Chapter 31 Hahanapin Kita

8.5K 145 2
                                    

Chapter 31 Hahanapin Kita


***DANNICA POV***

GUSTO kong batukan ang kaibigan kong si Zyle, matapos niyang ipaliwanag ang buong katotohanan sa akin. Nagselos lang ako sa wala. Pati yung pag-iyak ko. Useless lang. Basta over all. SAYANG talaga. Sarap talaga niyang batukan. =__=


Kinalma ko ang sarili. Kailangan ko siyang intindihin. Para sa akin din naman itong ginagawa niya. You know... Aish!


"Uwaaaah! Sorry na talaga Dannica... Sorry na!" Wika ni Zyle sa pagitan ng pag-iyak. Panay din ang pagpunas niya sa pasaway niyang luha.


Isip bata! Tss! =__=


Ito ba talaga ang ugali niya? Sa pagkakaalala ko ay mas matanda siya sa akin ng isang taon. Tsk! When it comes to PAG-UUGALI. Magkatulad lang sila ni Cloud. Ang sarap nilang pag-untugin.


"Ayan tuloy ang napala mo. Huwag mo ng uulitin." Alo ni Cloud kay Zyle. Panay ang himas niya sa likod ng huli.


"Hindi na talaga..." T__T


Tss! =__=


"Kumain muna kayo."


Kapwa kami napalingong tatlo sa nagsalitang matanda. May dala siyang tray ng pagkain at juice. Pagkalapag niya nun ay ngumiti siya sa amin. Umalis din naman siya pagkatapos.


Tss! =__=


Si John Cloud, kay mama nagmana iyon. Samantalang ako ay kay.... Ahemmm... Doon sa matanda. =__=


Tumayo ako at bahagyang sumilip sa labas. Umuulan na pala. Bumalik ako sa pagkakaupo at kumuha ng pagkain. Pabagu-bago ang mood ng panahon. Kanina maaraw, ngayon naman ay maulan na. Pati ang weather ay may PMS na.


Tss! =__=


"Dannica..."


Nasa kalagitnaan na ako ng pagnguya nang marinig kong magsalita si Zyle. Ang bilis nga niyang maka-recover. Nakangiti siya ngayon habang kumakain ng cookies.


"O?" =__=


Ang mukha niya ay bahagyang sumeryoso. Kumuha ulit siya ng cookies, hindi isa kundi tatlo na.


Takot maubusan?! =__=


"Are you still mad at Kent?"


Saglit akong natahimik. Hindi ko kayang sagutin ang tinatanong niya sa akin. Kumuha na lang ako ng cookies at nginatngat iyon.


"Aish... May ipagtatapat ako sa iyo." Aniya, mataman akong tinitigan. "Ang totoo kasi niyan ay alam ko kung sino ang nagligtas before ng buhay mo."

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora