Chapter 5

71.2K 1.2K 158
                                    




"James." Tawag ko rito.

Binaba ni James ang remote ng TV sa lamesa ng sala niya kung saan nakaupo siya sa kanyang sofa.

Tinignan ako nito ng mapupusok. Mukhang galit ito sa akin.

"At saan ka naman nanggaling?" Tanong nito sa akin.

"Inaya lang ako ni Lance na lumabas..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sinigawan niya ako.

"SI LANCE?! HINDI NA BA SIYA NADALA?!" Sigaw nito at nagtungo sa aking posisyon.

"James...namasyal lang naman kam--"

"Putangina, Shaya! Anong oras na?! Sumasama ka pa sa lalaki ha?!" Sigaw nito sa akin, nagulat pa nga ako dahil sa sobrang lapit lang niya sa akin.

Hindi ko nalamang siya sinagot at tinuon ang mga tingin ko sa ibang direksyon. Ayoko ng nagagalit siya. Natatakot ako.

"Sofie saw you at the mall with Lance. At nabusy ka pang lumandi sa mall. I've called you a hundred of times!" Galit na sabi nito. Si Sofie, sigurado akong nagkwento nanaman ito ng mali. Maraming beses ko na itong nahuli na nagkukwento ng mali kay James. Kasi ramdam kong may gusto si Sofie kay James kaya gumagawa ng paraan ito para masira ang relasyon naming dalawa.

Hindi ko napansin na tinatawagan niya ko dahil pagdating ng alas-tres ng hapon na lowbatt na ang cellphone ko.

"James hindi naman ako lumalandi." Pagtatanggol ko sa aking sarili. Naiiyak ako sa tuwing sinasabihan ako ni James ng ganyan. Parang tinutusok ang puso ko.

"Paano ko naman malalaman yan?! Puta, ano nagalaw ka na ba niya ah?"

"H-hindi naman akong ganong klaseng babae, James." Naiiyak kong sabi. Nagulat ako ng nagwala si James at hinagis ang pitsel at baso na may lamang tubig. Kitang-kita ko sa mata niya ang galit. Ano ba itong nagawa ko? Ayokong nagagalit siya at hindi ko matanggap na ganyan nalang niya ako kung pagsalitaan.

"Tangina Shaya. Nababaliw na ako kakaisip kung ano ba ang ginagawa niyong dalawa!" Sigaw pa nito sa akin. Hanggang ngayon iyak nalang ang nailalabas ko.

"Mabuting tao si Lance. Wag ka naman sanang magisip ng kung ano-ano." Pagtatanggol ko. Totoo naman kasi na mabait si Lance eh. Tinuturing ko siyang kaibigan dahil sa minsan kalang makakahanap ng ganoong klaseng kaibigan.

"At pinagtatanggol mo pa siya! Yari talaga yang GAGO sakin!" Lalapit na sana ito sa akin para saktan ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ni James. Tumalikod si James at nagtungo sa kanyang higaan at umupo roon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at binuksan iyun.

"Manang." Gulat kong sabi kay Manang Grace. Mabuti nalang at dumating ka manang. Siguro nasaktan na ako ni James.

"Ayos lang ba kayo? Narinig ko kasi na may nabasag kaya umaakyat kaagad ako rito." Nagaalala na sabi nito. Lumabas ako ng pintuan at sinirado iyun para hindi niya makita si James na galit na galit.

"Ah, okay lang po kami. Nasanggi lang po ni James yung pitsel. Ako nalang ho ang maglilinis." Kahit naiiyak ako pinilit kong ngumiti kay manang dahil sa ayoko na nagaalala ito. "Sige ho, matulog na po kayo." Anya ko rito. Nang tuluyan na ngang makaalis si Manang. Pumasok ulit ako sa kwarto ni James.

"Shaya, subukan mo pang sumama dyan kay Lance. Malilintikan ka talaga sa akin." Seryosong sabi nito sa akin. Tumango nalamang ako bilang sagot at kumuha ng plastik at walis sa may banyo niya kung saan nakatago ang mga gamit na panglinis para sa kwarto niya.

Tahimik ko itong nilinis.

"Ah!" Sigaw ko ng mahawakan ko ang basag na baso. Nasugatan na pala ako. Naiyak ako ng maalala ko yung mga sinabi saakin ni James. Parang tinutusok yung puso ko. Nang matapos ko nang linisin iyun. Nagtungo ako sa cr upang malinisan ang daliri kong may sugat.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang