Chapter 28 They Got Engage?

7.8K 144 4
                                    

Chapter 28 They Got Engage?


***DANNICA POV***

HINDI ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko rin magawang magsalita. Sobrang blangko ang mukha ko. Walang kahit na anong emosyon mababakas rito.


"Danny..." He takes a deep breath. Seryoso din siya, hindi gaya noon na smiling face. Ito ang ikalawang beses na nakita ko siya sa ganitong ayos. Napakaseryoso niya. "Do you... do you still remember me?"


Hindi ako makasagot. Aish! Ano ang tingin nito sa akin? May amnesia? Natumba lang ako kanina. Hindi pa naman nabagok ang ulo ko!


Sa mga nagtataka, nandito kami ngayon sa Ospital, kasi sinugod namin si Kelvin. Ayokong tawagin pa siyang Boss. I'm not his secretary anymore.


Pumayag ako na makipag-usap kay Cloud. Nahihiwagaan kasi ako sa mga iniaasal niya. Panay ang tawag niya sa akin ng DANNY. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako at sa sobrang gulo. Speechless ako ngayon.


"Aish..." Nilapitan niya ako. "Bakit hindi ka makapagsalita? Don't you remember me?"


"You are John Cloud Ortiga." Walang gatol kong sagot. Wala naman akong memory gap. Siya naman talaga si John Cloud Ortiga. Tama naman ako di ba?


"Danny!" Nasa tono niya ang pagtutol.


"Bakit ba Danny ka ng Danny? Ano ba ang problema mo ha? Kanina ka pa!" Naiirita na ako sa kaka-Danny niya. Tsk! +__+


"Danny... Ako ito..." aniya, sabay turo sa sarili. "I'm your..."


"You're one of my enemies." Putol ko sa nais niyang sabihin. "Nothing more, nothing less. Isa ka sa mga taong dapat kong kamuhian. Ang pamilya mo, sila ang pumatay sa kapatid ko!"


"It's not true!" tutol niya.


I crossed my arms. "Ano ba talaga ang dahilan mo? Bakit gusto mo akong makausap? Para saan?... Para humingi ng tawad?" Bahaw akong tumawa. "Kahit na magmakaawa ka pa, kagaya ng kuya mo... Hindi ko kayo patatawarin. Hinding-hindi!" Galit ako sa kanila. Lalong-lalo na sa pamilya niya.


Lumapit ulit siya sa akin. Tinitigan ko lang siya ng masama. Ayoko sa kanya ngunit may isang parte ng pagkatao ko ang nagsasabi na huwag na akong magalit pa. Gustuhin ko man ang magpatawad ngunit nananaig parin ang galit dito sa loob ko.


Sobrang lapit na niya. Ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Muli siyang lumapit hanggang sa magkaharap na kami.


Sa mga mata ko, naroon ang hinanakit. Habang siya naman... tila ba, nababalot iyon ng kalungkutan. Ano naman ang dapat niyang ikalungkot? Wala naman di ba? Wala talaga.


Iniwas ko ang mga mata sa kanya. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko siya na ganyan. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Natitiyak kong iba ang nararamdaman kong ito sa kanya. Magkaiba, ibang-iba sa nararamdaman ko kay Kelvin.

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Where stories live. Discover now