Chapter 6

70.3K 1.1K 55
                                    




"James ano ba ibaba mo nga 'yang paa mo!" Suway ko rito. Kasalukuyan kasi akong naglilinis ng lamesa sa may malaking sala ng mansyon nila James. Kahit na malinis pa ito, pinupunasan ko parin para walang alikabok.

Hindi ako pinansin ni James at nagpatuloy lang sa pagkain ng nakakaasar ng pizza na hawak niya. Nilagay niya ang box ng pizza sa lamesa na pinagpupunasan ko. Nakakainis! Wala nanaman siyang ibang mapagtripan.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglilinis.

"Inaakit mo ba ako?"Tanong nito sa akin. Nagtaka naman ako kaya tinignan ko siya ngayon ay nakatingin ito sa dibdiban ko, ngayon ko lang napagtanto na kita pala ang cleavage ko. Nakasando at short lang kasi ako ngayon habang nakatali pataas ang buhok ko.

"Kung inaakit mo nga ako, pwede ka naman maghubad." Dagdag pa nito habang kumakain. Napatakip naman ako sa dibdib ko.

"Para kang ewan." Naiinis ko sabi. Nakakahiya kapag narinig ni manang grace ang mga pinagsasabi nito.

"Sabihin mo lang sakin paghorny ka. Pagbibigyan naman kita." Lumapit ito sa akin at tinitigan ako. Nakakainis ka talaga James! Parang nanginit ang katawan ko ng sabihin niya iyun.

Sinamaan ko siya ng tingin para malaman niyang naiinis na ko.

"Ang ingay mo." Anya ko sa kanya. Sabado ngayon at walang pasok. Wala namang kababalaghang nangyari kagabi sa kwarto ni James. Sabay lang kaming natulog at nung magising ako umalis kaagad ako sa kwarto niya. Tapos eto sya ngayon, nanggugulo. Halatang walang magawa.

"Babe, try natin maligo ng sabay." Napatigil ako sa pagpupunas. Dahil naiinis na talaga ako rito. Pero hindi ko maiwasan ang hindi pangtaasan ng balahibo sa mga pinagsasabi nito.

"Hinaan mo nga yang boses mo. Mamaya marinig ka ni manang." Pinilit kong habaan ang pasensya ko dahil sa magkakasala lang ako.

"Pansinin mo kasi ako, gusto lang naman kita makasama ngayon." Nagtatampo na sabi nito. Hindi ako pwedeng maging batugan dito, kailangan kong tumulong sa gawaing bahay dahil sa nakikitira lang ako rito.

"James mamaya nalang. Please." Huminga ako ng malalim dahil konting-konti nalang at mapapasigaw na ko rito.

"Sabi mo yan ah. Hihintayin kita sa cr." Umalis na ito bago itong tuluyang umalis binigyan muna ako nito ng nakakaloko na ngiti. Loko talaga itong James na 'to.

Nang matapos na ako sa lahat ng gawaing bahay nagtungo ako sa kusina at nakita ko si Manang Grace na mukhang may lakad.

"Manang saan ho ang punta niyo?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Si manang napakabait nito sa akin at parang anak niya akong ituring.

"Mamimili lang ako ng grocery." Sabi nito.

"Ah, ganon po ba? Sandali lang manang sasamahan ko po kayo."

"Ay, salamat hija." Nagbihis na ako ng pangalis at nagayos ng konti. Ayoko naman magmukhang losyang 'no.

Nang matapos na akong magbihis nagtungo na ako sa maylabas papuntang gate ng mansyon ng makita ko si James na mukhang inintay ako. Ayan nanaman siya sa tingin nalaman niyang sasama ako kay manang.

"Mukhang may lakad ka ata?" Seryosong tanong nito sa akin.

"Sasamahan ko si manang mag-grocery." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita kong nasa labas na ang family car nila James at pumasok si manang sa loob ng kotse.

"Sasama ako." Ma-awtoridad niyang sabi.

"James dito ka nalang maiinip ka lang don, promise."hindi naman ito sumagot kaya naman nagsalita ulit ako. "Dito ka lang ah? Sige aalis na ako." At nagpatuloy na ako sa paglalakad patungong kotse. Mabuti nalang at hindi na ako kinulit ni James. Ayoko siyang isama dahil sa mainipin ito atsaka isa pa, pupunta kami sa may wet market at sigurado akong hindi niya magugustuhan doon. One time na sinama ko yun, sobrang arte tapos pawis na pawis natatakot rin ito sa mga isdang buhay. Kaya siguro di na rin sumama yun dahil sa natrauma na.


***

"Ate Linda asan po si James?" Tanong ko sa isa pang kasambahay dito sa mansyon. Kakauwi lang namin at hindi mahagip ng mga mata ko si James. Asan nanaman kaya yun nagpunta?

"Umalis si Sir, pagkaalis niyo kanina." Nabubusy nitong sabi. Nagaayos kasi siya ng napamili namin ni Manang Grace. Saan naman kaya nagpunta iyun?

"Shaya, pakainin mo naman yung alagang isda ni Sir sa fish pond." Utos ni Ate linda sa akin.

"Sige po." Nagtungo na ako sa may fish pond para mapakain itong alaga ni James. Habang nagpapakain ako hindi ko mapigilang hindi isipin si James, saan ba kasi nagpunta yun? Usually kasi nag papaalam yun sa akin, kahit text man lang wala akong napansin. Kaya naman medyo kinabahan ako.

Natapos kong magpakain, papasok na sana ako nang loob ng mansyon nang makita ko ang sasakyan ni James na papasok palang sa garage nila.

Mabilis na nagtungo ako sa kanya. At laking gulat ko nang may pasa at sugat siya sa gilid ng kanyang kanang mata.

"J-james naman eh." Medyo naiiyak kong sabi, alam ko na kasi ang pinaggagawa nito.

"Oh, bakit ka umiiyak dyan?" Natatawang sabi nito sa akin. May kinuha muna siyang paper bag sa may kotse niya at napansin kong victoria secret paper bags ito. Pero mas tinuonan ko ng pansin ang sugat at pasa nito.

"Ano bang pinaggagawa mo? Sabi mo hindi ka na makikipagaway?" Tuluyan na nga akong naiyak. Ayoko nang nasasaktan si James parang tinutusok ang puso ko. Sana pala sinama ko nalang siya.

"I had to teach him a lesson. Hindi na talaga siya natuto." Maangas na sabi nito.

"Si lance ba?" Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. So niresbakan na talaga niya si Lance?

"Hm.. oo. Huy, tahan na. Ako naman tong nasapak hindi naman ikaw." Niyakap ako nito para patigilin sa pagiyak.

"Kahit na... alam mo namang ayaw kitang nasasaktan eh"

"Tsk. Oh!" Abot niya sa akin ng hawak niya kanina.

Pinunasan ko naman na ang mga luha ko at kinuha iyun.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Napangiti naman ako ng binigay niya ito sa akin.

"Bakit hindi mo tignan?" Pilisopo nitong sabi.

"Mamaya nalang, gamutin na muna nating yang sugat mo." Tugon ko rito.

Nagtungo na kami sa may kwarto niya at ginamot ko ang sugat niya. Napaparami na ang sugat ni James. Kaya mas lalo akong nalulungkot. Nang matapos ko ito linisan. Naalala kong may binigay pala siya sa akin. Kaya naman sa harapan ko mismo niya ito binuksan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito!!!

"What?" Natatawang sabi nito. Nakatingin kasi ako sa kanya.

"James naman!" Naasar ako sa kanya. Kasi naman, ang alam nito ay undies na thong at sexy lingeries. Nakakainis. Palagi akong binibilhan ni James ng ganito pero hindi ko ito sinusuot at naiimbak lang sa may cabinet ko.

"Wear it in your birthday." Manyakis na sabi nito.

Doon ko naalala na ibibigay ko na ang virginity ko sa eighteen birthday ko.

"Ah, s-salamat." Pinilit kong magpasalamat kahit na ganito ang binigay niya sakin. Nakakaappreciate parin naman ako 'no.

----

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now