Chapter 17

46.7K 690 168
                                    







Please meet me at the mall. I am really sorry, Shaya

Text sa akin ni Cherry simula nang ginawa niya sa akin 2 days ago. Hindi ko alam kung bakit siya ganon kung umasta sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung sincere ba siya o hindi. Dalawang gabi ko kaya iyun iniyakan. Para kasing nadurog ang puso ko nun sabayan pa nang marinig ko ang arrangement wedding nila ni James.

Please Shaya, for our friendship. I am willing to apologize

Text niya ulit. Pinagisipan ko nang maigi kung kikitain ko ba si Cherry o hindi pero nang makarealize ako, at yung mga pinagsamahan namin doon ko napagdesisyunan na kitain siya sa sinabi niyang address. Nagpaalam naman ako kay James na pupunta akong mall kaya okay lang sa kanya. Busy rin kasi si James sa work at sa school niya. Pinagsasabay niya kasi iyun.

Sumakay na ako nang taxi para makapunta sa sinabi niyang mall at nang makarating na ako, tumungo ako sa may restaurant na kanyang sinabi. Nang tuluyan na makapasok ako doon, nakita ko agad siya sa may bandang dulo habang nacecellphone kaya naman tumungo ako doon at umupo sa harapan niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi man lang niya naisipan na linungin ako dahil sa pagkabusy sa pagcecellphone. At nang mapansin niyang nasa harapan na niya ako, tumigil siya sa pagcecellphone at itinago iyun. Doon palang nakaramdam na ako nang kakaiba.

"Shaya..." banggit nito sa pangalan ko. I just smiled at her even though it hurts me a lot.

"I am really sorry." Anya nito at hinawakan ang dalawa kong kamay. Naramdaman ko ang sincere niyang sorry. Kaya naman ningitian ko nalang siya. "I have no choice but so say it, its my dad's partnership. Kaya ganon nalang ang nasabi ko." Dagdag pa niya. Kaya ba ganon nalang siya nung gabing iyun dahil sa kakilala ng tatay niya ang pamilya ng malditang babaeng iyun?

"Cherry, okay lang ako." Nasaktan man ako pero kailangan kong magpatawad. Tao lang naman ako, tao lang din naman siya. Lahat tayo nagkakamali.

Ningitian ako nito nang sabihin kong okay lang sa akin. Totoo naman na okay ako. Atsaka isa pa naiintindihan ko naman siya.

"Thank you talaga, hayaan mo it's my treat today." Masayang saad nito. "Waiter!" At tuluyan na niyang tinawag ang waiter para umorder nang makakain namin.

Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay bagay at ramdam ko talaga na naguguilty siya sa ginawa niya sa akin noong gabing iyun. Mabait naman si Cherry, hindi ko nga lang maintindihan kung bakit minsan nagkakaganon siya.

"Shaya, can you come with me?" Tanong nito sa akin nang matapos kaming kumain. Kakatapos lang din kasi naman kumain.

"Saan naman?" I asked her at ininom ang tubig na nasa lamesa namin ngayon.

"Basta. Please." Nagpapacute na anya nito sa akin. Natawa ako sa ginawa niya kaya naman napa-Oo nalang ako. Napa-yehey naman siya sa sobrang tuwa at lumabas na kami sa may mall para makasakay sa kanyang kotse na naghihintay sa amin sa labas ng entrance ng mall na ito. Napansin kong may driver siya. Dahil sa parehas kaming umupo sa likod.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin, napansin kong malaking building iyun doon ko napagtanto na isa itong hotel nang makapasok kami sa loob, dahil sa mapapansin mo kaagad ito sa mga detalye.

"Cherry, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko rito nang may pagtataka. Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako ng malamig, sa pagpunta namin dito, para kasing may mali.

"Basta. You'll find out." Parang may nagsasabi sa aking isipan na umalis nalang at wag nang sundan si Cherry, dahil may mali talaga akong nararamdaman.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon