Chapter 27 Marry Me

8.3K 150 2
                                    

Chapter 27 Marry Me


****DANNICA POV***

"KUNG pinapunta mo lang kami dito para marinig lang ang iyak mo. Sana naman ay nagpaalam ka naman sa amin. Nagdala sana ako ng sound system para dinig ng madlang people ang voice mo." Pahinamad na wika ni Zyle habang kagat ang pirasong pizza.


"Aish, kanina ka pang ganyan. Wala ka bang balak magsalita?" tanong ni Jhoey, na walang ibang ginawa kundi ang makikain ng pizza.


Mga patay gutom talaga! Aish! Ang sama ko ng kaibigan!


Sa halip na sagutin si Jhoey, inabot ko na lang ang kalapit na alak at tinungga iyon. Narinig ko silang nagbabangayan habang nasa pagitan pa ako ng pag-inom.


"Stop her Zyle, she's killing herself!" >__<


"Nope." =__=


"Why?" (?__?)?


"Hindi siya tatamaan niyan. Mahina ang alcohol ng binili kong inumin."


Pagkatapos kong maubos ang isang bote ay padaskol na inilapag ko iyon.


"Dannica..."


Nilingon ko ang kasasalita lang. It's Zyle. Nilapitan niya ako at dinama ang pisngi ko.


"Ano ba talaga ang dahilan?" marahan lang ang pagkakasabi niya.


Iniwas ko lang ang paningin ko sa kanya. Hindi ako kumibo. Nahihiya akong ipagtapat sa kanya ang totoo. Lalo pa't magkababata sila ni Kelvin. Kaso, sobrang hirap na itago ko na lang itong sakit sa loob ko. Kapag tatahimik lang ako mas lalo akong nahihirapan. Mas lalo akong naguguluhan.


"Sabihin mo nga... Paano ba ang magpatawad? Paano ba kakalimutan ang isang bangungot na pilit kong tinatakasan? Paano ko siya mapapatawad?" Sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa kanya. Napasinghot na rin ako. Parang may tutulo sa ilong ko na wala naman.


Uhog attack?! T__T


Bumitaw siya sa pagkakahawak ng pisngi ko at inilapag iyon. Nakaupo lang kaming tatlo sa sahig. Sa lapad nitong bahay ko, mahirap kung sa mesa. Hindi ako makahiga. Kaming tatlo lang pala ang naririto. Busy kasi ang iba at hindi ko pinaalam. Mahirap ng mabatukan.


"Kung gusto mo talagang kalimutan, e di huwag mong isipin. Sa tuwing iniisip mo ang bagay na hindi mo gustong maalala, tiyak na maaalala mo kung iisipin mo."


Inismiran ko siya. Nagsilbe na kayang bangungot sa akin ang lahat! Bobo nito! =__=


"And one more thing...." she continued. "Inuuna mo kasi ang galit diyan sa puso mo kaya napakahirap para sayo ang magpatawad."


BLS#3: My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon