Kabanata 15

48.9K 664 59
                                    

Chapter 15

Nagising si Aaron mula sa isang maganda at erotic na panaginip?! Naihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. A sex with a stranger? Kakaibang panaginip. Ganoon na nga ba katagal ng huli siyang nakipag-talik sa isang babae? Hindi lang siya makapaniwala na sa babaeng estranghera siya nakipag talik. Baka naman mabuntis niya iyon? Biro niya sa sarili.

Alas-cuatro pa lang ng madaling araw, ang tanda niya ay binantayan niya si Clarisse habang natutulog ito. Bakas sa dalaga ang matinding takot kaya naman hindi niya ito natiis kahit na iniiwasan niya ito. Pinagmasdan lamang niya ang payapa nitong pagkakatulog. Napakaganda nito. Akala mo isang anghel na bumaba sa langit. Napa buntong hininga na lamang siya. Bakit nga ba niya kailangang lumayo kay Clarisse? Ang totoo ay gusto niya ito. Ano naman kung nakikita niya rito ang babaeng minahal niya tatlong taon na ang nakakaraan? Bakit nga ba niya kailangan pang pahirapan ang sarili.

Nakikita rin ba ni Allen si Victoria kay Clarisse kaya nagpaparamdam ito?

Si Victoria. Ang babaeng hindi niya sinasadyang mahalin. Ang babaeng pinakamamahal ng kanyang kakambal na si Allen. Ang babaeng sumira sa samahan nilang dalawa. Nakikita niya si Victoria kay Clarisse kahit hindi naman dapat. Malayo ang itsura ng dalawa pati na rin sa ugali. Isa lang naman ang nagpapa-alala sa kanya kay Victoria, ang mga mata ni Clarisse. Ang mga matang hindi niya magagawang limutin.

Lumabas ng veranda si Aaron at pinagmasdan ang liwanag ng buwan kasabay ang pagsimsim sa kanyang alak. Hindi na siya nag-abala pang magbihis ng pang itaas. Sinariwa niya ang malamig na simoy ng hangin kasabay ang buntong hininga. Bakit nga ba sa lahat ng mamahalin niya ay ang babaeng nakatakda pang pakasalan ng kanyang kakambal? Hindi siguro ganito kamiserable ang buhay niya kung nagparaya lamang siya.

**

Maganda ang gising ni Clarisse ng umagang iyon. Hindi niya maikubli ang mga ngiti sa labi niya. Iyon na ata ang pinaka magandang panaginip para sa kanya. Weird man ay nakaramdam siya ng kakaibang ligaya kahit pa erotic ang panaginip na iyon. Sex with a Stranger? Very unsual. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng iyon ngunit alam niyang napaka imposible niyon. Mahal na ata niya ang estrangherong iyon.

Naabutan niyang kumakain na ng almusal ang mag-inang Aaron at Rowena kaya naman naupo na rin siya sa komedor. Katapat niya si Aaron at nagulat na lamang siya ng ngitian siya ng binata. Halos maibuga niya ang iniinom na kape sa pagkagulat. Ilang linggo rin siyang hindi pinansin nito at naging malamig ang pakikitungo sa kanya. Bipolar ba ang binata? Gumanti na lang din siya ng ngiti rito. Namiss niya rin naman ang kakulitan nito.

“Hindi ka na namin ginising pa kagabi Clarisse. Mukang napasarap ang tulog mo hija?” tanong sa kanya ni Rowena tahimik muna siyang sumimsim sa mainit na kapeng inihain ng matandang katiwala.

“Pasensya na po. Napagod lang po siguro ako ng sobra.” matamis na lamang siyang ngumiti dito at tahimik na kumain.

“Ipasyal mo siya mamaya hijo. May pupuntahan lang ako.” humalik sa kanyang pisngi si Rowena gayundin kay Aaron at tuluyan ng lumabas ng mansion. Saglit na nilamon ng katahimikan ang paligoid. Animo nagpapakiramdaman sila ni Aaron kung sino ang unang magsasalita. Bakit nga ba nagkaganito sila ng binata? Namimiss na niya ang pangungulit nito sa kanya. Bigla na lamang itong umiwas ng hindi niya alam kung may nagawa siyang mali o hindi nito nagustuhan.

"Nakatulog ka na ba ng maayos kagabi?" tanong sa kanya ng binata.

"Oo. Salamat nga pala kagabi ah." halos mapapugto ang kanyang hininga ng ngitian siya ng binata. Kailan nga ba niya huling nakita ang mga ngiting iyon.

"Sorry nga pala noong mga nakaraang linggo kung nasusungitan kita. Busy kasi ako alam mo na ganyan talaga mga gwapo." sabay kindat pa ni Aaron sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan ang pagtawa. Bumalik na naman ito sa pagiging makulit at masaya siya sa ugali ng lalaking iyon.

"Magbibihis lang ako at ipapasyal kita. Babawi ako sayo." tumango lamang siya sa binata at ngumiti. Halatang excited na excited itong makasama siyang muli kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Namiss niya talaga ang kakulitan nito.

Sinundan na lamang niya ng tingin ang lalaki habang papaakyat ito ng hagdan napatawa na lang siya ng kumakanta kanta pa ito. Napailing na lamang siya at itinuloy ang pagkain. Nasa ganoon siyang isipin ng may marinig siyang isang bagay na nabasag. Agad na tumayo si Clarisse upang alamin kung saan nagmula ang ingay na iyon at napahinto sa isang pinto. Iyon rin ang pinto noong isang araw. Idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto at narinig ang mga boses na animo nag-aaway. Isang lalaki at isang babae.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong nakikitang kasama ng kapatid ko?!!" sigaw ng lalaki sa babae. Nais na sana niyang buksan ang pinto ngunit naka-locked ito. Bukod kay Aaron at Rowena may iba pa pala silang kasama sa mansion. Marahil ay hindi sa kanya naipakilala kagabi ni Rowena.

"Ano namang masama kung kasama ko siya?! Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya ah?!! Isa pa sarili mong kapatid pagseselosan mo?!!" sigaw rin ng babae.

"Hindi mo ba makuha na gusto ka din ng hayop na yun!" natatakot na si Clarisse sa maaaring kahinatnan ng pagtatalo ng dalawa ngunit wala siyang magawa kundi makinig na lamang.

"MAHAL KO DIN SIYAAAA!" nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa kanyang narinig ngunit mas lalo siyang nabigla ng makarinig siya ng isang malutong na sampal. Sinaktan kaya ng lalaki ang babae? Natatakot niyang tanong sa sarili. Kinatok niya ang pinto at pilit na binuksan iyon. Palakas ng palakas ang sigawan ng dalawa at ang mga nababasag na gamit. Natatakot siya para sa babae.

"Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo 'to!" sigaw ni Clarisse mula sa labas ng pinto ngunit napahinto siya ng marahas siyang hawakan ng matandang katiwala at iniharap dito.

"Pabayaan mo sila!" sigaw ng matanda.

"P-po? Pero baka anong mangyari sa babae! Sinasaktan siya ng lalaki!" umiling ang matandang katiwala.

"Ramdam mo din pala sila." nalilito si Clarisse sa mga sinasabi ng dalaga. Pinakawalan siya ng matanda at lumapit sa pinto.

Halos mawalan ng malay si Clarisse ng makitang walang tao sa loob ng abandonadong silid.

Sobrang WB yan lang kinaya. Sorry po. Bawi talaga next update. Yung mahaba. :(

Si Clarisse pala ------>

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Where stories live. Discover now