Chapter 26 Reality

7.5K 146 2
                                    

Chapter 26 Reality


***KELVIN POV***

INISANG lagok ko ang in-order kong inumin. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong lunurin ang sarili sa alak. Because of me, Dannica suffered. It's all because of me!


Muli akong umorder ng panibago. Kasabay ng paglagok ko ng alak, naalala ko ang mga nangyari kanina.


(I love you. That's the reason why I don't like you... Like is different from love...)


Padarag na ibinaba ko ang hawak kong baso. Wala sa sariling tinitigan ko iyon. Ewan ko ba, mukha ni Dannica ang nakikita ko. Iba't ibang emosyon. Lalong-lano na sa lahat ang pagngiti niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti rin.


I really love her!


(I can't love you... We can't be together...)


Na-freeze ang ngiti ko nang biglang lumitaw sa balintanaw ko ang luhaan niyang mukha lalo na ang mga sinabi niya kanina.


(I guess we have to... end our relationship.)


No!


(I can't love you...)


I don't want to hear it anymore!


(We can't be together...)


"Darn!" Buong lakas kong hinampas ang hawak kong baso, nabasag iyon. Napangiti ako ng mapakla nang makita ko ang ilang pulang likidong lumalabas mula sa nagkasugat-sugat kong palad.


Tss! I don't care if I get hurt physically! Because inside me, it's more painful!


I remember again what we talk a while ago.

******************


***FLASHBACK***

***KELVIN POV***

"SAAN niyo sisimulan?" Hindi ko mapigilan na itanong ito sa kanila. We're on a private room. Kompleto kami. Si Dad, Cloud at yung lalaking tinawag ni Dannica na ama niya.


Muli akong nakaramdam ng sakit matapos mabanggit sa utak ang pangalan ng babaeng mahal ko. Kanina, nagtapatan kami ng nararamdaman namin para sa isa't isa. Matapos ang ilang sandali, natapos ang lahat nang dahil sa ama ko at sa ama niya.


"Ako na ang magsisimula." Napatitig ako kay Dad, halos lahat kami ay napatingin sa kanya. "Sixteen years ago, tayong dalawa Kelvin ay magkasama sa kotse. Pinilit mo ako na bilhan ng bagong laruan ang pinsan mong babae dahil sa hindi ka nakadalo sa birthday niya."

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Where stories live. Discover now