Chapter 1 SIMULA

29.2K 320 12
                                    

***DANNICA POV***

"OH my... my... my..." Bulalas ng kaibigan kong si Jhoey habang nakataas ang isang kilay. Hindi niya inaalis ang nang-uusig niyang mga mata sa akin.

"Will you please stop saying my, my, my dahil nakakairita na!" Inis kong sabi. Napupundi na ang magkabila kong tainga sa boses niya. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nauwi na naman ako sa Ospital. I have hemophobia, a huge fear of blood. I faint every time I saw a single drop of blood. Even if it's the only thing that makes human alive, I can't help myself but to hate it.

I get this disorder after experiencing the most traumatic event in my childhood. An unbearable pain engulfed my heart as I remembered the past. How I wish I could forget everything that happened. Nagsilbi na itong bangungot sa buhay ko.

"Anyare Dannica? Bakit lagi ka na lang napupunta sa lugar na ito?" Nakangising binalingan ako ni Annie.

"Just shut up Analine Abelarde!" Tawag ko sa buo niyang pangalan. Kanina pa ako napipikon sa pangiti-ngiti ng mga sira-ulo kong kaibigan. Mga ang ginamit ko sapagkat walong abnormal na babae ang dumalaw sa akin ngayong araw. Dapat hinayaan na lang nila akong humilata hanggang sa makabawi ng lakas, hindi itong bibigyan ako ng kunsumisyon.

"It's Annie my dear Dannica Diane Dianse, just call me Annie." She did the same thing. She calls me by my whole name too.

Bago ko nga pala makalimutan, puro mahahaba ang pangalan naming siyam. Tatlo lang sa amin ang nagtataglay ng isang pangalan, habang ang natitira ay tig-dalawa. Kaya naman sa palayaw na lang kami nagtatawagan.

"No need to ask," ani Zyle habang nakatingin sa mahaba niyang kuko.

"Why insan?" Painosenteng tanong ni Micah sa pinsan niyang si Zyle.

"Is there another reason why Dannica is here? In our lovely house?" Sarkastikong inilahad ni Annie ang mga palad sa paligid.

Nag-isang guhit ang mga kilay ko sa katagang binanggit ni Annie. It's not lovely after all. I hate this place, it reminds me of the saddest memory that I want to forget.

"There are two reasons why she's here." Buong ngiting hinarap ako ni Jhuvel. She's a half-Filipino and half-Japanese. "It could be-"

"Oh just shut up!" Nanlulumong inihilamos ko ang isang kamay sa mukha ko.

"E, ano nga ba Dannica?" Pa-inosenteng tanong ni Jhude.

"Wala doon sa dalawa. Nabilaukan iyan nang dahil sa pagkain kaya isinugod bigla sa Ospital."

"Mukha ba akong nabilaukan? Ha? Jhuvel?!" Ang sarap nilang batukan. Puro na lamang ka-abnormalan ang nilalaman ng kanilang mga utak.

"Medyo," Jhuvel winks at me.

"Sira!"

"Nope. Correction, walang-hiya." Pagtatama ni Zyle, sabay lingon kay Jhuvel.

Pahinamad na sinulyapan ko ang nakangiting si Jhuvel. Masyadong malapad ang pagkakangiti ng bruha. Tila ba inamin niya na wala talaga siyang hiya.

"I am proud of it."

Hindi makapaniwalang tinapunan ko siya masamang tingin. Bakit ba ako biniyayaan ng mga abnormal na kaibigan? Sakit sa bangs!

"Hey, why are you staring at me like that? Don't tell me..." Eksaheradong suminghap si Jhuvel. "Mag-ta-transform ka na? Aba, hindi kita masisisi, sa ganda ko ba namang ito. Kahit sino nagbibiglang liko."

I rolled my eyes. Spell mahangin!

"Ambisyosa! Kapal ng apogs mo girl. Di hamak na mas maganda ako sayo." Singit ni Annie sa kababata niya.

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant