Chapter 22 The Act

10.5K 177 2
                                    

Chapter 22 The Act


***DANNICA POV***

KOMPLETO sana kami. Si Zyle na lang ang kulang. Sayang nga at wala siya. Libre pa naman ang lahat. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Nagsesente parin ako.


Alam niyo ang ganitong pakiramdam? First time akong na-inlove sa isang tao tapos may iba na pala siyang mahal. Ang unfair ng life. Kung sino pa ang mahal mo sila pa ang hindi mapupunta sa iyo. Hindi patas ang pag-ibig. Brutal.


"Dannica, kanina pa kita napapansin. Bakit ang tamlay mo yata?" ani Micah sa pagitan ng pagkain.


"Malay mo nasesanti." Suhesyon ni Jhuvel. Pinandilatan ko na lang siya. Ako na naman itong nakita niya. "Kalma lang. Peace tayong dalawa." ^__^v


"Tss!" +__+


Wala ako sa mood para makipagbiruan sa abnormal na ito. Lalo na ang nangyari kanina. Ang ganda ng pagkakausap nila ni Cloud. Parang super close lang sila.


Hmmm... Sa tingin ko si Jhuvel ang tinutukoy ni Cloud na gusto niya. Pero paano naman ang kaibigan kong ito? Sana naman ay magustuhan niya din si Cloud.


Teka... Kailan pa ako nag-isip ng ganitong nakakadiring bagay? Parang hindi na nga ako nandidiri kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang laking impluwensiya ni Boss sa puso ko. Hindi ko na nga pala siya Boss kasi nga mag-re-resign na ako.


Aish! Sa tuwing iisipin ko siya, nakakaramdam ako ng lungkot at pighati! >__<


"Hindi ba si Zyle ang kararating lang na babae?" ani Rowie.


Napatingin ako sa pinto. Tama nga siya. Si Zyle nga ang nandoon. Paano siya napunta doon? Tinawagan din siguro. Hindi naman pwedeng mawala ang manlilibre! =__=


Ako na ang kumaway sa kanya. Gulat nga ang iba sa ginawa ko. Kung makatingin sila parang nagmimilagro ako. Tss!


"What?" +__+


"May lagnat ka?"


"Ilang degress?"


"Ipa-ospital na kita Dannica."


I glare at them. Wala ako sa mood para makipag-biruan. Sobrang bad trip ako. Sana naman ay mahalata ng mga lukaret na ito dahil kung hindi, baka ipaanod ko sila sa tubig baha oras na biruin pa nila ako.


+___+


Nagsitahimik din naman sila. At si Zyle naman ay lumapit sa amin.


"Bakit ka nandito?" Salubong na tanong ni Jheff sa kararating lang na si Zyle. "Hindi ba nasa bahay ka ni..." Hindi na niya natapos ang balak niyang sabihin dahil tinakpan na nito ang bibig niya. Umiling ito na tila sinesenyasan si Jheff na tumahimik.

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon