Chapter 16: "Friends."

9.6K 189 13
                                    

Dedicated to: thelittleliesimade. Salamat sa mga comments mong nakakatuwa laging basahin! :>

 MAY SPOILER PO SA TGV SA LAST PART HUHU SARREH. Kung ayaw niyong maspoil, lagpasan niyo yung buong usapan ni Kyle at Kurt, okie? :c Kung di niyo naman binabasa yung TGV or wala kayong pake kung maspoil kayo, nevermind this. Basa lang xD

Chapter 16 

(George's POV) 

"What's with the get-up? You're trying hard now?" Maarteng tanong sa'kin ni Trixie habang kumukuha ako ng gamit sa locker ko. Gusto kong ihampas sa kanya yung mga librong hawak ko. But no, mas maganda yung plano ko at uncivilized daw yung manghampas ng iba. So ngumiti ako habang sinasara ko yung locker ko at humarap ako kay Trixie.

"Do you like it? Alam mo, gustong gusto ni Andrew pag ganito yung ayos ko noon. And obviously, he still does. Nakatitig nga siya sa'kin kanina, di ba?" 

Kung cartoon lang 'to, may lumalabas na sigurong usok sa ilong ni Trixie. 

"What the hell are you doing?" 

"I'm going with the flow of your story. Ano nga yung mga gawa-gawa mong chismis tungkol sa'kin? I'm a bitch na inaagaw si Andrew? Well, I'll do what you want. Watch me, Trixie. Panoorin mo kung pano tatakbo pabalik si Andrew sa'kin at magmamakaawang tanggapin ko siya ulit. I'll make him want me more so he'll beg for me, I'll make him forget his pride, tulad ng ginawa niya sa'kin, just to have me back, at ang magagawa mo lang ay manood." I smiled at her again bago ko siya nilagpasan. 

"Why are you doing this?"

Nilingon ko siya. "Because I'm not a pushover. You think hahayaan ko lang na sirain mo ko? Hahayaan ko lang na inagaw mo sa'kin yung boyfriend ko, tapos pinagmukha mo kong tanga, tapos siniraan mo ko? Sa tingin mo ba hahayaan ko lang na ako yung kawawa habang happy ending kayo ni Andrew pagkatapos ng lahat ng 'to? Hindi ako martyr at hindi ako katulad nung mga bida sa mga telenobela na tahimik na lang na iiyak sa tabi. No, I'll get even.

Nakatitig lang siya sa'kin. I smiled sweetly. "See you later, Trixie." 

* * *

Ano ba 'to nilalamok na ko. Eto yung pangit sa mga dress dress na 'to eh. Exposed yung braso at mga binti mo sa mga lamok. See? Kaya the best pa rin ang jeans o kaya sweatpants. Wala pang makakaboso sa'yo.

Asan na ba kasi yung si Drew? Kanina pa ko naghihintay dito sa tapat ng covered court kung saan nagpapractice yung varsity ng basketball everyday ng mga 5 pm. 

"Gigi?" Nakatingin sa'kin. And oh, he likes what he's seeing. Ayon yun sa plano ko pero imbes na matuwa ako, lalo lang akong nainis sa kanya.

LETSE KA! Bakit nga ba ako nagpakatanga sa'yo noon? Bakit ko hinayaang unti-unti akong mabago dahil lang sa gusto mo? Bakit hindi mo ako matanggap bilang ako, yung tunay na ko? All my efforts na mas mag-ayos at magpakagirly para sa'yo pero nagawa mo pa rin akong lokohin. You never appreciated all my efforts, didn't you?

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon