Chapter 3 Confuse?

15.8K 243 7
                                    

Chapter 3 Confuse?


***DANNICA POV***

"AHHHHHHHH!" Kanina pa ako nagsisisigaw dito sa loob ng room ko. Hindi ko mapigilan ang sarili na gawin ito. I lost my first kiss! And it's all my fault! Ang tanga ko! Sobrang tanga ko! Kung hindi lang sana ako lumingon, e di sana....


I save my first kiss. Walang sinuman ang dapat na makaalam nito. No one! As in WALA! *__*


Bumangon ako at bumaba ng silid ko. Kailangan ko ng pampakalma. Bago ko nga pala makalimutan, up and down itong bahay ko. Ako na lang ang nakatira rito. Ang lungkot nga e. Kung nagtataka kayo kung bakit? Nasa States si Mom. Doon muna siya. Kailangan niya doong magpahinga.


I don't want her to be here. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Nasasaktan kasi ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak nang dahil sa lalaking nang-iwan sa amin noon.


I sigh.


Nang nasa kusina na ako. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng pitsel ng tubig. Uhaw ako. Hirap akong makatulog. Every time I close my eyes naaalala ko ang mga nangyari kanina.


Argh! +__+


Isinalin ko na lang ang tubig sa baso ko, tapos binalak itong inumin. Alangan namang ipaligo ko? Ano ako? Nasisiraan na ng bait?!


Nang nasa kalagitnaan na ako ng pag-inom. Bigla na lang may nagsisulputang dalawang nilalang sa harap ko. Ikinalaki iyon ng mga mata ko.


O__o


>__<


Sumulpot sa mismong harap ko ang mga nangyari matapos tumama ang labi namin ni Boss. Pareho kaming gulat. Tapos nang makabawi ay pinaalis niya ako kaagad! As in KAAGAD! +__+


Binitiwan ko ang baso at marahang dinama ang labi kong nadungisan kanina lang.


DUG DUG


DUG DUG


Ano ba itong naririnig ko? Sakit sa tainga!


Tumakbo ako papunta sa silid ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Naaalala ko na naman ang kapalpakan ko.


Tama na! Memory! Get lost! >__<


Bakit ganoon?... Bakit wala lang sa kanya?... Tapos sa akin big deal?! >__<


Sa kawalan ng maisip ay binato ko ang unan. Hinablot ko na lang ang phone ko na kasalukuyang nasa bed ko lang. Tiningnan ko kung may text. Umilaw ng husto ang mga mata ko nang makita ko na meron nga. Hindi ako mahilig makipag-textmate. Kalokohan lang 'yan. Wala akong mapapala. Itong text na hinihintay ko. It's about my work.

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Where stories live. Discover now