Chapter 2 My New Boss

18.7K 294 10
                                    

Chapter 2 My New Boss


***DANNICA POV***

"WHAT?! Bakit mo naman ako ililipat? Did I done something wrong? Maganda naman ang performance ko a!" Parang uminit yata ang bumbungan ko sa sinabi sa akin ng boss ko.


Ililipat niya raw ako sa ibang kompanya. I'm so confuse. Wala naman akong maalala na mayroon akong maling nagawa. Palagi akong sumusunod sa utos. I always do my job nang walang angal kahit na napakasobrang hirap ng pinapagawa sa akin.


Kalalabas ko pa nga lang sa Ospital tapos ito pa ang bubulaga sa akin? Sunud-sunod na yata ang kamalasang aabutin ko! >__<


"Dannica, it was sudden. You've done very well. Sa totoo lang, ikaw ang pinakamagaling kong empleyado." Paliwanag ni Jonicel, ang boss ko. Twenty five na siya. Sa murang edad ay nakitaan na siya ng potential when it comes to work. Bilang nag-iisang anak ng mga Jacinto, kailangan niyang pamunuan ang kompanya ng mga magulang niya.


Open kami sa isa't isa. Lahat ng sekreto niya ay alam ko. Ganun din siya sa akin. Kaya nga first name base ang tawagan naming dalawa.


"E, iyon naman pala. Magaling ako. Sa iyo na yan nanggaling kaya bakit mo pa ako ililipat?!" >__<


Ganoon na lang ang pagtutol ko dahil bihira na akong makakakita ng babaeng nag-ma-manage ng sariling kompanya.


Ayaw ko sa mga lalaking Boss. Umiinit kasi ang dugo ko sa kanila. Lalo na kung mahangin at mayabang ito. At isa pa, masama pa sila kung magalit. Baka hindi ako makapagpigil at masuntok ko pa sila.


"I choose you because I know that you are the best among the rest of my employees. My father's friend needs a new secretary."


"But Jonicel... Ayokong ilipat mo ako! Hindi ko siya gaanong kilala at..."


"Mas mataas ang sahod mo doon." Putol niya sa sinasabi ko.


"I don't care about the salary! I want to stay here!" I insisted.


"No more buts Dannica, my decision is final. Even the board agreed na ikaw ang ililipat namin. Kaya pasensiya na. Bukas na bukas din, ihanda mo na ang iyong sarili sa bago mong Boss." Pormal na sabi niya.


I can't believe that this is happening! >__<


Padabog na lumabas ako ng opisina. Sa pinto ko ibinunton ang frustration ko. Isinara ko iyon ng buong lakas. Para ngang magigiba ito. Tsk! Pake ko naman! +__+


"Bwesit!" angil ko. Halos nakuha ko ang atensiyon ng lahat. Isinara ko kasi ng pabalang ang pinto. "O? anong tinitingin-tingin ninyo, ha?!" asik ko sa mga napapadaang employee. Nag-iwas lang sila ng paningin kasabay ng pag-iling.

*******************


***DANNICA POV***

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon