pamilya ko.

Speaking of Tanya. Ayan, Tanya Garcia yung pangalan niya sa facebook. Feel na feel kasi niya na kapangalan niya yung artistang si Tanya Garcia. Pero dalawa 'yung account niya. Yung isa, Nathaniel Garcia yung pangalan. Yun yung account na alam ng pamilya nila. Hindi nila alam, may alter-ego si Tanya kung san niya pinoposts yung mga crush niyang gwapo at macho.  Nako, lagot talaga 'to pag nabuko ng Papa niya. Kung bakit kasi hindi pa umamin ngayon pa  lang eh.

George Abigail Mendoza: Hindi ako nagagalit, okay?

Tanya Garcia: Charing. Hindi daw. Nakers.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon