Chapter 30

91.5K 1.7K 414
                                    





Lumipas ang apat na taon na walang James sa aking buhay. Mahirap man para sa akin dahil nakadepende ako sa kanya dahil palagi kaming magkasama simula palang noong bata pa lamang kami. Ilang buwan ko rin itong iniyakan dahil sa tuwing naalala ko siya ay ang pighati ang aking nararamdaman.

Mahirap man para sa akin pero pinilit kong bumangod. Ipinagpatuloy ko ang pagaaral ko ng kolehiyo sa kursong Psychology at matapos ng isa at kalahating taon ay graduate na ko. Grabe ang aking pinagdaanan sa probinsya, matapos ang ilang buwan ng makapunta ako rito agad akong naghanap ng trabaho para naman hindi na ako maging pabigat sa pamilya ng Khong lalo na't pinapaaral lang ako ni Tita. Oo, inaamin kong namimiss ko na si James. Wala naman atang araw na hindi ko siya na-miss. Araw araw at gabi gabi ko siyang iniisip, iniisip ko kung kamusta na siya at kung anong ginagawa niya. Mga ganoong bagay, minsan iniisip ko rin kung may pamilya na ba siya kay Cherry. Dahil simula ng lumisan ako wala na akong naging koneksyon sa kanila. Tanging si Tita Delia na naglalagay lang ng pera sa bank account ko. Pero simula ng grumaduate ako unti-unti kong sinusuklian lahat ng kabutihan ng kanilang ginawa sa akin.

Sa mahabang panahon na walang James, never ko nang inopen ang aking Facebook. Kaya ngayon, susubukan ko nang buksan muli iyun.

Pagka-open ko nang aking facebook. Nagulat ako ng 2789 messages ang aking natanggap kay James pati narin kay Lance na ngayon ay kakagraduate lang sa pagiging Doctor. Kaya nga natutuwa ako lalo na't makita ko ang post niya nakakagraduate lang niya last year. Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko pa ba ito o hindi na, I didn't open his message at hinayaan nalang iyun and I logout it.

Siya nga pala nasa maynila na ako, napagdesisyunan kong bumalik rito dahil sa walang magandang trabaho sa akin roon. Paano nalang ako makakaipon kung aasa ako sa provincial rate, diba?

Kaya ngayon ay nakapila ako rito sa JS Empire kung saan hiring sila ng HR. Mukhang mataas magbigay ng sweldo ang may ari nito dahil sa labas palang kitang-kita mo na kaagad ang malaking gusali nito. Sabayan pa ng mga professional na trabahador.

"Ms. Aerin, Ms. Joe, Mr. Kei..." at tinawag pa niya ang iba pang pangalan. Nagulat pa nga ako nang tawagin niya ako. Kaya naman sabay-sabay kaming tumayo kay Kuya na sa tingin ko ay assistant ng may ari na ito. Ngiti pa lang nito mapapansin mo kaagad ang mahilig ito sa babae.

Napatingin ako sa aking paligid, ang dami rin palang magaapply. Wish ko lang talaga na makapasa ako. Basta wag lang talaga akong kabahan.

"Follow me for your individual interview." Dagdag pa nito. Kanina kasi hindi individual ang interview namin kaya hindi nakakaba pero ngayon, kabang-kaba na ako. Sumunod naman kaming lima sa kanya. Napansin kong nagtungo kami sa may 20th floor. At eto naman ako ngayong sobrang nakakaba. Sino kaya ang magiinterview sa amin?

Nang makarating kami sa may 20th floor mapapansin mo ka agad ang malaking pintuan kung saan may nakasulat na President of JS Empire pero wala namang pangalan kaya naman nagtaka agad ako. Sa totoo lang ni research ko itong company na ito at batang-bata pa ang mayari nito ang kaso wala naman pangalan at ibang information pero na-sweetan ako nang malaman kong dinedicate niya ito sa babaeng mahal na mahal niya.

Nagsimula nang tawagin ng Assistant niya ang mga kasama ko at nasaktuhan pa ang pang huli. Nako sigurodo akong mababagot na yung mayari kapag inenterview ako dahil sa palagi namang ganon kapag paglast kang tatawagin eh.

"Ms. Aerin. You're next." Tawag sa akin ng lalaking ito habang binigyan ako ng mga nakakalokong ngiti na pinangtaasan ko nang balahibo.

Kinakabahan akong pumasok sa loob ng malaking pituan na ito. Hindi ko alam pero halo-halo ang emosyon ko ngayon. Masaya na may pagkakaba at takot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon