Chapter 2

98.9K 1.6K 609
                                    



"Shaya, pinapatawag ka pala ni Sir James sa taas magpapaturo ata ng assignment." Utos ni Manang Grace na kasambahay rin dito sa mansyon ni James.

"Ah sige po pupunta na po ako." Nakangiti kong sabi rito. Tinapos ko muna ang iba kong assignment bago ako tumayo sa hinihigaan ko. Kanina ko pa hindi nakikita si James simula ng magusap kasi sa school, umuwi na nga lang ako magisa dahil ang sabi niya matatagalan daw siya sa paguwi. At nang maalala ko ang nangyari kanina kinabahan ako ng maalala kong maguusap kami.

Nang makapunta ako sa kwarto niya nakita ko siya na kakalabas palang ng cr. Mukhang bagong ligo siya dahil sa basa pa ang buhok nito at pinupunasan niya ito.

"James pinapatawag mo raw ako."Anya ko sa kanya. Itinuon ko ang tingin ko sa ibang direksyo nang magbihis siya. Ano ba 'yan James?! Bakit kelangan sa harapan ko pa.

"Kanina pa kita tinawag bakit ngayon ka lang?" Tanong nito sa akin habang nagbibihis, guess what guys? Wala siyang saplot. As in wala! Nagtungo ito sa kanyang walk-in closet at kumuha ng boxer brief.

At nagtungo sa akin.

"Tulungan mo ko sa assignment ko. Atsaka na-miss kita." Malambing na sabi nito at niyakap ako. Ramdam ko ang kanyang ari sa aking tagiliran. Hindi na ba siya galit saakin?

"A-ah 'yun lang ba. Sige." Napalunok pa ko ng sabihin ko iyun.

Pumunta kami sa may sofa niya at lamesa na nasa kwarto niya. Sobrang laki kasi ng kwarto neto kaya may pa sala siya.

Nakita kong naghahalungkat muna siya ng cellphone niya kaya naman ako na ang kumuha ng bag niya at tinignan ang kanyang notebook. Nagulat ako dahil wala man lang kahit anong notes.

"Ano ba 'yan wala man lang bang notes?" Asar na tanong ko sa kanya.

"No need for that." Maangas na sabi nito at sabay turo sa kanyang ulo na ibigsabihin ay saulo niya ang mga lessons. Nakakainis talaga kahit kelan.

Nang maiayos ko na ang gamit niya lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nagsimula na rin kami habang nakayakap ito sa akin.

"Baby, dito ka nalang matulog. Please." Paglalambing nito.

"James hindi pwede magagalit si mama mo kapag nakita niya ko ditong natulog. Makinig ka nga muna sakin." Paano kasi sa tuwing magsasalita ako tungkol sa mga subjects niya iniiba niya ang usapan.

"Ang sungit mo naman." Nagtatampo na sabi nito. Paano kami matatapos kung hindi siya makikinig, diba? Atsaka isa pa may klase pa kami bukas.

"Oh eto, ikaw ang sumagot." Binigay ko sa kanya ang ballpen na hawak ko para masagutan niya ang tanong sa calculus niya.

Habang nagsusulat siya napansin kong, merong pasa ang kanyang kamay.

"James bakit ka may pasa?" Tanong ko rito at hinawakan ang kamay niya. Mukhang napasubok nanaman ito sa away.

"Bakit hindi mo tanungin si Lance?" Naiinis na sabi nito. Oh no! Ano bang problema neto?

"Wag naman sana James." Ang iniisip ko kasi ay 'yung baka saktan niya si Lance na nagmamagandang loob lang.

"I punched him." Diretsong sabi nito. "Alam mo namang ayokong may lumalapit o humahawak sayo, diba? Paakbay-akbay pa kasi siya. Tsk." Dagdag pa nito. Kawawa naman si Lance. Totoong inakbayan ako ni Lance dahil nagtatanong lang naman ito kung kelan kami magsisimula sa project sa science fair.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now