Chapter 16

45K 800 90
                                    




"What the fuck are you doing in here?" Mahinang tanong niya sa akin mula sa aking kanan. Kahit ako hindi ako makapaniwala na nandito siya ang pagkakaalam ko kasi business event ang pupuntahan niya.

"Inaya kasi ako ni Cherry, hindi ko naman alam na dito ka rin pupunta." Mahina kong bulong sa kanya. Kasalukuyan kasi kaming nasa malaking table kasama ang pamilya ni James at pamilya ni Cherry habang kumakain kami.

"So, I welcomed you here for the partnership of our family, the bond that we will make." Anya ng lalaki sa may dulo ng lamesa na sa tingin ko ay tatay ni Cherry. Napatingin ako sa harapan ko kung saan si Alex at Cherry ay nasa harapan ko.

Nakita ko naman ang tatay ni James na nakangiti habang natango sa lalaki kanina na nagsasalita.

"I would like to acknowledge the Khong Family for coming here. Thank you." Anya ng mama ni Cherry, hindi pa rin siya tumatanda still pretty pa rin.

"It's our pleasure to be here." Saad naman ni Tita Delia. Si Janna naman tahimik lang na kumakain sa kaliwa ko.

"The reason why we gathered around is because we wanted our business to be strong and unbreakable." Ang papa parin ni Cherry. Tahimik lang kaming naghihintay sa sasabihin ng papa ni Cherry dahil sa medyo pabitin siya "The only thing to be THAT, is when Cherry married Ja---"

"NO!" Padabog na anya ni James at may pagpalo pa sa lamesa. Hindi ko maintindihan kung bakit grabe si James kung makapagreact. Halos lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. "I am sorry, dad. But I will not accept that." Dagdag pa niya.

"James, let me talk to you first." Mahinahon na anya ng papa ni James sa kanya. Mukhang magkakaroon ng malaking gulo dito ah.

"Fuck, no I will not accept that!" Galit na sabi ni James na mas lalo nagpakaba sa akin. James bakit mo ginaganyan ang tatay mo?

Hinwakan ko si James sa kanyang kamay dahilan para mapatingin ito sa akin. Natatakot din ako sa pwedeng gawin ni James.

"James, please." Anya ko rito na nagpakalma ng kanyang kumukulong dugo. Naintindihan naman niya ang aking sinabi kaya umupo ulit ito.

"I do apologize for my son's unacceptable actions." Pagpapaumanhin ng Papa ni James. "James, let me talk to you outside." Seryosong dagdag pa nito.

Tumayo si James at sinundan ang kanyang tatay. Kaya eto kami ngayon, a moment of silent.

"Ah, dad can we go now?" Tanong ni Cherry, tumango naman ang papa niya bilang sagot dahil sa tapos na rin naman kaming kumain.

Mukha kasing napatagal ang usapang magtatay. Tumayo na silang lahat at naiwan nalang akong magisa. Actually ningitian lang ako ni Tita Delia at si Janna naman sumama sa mama niya kaya ako itong magisa ngayon.

Napagdesisyunan kong tumungo muna sa may cr para makapagayos ako ng konti dahil feeling ko ang pangit ko na.  Naglalakad ako nang marinig ko ang boses ni James na galit na galit.

"I don't fucking care, I want Shaya. ONLY SHAYA!" Sigaw nito sa kanyang tatay. Nagtago ka agad ako sa isa sa mga pader para hindi nila ako makita.

"James, listen. You will marry Cherry whether you like it or not!" Sigaw na anya ng tatay niya. Napasipa si James sa isa sa mga upuan.

"No fucking way! I will never do the same mistakes that you did!" Parang nadurog ang puso ko nang marinig kong ikakasal si James kay Cherry. Parang ang mga tuhod ko ay nanghihina, alam ko naman sa umpisa palang ayaw na sakin ng papa ni James pero yung ikakasal ang taong mahal mo sa iba habang kayo pa, napakasakit.

Hindi ko napansin na tumakbo na pala ako, ayoko nang marinig ang mga susunod na pwedeng sabihin ng papa ni James na magpapadurog ng aking puso.

Wala akong ginawa kung hindi ang tumakbo ng tumakbo, ang sakit ng mga narinig ko, alam kong wala akong magagawa dahil utos na iyun ng papa ni James. Sana pala hindi nalang ako nakiusyuso edi sana hindi ko narinig ang mga bagay na yun.

"Ouch! What the fuck is wrong with you?!" Sigaw ng babaeng pamilyar sa akin, hindi ko namalayan na nabunggo ko na pala siya dahilan para matapunan ako ng red wine niyang hawak sa damit ko, nakita ko naman na medyo nabasa lang siya pero ako yung damit, sobrang daming red stain.

"Sorry---"

"What sorry?! Alam mo ba kung gaano to kamahal?!"Sigaw niya sa akin. Napayuko nalang ako sa kanya sinabi. And she is making a scene now. "Do you know this fucking bitch?" Tanong niya sa kanyang kasama ngayon ko lang napansin na si Cherry pala ang kasama niya.

"I dont even know her, maybe our MAID." Mataray na sagot ni Cherry. Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi ni Cherry. Hindi niya ako kilala? Maid? Ganyan ba talaga ang tingin niya sa kin sa simula palang. Parang naiiyak na ako.

"Hey, I'm talking to you! Dinumihan mo ang chanel dress ko!" Sigaw nito sa akin na may pagtulak sa aking balikat. Pero hindi ito ang pinagtuonan ko nang pansin, mas masakit na hindi ka na kilala ng matalik mong kaibigan. Yung mga happy memories namin bigla ko nalang naalala, bakit ganyan sa akin Cherry? Hanggang ngayon nakatingin lang ako kay Cherry na ngayon ay tuwang tuwa sa ginagawa ng kasama niya habang binubully ako. Lahat nang tao ay nakatingin na sa amin, dahil sa ang lakas na ng boses niya at nageeskandalo na ito.

Akmang bubuhusan na sana ako ng babaeng ito ng nakuha niyang wine sa napadaan na waiter nang hawakan ng braso ito ng taong mahal ko.

"Stop it. You want to die?" Binigyan ng matatalim na tingin ni James ang babaeng nambubully sa akin. Nakita ko naman ang panginginig ng mga tuhod nito nang makita niya si James, kahit si Cherry ay nagulat din.

"Ouch, bitawan mo ko." Napansin kong ang higpit na ng hawak ni James, dahil sa namimilipit na ito sa sakit. Ngayon alam ko nang galit na galit na itong si James. Pero hindi ko nagugustuhan ang mga nakikita ko, nasasaktan na kasi si Ate na nambully sa akin. Hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi nito eh, mas nasaktan ako sa sinabi ni Cherry.

"James..." hawak ko sa kanyang kaliwang kamay. "Tama na, please." Naiiyak kong anya kay James. Yung kaning naipon na mga luha ngayon nalamang ito bumagsak.

Parang natauhan si James sa kanyang ginawa at binitawan ng pagkalakas-lakas ang braso ng babaeng nambully sa akin at hinila ako nito papalayo sa maraming tao, nahagip pa nga ng mga mata ko sila Tita Delia at Janna, pero hindi na namin iyun pinansin at nagtungo sa kanyang kotse. Ipinasok niya ako doon at nagsimula na si James sa pagdadrive habang ako patuloy pa din sa pagiyak.

***

Hi guys, intense ba? Dont you worry malapit na ang magpapapaintense at magpapainit sa mga mani niyo ng bonggang-bongga. Please vote, and follow me.

P.S. more updates in my both stories if you are active commentors.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now