Kabanata 16

44.9K 664 28
                                    

Kabanata 16

Napaupo na lamang si Clarisse sa isang narrang silya dahil pakiramdam niya ay nauupos siya sa kanyang mga narinig mula sa katiwala. Hindi siya naniniwala sa mga multo o kahit anong super natural, posible nga bang guni-guni lang niya iyon? Bilang isang nurse ay dapat alam niya kung may mali na bang nangyayari sa katawan at pag-iisip niya. Naguguluhan na siya. Ngunit paano ang matandang katiwala? Di nga ba't sinaway pa siya nito? Gulong gulo na siya sa mga nangyayari. 

Halos panayuan siya ng balahibo ng madaan muli ang kanyang paningin sa abandonadong silid na bahagya pang nakabukas. Malinaw pa sa isip niya ang dalawang tinig na animo nag-aaway. Akala niya ay matatahimik na siya sa lugar na iyon ngunit may misteryo pala ang bumabalot dito.

Nagitla na lamang si Clarisse sa isiping iyon ng abutan siya ng tubig ng katiwala, tinanggap niya iyon at mabilis na uminom sa baso. Pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang kanyang lalamunan hindi niya maisip kung sa takot ba iyon o hindi. Tumingin siya sa matandang katiwala at alam ng matanda na marami siyang katanungan tungkol sa pangyayari kanina. Magsasalita na sana ang matanda ng narinig nila ang yabag ng mga paa ni Aaron. Binigyan na lamang siya ng makahulugang tingin ng matanda at umalis na ito.

"Let's go?" masiglang aya sa kanya ni Aaron na nakasuot lamang ng puting polo shirt at maong pants. Kahit simple lang ang suot nito ay umaangat pa din ang kakisigan ng binata. Bahagya niyang nakalimutan ang takot ng makita ang mga ngiti ni Aaron. Marahil ay napansin ng binata ang pamumutla niya kaya naman mabilis nitong hinawakan ang kanyang mukha.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong sa kanya ng binata ngunit umiling lamang si Clarisse.

"Wag mo kong pansinin. Tara na? Ano bang makikita dito sa bayan niyo?" tumayo na siya at hinila ang binata palabas ng mansion ngunit bago lumabas ng pinto ay nagkasalubong ang mga mata nila ng matandang katiwala, tumango lamang ito sa kanya at naglakad na pabalik ng kusina. Kailangan malaman niya ang kwento sa likod ng mga tinig sa abandonadong silid na iyon, wika ni Clarisse sa kanyang sarili.

Naglakad-lakad lamang sina Aaron at Clarisse sa bukirin at natutuwa si Clarisse na kahit papaano ay nalilibang siya sa pakikipag-usap sa mga magsasaka at paglalakad sa pilapil. Ilang beses na nga bang nahulog sila ni Aaron sa maputik na bukirin? Inaalalayan siya ng binata sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang kubo sa gitna ng bukirin. Mahangin at presko at simoy ng hangin sa kabila ng tirik na araw. Namiss niya ng husto ang buhay probinsya, malayo sa magulo at mausok na buhay sa Maynila.

Naupo lamang sila ni Aaron sa isang duyan na nakasabit sa puno ng mangga at pinagmasdan ang tahimik na kapaligiran. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago niya binasag ito. Nilalamon na naman siya ng kanyang kuryosidad hinggil sa kanyang nalaman kanina lamang mula sa matandang katiwala. Hindi niya mapigilan ang sarili ang alamin ang kwento sa likod ng silid na iyon lalo pa't nagpaparamdam ang mga ito.

Alam ni Clarisse na dapat siyang mahintakutan sa misteryong bumabalot sa mansion na kanyang tinutuluyan ngunit bakit may parte ng isip niya na nagsasabing wala siyang dapat ikatakot hangga't naroon si Aaron sa kanyang tabi. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng binata, naramdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Gusto niyang matawa sa sarili dahil literal na sinapo niya ang kanyang dibdib, pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso sa sobrang lakas ng pintig nito.

"Nakakarelax dito ano?" tanong ni Aaron at ngumiti sa dalaga. Tumango na lamang siya at ngumiti.

"Pero alam mo ang pinaka ayokong pakiramdam ay yung marelax." sagot niya sa binata. Nagtaka naman ang binata sa sagot niya.

"Bakit naman? Hindi ka ba nagsasawa sa problema? Haha. Iba ka talaga."

"Wala naman. Kada marerelax kasi ko bumabalik lahat ng malulungkot na ala-ala ko. Hangga't maaari ayokong nababakante ang isipan ko." ngumiti naman ang binata ng nakakaloko.

"Edi hindi ka na pala nalulungkot ngayon?" napangunot naman ang noo ni Clarisse sa tanong ng binata na nakangisi pa din.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi naman araw-gabi tumatakbo ako sa utak mo. Hahahaha." nagtawanan sila ng binata. Ilang sandali pa ay nabalot na naman sila ng katahimikan. Naisipan niyang mag open ng topic.

Huminga siya ng malalim at marahas na nagtanong...

"Ano nga palang nangyari sa kakambal mo? Bakit siya namatay?" napalingon sa kanya ang binata na nagtataka.

Natigang na story! Sana may magbasa pa. :( Duty ako tomw so sa Wed po yung Glass Shoes. 13HS sa Friday siguro. Muaaaaaa. Comment kayo ah.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon